girlprettyheart's note:sa mga gustong mag-suggest ng scene sa story na ito,i-message niyo lang ako.
Sana supportahan niyo ito.
Basa muna bago comment at vote...
and be a FAN...=)
===================================
Nagkatitigan lang kami ng sobrang masama ni mr.guy
na animo mga tigre sa talas ng aming tingin..
ilang sandali pa ay nauna na siyang umiwas ng tingin at dumiretso kay Jacob...
aba't di man lang nagpa-sorry!!! (kainis siiiiyaaaaa)
aba't mukhang magkakilala sila...haaayyy naku masama ang kutob ko sa dalawang ito
nang makalapit na siya kay Jacob ay bigla siyang tumingin kay Ysa.
na katabi lang ni Jacob at may binulong kay Jacob pero narinig ko iyon,malakas ata pandinig ko hahaha...
ang bulong niya...........
'ikaw ha,may next target kana kaagad,good luck dude kasi may mga kaibigan siya at mukhang palaban lalo na si miss doon (sabay tingin sa akin at agad akong umiwas ng tingin...baka kasi mahalata niya ang pakikinig ko)
may binulong pa siya pero masyado ng mahina kaya hindi ko na narinig pa
pero malinaw na ma;inaw,as in malinaw pa sa tubig na bukal ang mga nauna niyang sinabi
'target daw???/!!!! kinabahan ako dahil alam kong may hindi magandang itensyong ito si Jacob...
at dapat alamin ko iyon ng mas maaga..
Hindi dapat masaktan si Ysa,bawal siyang magalit,bawal siyang makaramdam ng matinding emosyon....
dahil may sakit siya sa puso pero hindi niya iyon alam
=====flashback=====
"tita,talaga po bang ayaw niyo ito ipaalam kay Ysa ang sakit niya?",tanong ko na naguguluhan.
(kasalukkuyan kaming nasa ospital dahil isinugod si Ysa nang mahimatay siya noong summer..)
"Huwag muna sa ngayon Lei,gusto ko muna siyang sumaya at mag-enjoy sa buhay niya nang walang inaalalang sakit,ayoko siyang ma-strssed at ma-depressed pag nalaman niyang may sakit siya sa puso at malala na ito,kasalukuyan na nga kami ng daddy niya naghahanap ng puso na pwedeng ipalit sa kanya",maluha-luha na sabi ni tita.
Kaya niyakap ko siya...
muli siyang nagsalita...
"Lei,ipangako mo na aalagaan mo si Ysa,bigyan mo siya ng advice sa lahat ng gagawin niya,ikaw lang ang inaasahan ko sa ngayon at isa pa ikaw na din ang bestfriend niya at sana huwag mo munang babanggitin sa kanya ang tungkol sa sakit niya ha,maasahan ba kita Lei?",tanong ni tita na humiwalay na sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako..
Malungkot ang mata at naawa ako ng sobra kaya..
tumango ako "hindi ko man po maipapangako na magagawa ko po ang lahat ng iyon pero gagawin ko po ang lahat..",sabi ko at napangiti naman siya..
"Salamat Lei,napakalaki nitong bagay sa akin",sabi ni tita.
"naku tita,wala po yun kumpara samga naitulong niyo sa amin ni mama",sabi ko.
(sila kasi ni mama ay naging matalik na ding magkaibigan at nung kami ay may kailangan,palagi nila kaming tinutulungan at hinding hindi ko iyon makakalimutan)
ngumiti siya at umalis na ako...hindi ko na hinintay si Ysa na magising pa dahil natutulog pa din..
======end of flashback========
"sige pare mauuna na ako,may appointent pa ako", sabay ngiti ng nakakaloko ni mr.guy
"ok,ingat at good luck Gab",sabi ni Jacob
Gab pala name ni mr.guy,,,nice name:)
pero hindi ang ugali...
matapos naming makain lahat ng inorder ni Jacob ay nagpasya na kaming umuwi na, kaya una na akong umimik..
"so salamat ulit Jacob sa libre,kailsngan na naming umuwi",sabi ko sabay ngiti
"no problem,nice meeting sa inyong tatlo lalo na sa iyo Ysa,see you tom",sabi ni Jacob
"ah eh thanks Jacob,tara uwi na tayo",tanging nasabi ni Ysa dahil halatang kinikilig sa sinabi ni Jacob..
"ok tara na,salamat pre",si harry na seryoso ang boses (waaaahh katakot magseryoso talaga nito)
Ayun nga umalis na kami sa canten na sobrang laki at kasalukuyang naglalakad nang may marinig ako...........
"yun yung girl na 'yon,kawawa naman siya transfery lang ata at siya na ang next target"-girl 1
"patay siya,masasaktan siya ng bongga"-girl 2
"Tama,napakainosente pa naman"-girl 3
Alam kong si Ysa ang tinutukoy nila dahil sa kanila ito nakatingin.
kinabahan naman ako dahil alam kong may koneksyon iyon kay Ysa sa sinabi ni Gab kay Jacob kanina.
Ako lang ang nakarinig ng mga pinagsasabi ng mga babae dahil parehong naka-earphone sina Harry at Ysa.
'next target......next target....next target.....next target...'
hay puro na lang iyan ang nasa utak ko nakakainis naman ohhh...,,please...
Hanggang sa bahay ay para akong tuliro na hindi malaman ang gagawin at napansin iyon ni nanay kaya...
"anak may problema ba?,musta ang school?,ok ka lang?,ba't ka balisa??",sunud-sunod na tanong ni nanay sa akin.
"ah wala po ito nay,ok lang po ako,sige ma papasok na ako sa kwarto",sabi ko aty nakakailag hakbang pa lang ako ng mahimatay si nanay....
0_____________0 "nay!!!!"
dali-dali akong tumakbo sa kanya at humingi ng tulong sa mga kapit bahay...........
Agad naman namin siya naitakbo sa ospital at ngayon ay nasa ICU..hindi ko alam ang nangyari kay nanay,wala naman akong alam kung may sakit ba siya malihim kasi si nanay eh....
Tinawagan ko si Daddy at sinabi ang nangyari agad naman siyang sumugod dito....
pumunta muna ako sa prayer room at nagdasal...
"Lord,iligtas mo po si nanay ,siya na lang po ang karamay ko sa mga problema ko,si Daddy every sat. lang po siya bumubisita sa min,please Lord nagmamakaawa po ako..mahal na mahal ko po si nanay"..napaluha na ako sa pag-aalala kay nanay
(*anu ba naman itong buhay na ito ang daming problema nakakaloka na")-nasaisip ni Lei.
===================================
girlprettyheart 23
Vote and comment.....
Nabitin ba kayo??? haha ako din eh..abangan ang next chapte andaming mangyayari...=)
------------------------god bless-----------------------
BINABASA MO ANG
Love:Sacrifice or NOT?! (On Hold)
Teen Fiction"Those things which are precious are saved only by sacrifice"-David Kenyon Webster Life is not about getting, it also about giving and making sacrifices for the ones you love.