Chapter 18

105 6 5
                                    

girlprettyheart's note: Sorry sa napakatagal kong di pag- UD :(  I'm really sorry po lalo na sa mga nag-aabang ng nitong next chapter. 

Hope you like this one! Thank you. 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Lei's POV

"Lei, anak koh, miss na miss na kita anak ko", isang mala-anghel na boses ang aking naririnig na tumatawag sa akin......si Mama pala... 

"Ma?, mama koh",  umiiyak akong lumapit kay mama at yumakap sa kanya ng sobrang mahigpit waring isang batang musmos na kaytagal nang nangulila sa pinakamamahal na ina. 

"Mama, miss ko na din po kayo", di ko pa rin mapigilan ang patuloy na pagbagsak ng luha sa aking mga mata. 

"Mahal kong anak, kamusta na ang baby girl ko?" , patuloy na pagsasalita ni mama. Napakalambing talaga ng boses ni nany Laureta, miss ns miss ko na talagang marinig ang mala-anghel nitong boses.

"Ma?, mama..." hindi pa din nauubos ang mga luhang para bang napakabigat sa aking mata, dala na din siguro ng matinding pangungulila.

"Maayos naman po ako ma, masaya po ako na magkasundo kami ng pamilya ni Daddy, maayos naman po ang pakikitungo nila sa akin, tinuring nila akong parang tunay na pamilya", pagpapatuloy ko.

"Mabuti naman kung ganoon anak...... panatag na ako ngayon na may nag-aalaga sa'yo at nagmamahal ... paalam na anak ko"

Paalam? teka saan pupunta si mama, antagal kong hinintay na makasama siya tapos aalis na siya kaagad? di man lang kami nakapag-usap ng matagal! :( "Ma, teka lang po, mama!!! ..... mama" 

Nawala na ang pagkakayakap ko kay mama, nakangiti siya habang papalayo ng papalayo mula sa aking kinaroroonan saka mahinhin na winawagayway ang kamay bilang pamamaalam. 

Naiisin ko man siyang habulin ngunit parang nakasemento ang aking mga paa na kay bigat at hindi ko ito maigalaw. Ako'y nagmistulang batang musmos na walang magawa habang pinapanood ang pag-alis ng pinakmamahal niyang ina. 

Si inay ay naglaho na parang bula mula sa napaka puting liwanag na sobrang nakakasilaw. Habang ako ay nakaluhod at patuloy ang pabtawag sa kanya.. "Mama... mama... mama.."

Hanggang sa bigla akong magising. .. " Hay panaginip lang pala"

Ngunit kahit na panaginip ay halos mabasa na ang aking dibdib sa mga luha. Talagang nami-miss ko na si mama. Nayuko na lang ako at muli nanaman aking binigkas " Mama.. sana nasa mabuti kayong kalagayan, huwag kayong mag-aalala maraming nagmamahal sa akin, nasa mabuti po akong kalagayan" 

Matagal-tagal na din akong di nakakadalaw sa dating bahay namin ni inay sa iang subdivision, kaya naman mamaya pupunta ako para man lang mabawasan ang pangungulila ko kay inay. Lahat kasi ng masasayng ala-ala namin ni inay ay nasa bahay na iyon. 

Someones's POV

"Ang anak ko... wala na ang anak ko.. hindi man lamang kami nagka-ayos bago siya mawala dito sa mundong ibabaw. . Patay na si Laureta, ang nag-iisa kong anak. . . " 

Nang malaman ko na patay na si Laureta, para akong naparalisa. Hindi ko maigalaw ang aking buong katawan, waring huminto ang lahat. 

Sana man lang natanggap ni Laureta lahat ng aking mga sulat na ipinapadala sa kanya. Para naman kahit papaano ay mabawasan ang aking sakit na nadarama.

Bata pa lamang siya ay may sakit na talaga siya sa puso, tuwing ikatlong buwan ay sumasailalim siya sa medical chek-up para ma-monitor ang kanyang kalagayan at kalusugan. Ngunit nahinto iyon nang sumama siya kay Romualdo. Mas pinili niya si Romualdo kaysa sa aming pamilya. 

Tanging si Leirame na lang ang aking naitirang pamilya sa mundo, ako'y may katandaan na, kay Lei ko ba lang maipamamana ang lahat ng aking ari-arian kaya naman dapat ko siyang mahanap. 

"Ahmmm.... sir umiiyak po ba kayo?", tanong ni Kim ang aking assistant. 

"Don't mind me, gawin mo na lang ang pinapagawa ko sa iyo, lahat ay gawin niyo mahanap lang si Lei ang nag-iisa kong apo,"

"Yes Sir" 

Kailangan ko siyang hanapin, si Lei. Kahit man lang sa apo ko na lamang ay makasama ko siya. At para na rin makabawi sa pagkukulang ko sa kanilang mag-ina. Dalagta na sigurado si Lei, alam kong kasing ganda niya ang kanyang ina. 

Harry's POV

Namiiss ko na si Lei ko..... huli ko siyang nakita nung sa Secret Love Garden..... hahaha muntikan ko nang masabi na siya yung babaeng patago kong minamahal. 

Papunta pala ako ngayon sa bahay ng mga Lee, pupuntahan ko si Lei. Gamit ko ngayon ang car ko.

*Dingdong......Dingdong* 

"Ano po iyon Sir?", yaya

"Nandiyan po ba si Lei? Kaibigan po niya ako"

"Pasensya na po sir pero kanina pa po naka-alis si ma'am Lei", yaya

"Saan naman po kaya siya nagpunta?"

"Nasabi niya sakin sa dating bahay daw niya", yaya

"Aahh ganun po ba, salamat po manang"

Alam ko na kung nasaan si Lei, sa dating  bahay nila ni Tita Laureta. Kaya naman di na ako nagpa-tumpik-tumpik pa ata agad ko na rin pinaharurot ang aking kotse.

Siguro miss na niya ang mama niya kaya siya pumunta doon ...  napapangiti na lamang ako habang nagmamaneho. :)

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

girlprettyheart's note: Comment please? :) Sensya if may grammatical error :)

Vote na rin po if nagustuhan niyo and become a follower :) 

Nagawa ko na ang half ng next chapter. Medyo busy lang talaga dahil ngayon nag-re review ako dahil may exam kami. And dahil college na niyan ako nag-aaral na din ako for preparation this upcoming S.Y. :) Hope you understand! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love:Sacrifice or NOT?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon