vote and comment
god bless...
====================
Harry's POV
Umupo na kami ni Lei sa bandang dulo ng room,favorite kasi naming pwesto ni Lei sa dulo eh..
alam niyo na para iwas sa recitation sa teacher,kapag kasi nasa harapan ka palagi kang tinatawag eh kainis yung ganoon
Ewan ko ba kasi kay Lei kung bakit hindi niya maramdaman ang nararamdaman ko para sa kanya,dati ko pa talaga siyang mahal since highschool.
Sinasadya ko talagang tawagan siyang Beh
palusot ko eh...Best Ever Harry ang meaning pero
para sa akin Beh ang tawagang mag-girlfriend at mag-boyfriend dahil turing ko kay Lei ay para ko na siyang girlfriend
The way I care for her....
The way I treat her....
The way I look at her....
ay bf na bf ang ipinapakita ko sa kanya...
Alam ko naman rin kasi ang tungkol sa buhay niya na anak lang siya sa labas at dahil doon ay medyo nalayo na ang kanyang loob sa mga lalaki kaya nahihirapang magmahal dahil konting mali lang ng isang lalaki ay nadi-disappoint na siya...
Kaya ayoko muna sabihin ang aking nararamdaman sa kanya baka lumayo ang loob niya sa akin at mawala ang tiwala niya sa akin,ok na ako sa FRIENDZONE muna
besides alam kong hindi pa rin handa si Lei sa isang relationship...
at least kapag friend niya ako ay walang ilangan factor at nakakasama,nabibiruan,makakatawanan ko pa siya...
"Hello,good morning class,"sabi agad ng aming proffesor papasok pa lang
"Good morning Sir,"sabay naming lahat
"So dahil first day of school eh wala pa tayong serious lesson na ita-take up,...so Iwant you all one by one to go in front of the class and introduce yourself,"sabi ni prof.
Dahil nasa dulo kami ni Beh (Lei) ay hindi kami kikakabahan.Diba pag ganitong introduce yourself ay unahan palaging nauuna? so nasa dulo kami so abig sabihin ay panghuli kami nang Beh ko...
natigilan ako sa pagiisip ng...
"You first,"sabi ni prof. sabay turo sa akin gamit ang hintuturo niya.
"Ako po sir?,tanong ko dahil hindi ako sure.
eh nasa dulo pa kami malay ko ba eh kung itong sa tabi ko na lalaking nerd ang tinutukoy niya hindi ako....
"Yes,so go in front of theclass and introduce yourself,"sagot ni prof.
Hay naku wala nang ligtas dahil ako nga,
tinignan ko si Beh at nakitako yang parang nagpipigil ng tawa dahil nakatakip ang panyo nito sa bibig niya gamit ang kanang kamay..
ah ganon pala ah tignan nga natin kung siya kaya yung unang matawag at nakakabuwisit lang talaga..
sino ba naman ang nagpauso nito..hay buhay
So tumayo na ako at pumunta sa harap
kainis lang dahil yung mga girls na nadadaan ko ang lalapad ng mga ngiti,
pero sorry na lang sila dahil pagmamay-ari na ni Leirame Lee ang aking puso and no one can replace her in my heart...
naks umi-english na si ako...pasensya na umiibig lang haha..

BINABASA MO ANG
Love:Sacrifice or NOT?! (On Hold)
Teen Fiction"Those things which are precious are saved only by sacrifice"-David Kenyon Webster Life is not about getting, it also about giving and making sacrifices for the ones you love.