Halos paliparin na nya ang kotse ni Kevin sa pagmamadali papunta kina Ikhai. Siya kase ang nag insist na mag drive.
Hindi nya alam kung bakit ganun na lang ang ibayong kaba na naramdaman nya,ngayon lang sya nakaramdam ng ganito at aaminin nya natatakot sya.
Hindi pa man sila nakakalapit sa bahay nina Ikhai ay nakita na nila itong palabas ng gate na may kasamang lalake. And guess what? Naka abrisyete ang girlfriend nya sa lalaki. Nakaramdam sya ng matinding inis sa nakita,pero ang mas ikinabigla niya ay ang makitang naghahalikan na ang mga ito.
Para syang hinampas ng isang libong beses dahil dun,kita kita pa nya kung pano mag ngitian at magpa alamanan ang mga ito bago sumakay ng kotse ang lalaki at umalis na.
Halo halo na ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon, galit,selos,inis,lungkot, lahat na ata ng negatibong damdamin ay nilukob sya. Gusto nyang bumaba sa sasakyan para lapitan ito at komprontahin. Pero para san pa? Hayagan naman nyang nakita ang panloloko sa kanya ni Ikhai, kitang kita naman nya kung pano ito tumugon sa halik nung lalaki.
Parang sasabog na ang dibdib nya at nag siguho ang magaganda nyang pangarap para sa kanilang dalawa. Namuo na ang luha sa kanyang mga mata ngunit pinigilan nya itong tumulo.
"Bok, if you want,iwan na lang kita dito para kausapin sya" ani Kevin, nilingon nya ito at kita nya sa mga mata nito ang pagkahabag sa kanya. Lalo syang nakaramdam ng pagkalungkot dahil dito.
"Hindi." aniya. "sapat na ang mga nakita ko" dugtong nya, bumuntong hininga sya para maibsan ang bigat na nararamdaman nya sa kanyang dibdib.
"okay, ako na lang mag dadrive, gusto mo ba umuwi na o babalik tayo kina Angel?" maya maya ay wika nito.
"balik na lang tayo" sagot nya, nagpalit na sila, ito na ang nagdrive at sya na ang naupo sa passengers seat.
Habang nasa daan pabalik ay muli nya naisip ang nangyari kanina. Bakit bigla nagkaganun? Wala naman sya maalalang misunderstanding nila ni Ikhai? Hindi nga ito nagbago dahil sweet pa din ito sa kanya, bakit parang all of a sudden ay ganun pala? Pinaglaruan lang ba sya ni Ikhai? Pinasakay? Pinaikot? Ayaw man nyang tanggapin,pero mukhang kung totoong pinaglaruan sya nito ay nagtagumpay ito.
Nakarating sila sa bahay nina Jian at Angel,wala syang kibo at tahimik, nagbigay lamang ang mga kaibigan ng nagtatakang tanong, maya maya pa ay dumating si Jiian kasama ang girlfriend nito, ipinakilala sa kanilang lahat pero hindi nya ito masyadong pinag ukulan ng pansin dahil lutang parin sya hanggang ngayon.
Tulad nga ng sinabi ni Angel ay dun sila lahat matutulog, nung dinner ay sabay sabay sila sa hapag kasama ang mga magulang ng kambal. Okay naman ang dinner pero hindi pa din nya ma appreciate hanggang sa napag pasyahan ulit ng tropa na uminum ng kaunti at sa terrace ulit pumwesto.
Sya naman ay nanatili muna sa silid na ipapagamit sa kanila, after ng ilang minuto ay napag pasyahan nyang sumunod na.
Hindi pa sya masyadong nakakalapit ng madinig nya sa usapan ang pangalan kaya naman nagtago muna sya para makinig.
"What happened kay Arvin?" si Ira.
"Nasan si Ikhai bakit hindi nyo kasama?" si Honey.
"Hindi ko alam kung may karapatan akong sabihin ito dahil baka magalit si Arvin" sagot ni Kevin.
"C'mon dude,spill it out,kanina bago kayo umalis balisa na yon,pagbalik nyo para naman syang ibang tao,ano ba nangyari?" singit ni Bryle.
"I think,may affair si Ikhai with other guy" si Kevin.
"What??!" nabiglang sabi ni Ira at Honey.
"You heard me right" si Kevin ulit.
"pano mo nasabi? Hindi naman siguro gagawin ni Ikhai yon! We know her!" di napigilan ni Pipay ang sumabat.
"yon ang nakita namen ni Arvin,naghahalikan sila nung lalake at parang ang saya saya nila habang nag uusap" sagot ni Kevin.
"Oh boy!" palatak ni Dex.
"I cant believe this! Tatawagan ko si Ikhai,its freaking me out" wika naman ni Ira.
Dun na sya nagpasyang lumapit.
"No! Yan ang huwag mo gagawin Ira" pigil nya.
"at bakit huwag?" si Ira ulit na nakataas na ang kanang kilay.
"Ill give her time and space,gusto ko din makapag isip, at baka mali lang ako" sagot nya saka umupo at kumuha ng bote ng alak at tinungga ito.
Nagpaka lasing sya nung gabing yon, hindi naman sya mapigilan ng tropa at napapailing na lamang ang mga ito sa kanya.
Dala ng sobrang kalasingan ay hindi na nya namalayan na hinatid na sya ni Kevin sa kwarto.
At sa hindi sinasadyang pagkakaton sa unang pagkakataon din. May nangyari sa kanila ni Kevin.
Halikang puno ng damdamin,dito niya ibinuhos ang lahat. Dahil pareho silang walang alam sa patungkol sa ganung bagay ay napaligaya nila ang bawat isa sa pamamaraang alam nila, salitan nilang nilaro ang ari ng bawat isa,ang kamay nya kay Kevin at ang kamay ni Kevin ay sa kanya naman.
Kinabukasan ay nagising sya sa sakit ng ulo, medyo nalito pa sya dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid. Ngunit naalala din nyang bahay nga pala ito ng kambal.
Nang tumagilid sya ay laking gulat pa nya ng makitang katabi nya si Kevin na himbing na himbing sa pagtulog. Napabalikwas sya ng bangon dahilan para maalis ang kumot, at dun nya napansin na kapwa sila hubad.
"anong nangyari?" sabi nya sa sarili.
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Just Believe [completed]
HumorThis is my 2nd story na gawa ko na ibinulgar q sa net, pero ito ang 1st time ko magpost ng story dito sa wattpad, m2m love and friendship story po ito, sana magustuhan nyo :)