girlprettyheart:Salamat sa mga readers ng story ko mapa-silent readers man yan o demanding readers hahaha...
Special mentions:
rosemine30,AkiraDash,GeraldineFlorentino,BlackBatman08,mesheen,dayiitah_kim,NicoleWP,amamermaid.
Salamat sa inyong lahat :D and also kay AkireMtogether na silent reader hahaha mag-ingay ka naman XDXDXD.
yun lang..
Enjoy Reading...
===================================
Lei's POV
"Good morning sunshine,good morning nanay",sambit ko pagmulat pa lang ng aking mata.Nasa bedside table ko lang ang picture ni Nanay para pagkagising ko araw-araw ,siya una kong makikita.
Hay isang umaga nanaman,sana maging masaya ang araw na ito.
Ay oo nga pala may pasok ngayon so makikita ko na ulit si Bestfriend Ysa at Harry waaaahhh excited nako.
Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniform ko.Then bumaba na ako para mag-almusal kasama siyempre ang family ni Daddy, naging ka-close ko na silang lahat kaya napakasaya ko.Hindi na ako naiilang makipag-conversation sa kania at minsan pa nga eh nakakabiruan ko pa sila..hayy ang saya lang kala ko porket mayaman di marunong sa biro pero makukulit din pala sila lalo na sina kuya Ron at kuya Lan.Lagi nila akong tinatawag na little sister at palagi nilang ginugulo buhok ko,pero di ako nagagalit sa katunayan nga eh natutuwa ako dahil naranasan kong magka-kuya.
"Good morning little sister",sabay na bati nina kuya Ron at Lan pagkababa ko pa lang ng hagdan.hahahaha nakakatuwa lang sila palagi kasi silang sabay magsalita parang kambal lang haha.
"Good morning din mga kuya",bati ko din sa kanila."Good morning Tita and Bea",sabay halik sa pisngi ni tita Rose at kay Bea.
"Nasan po si Daddy?",tanong ko sa kanila.
"Hay naku ate masanay ka na kay Daddy,minsan kasi ang aga-aga niyang nagpupunta sa company,alam mo naman napakahalaga ng business kay Daddy",sagot ni Bea.
"Tama si Bea Lei,normal lang sa amin ang di makasabay ang Daddy niyo sa breakfast,kaya nga napakasaya namin pag makasabay namin siya sa almusal eh. yun ay kung di masyadong maraming work sa company,ngayon kasi ngayon madaming business papers na dapat asikasuhin so yun super busy",pagpapaliwanag ni tita kaya tumango na lang ako,"oh by the way kumain na tayo baka malate pa kayo sa school niyan tara na",dugtong ni Tita.
Habang kumakain ay binibiro nanaman ako nina kuya..
"Lei pag may boyfriend kana sa amin mo agad sabihin ha? para i-tetest namin siya kung bagay ba siya talaga sa'yo hahaha diba Lan?",si kuya Ron na tumawa pa.
"Aba dapat lang,papahirapan ko siya talaga hahahaha joke lang",pabiro naman ni kuya Lan.
Haaayyy naku sinumpong nanaman sa biro sina kuya,palagi ako pinagti-tripan buti na lang di ako madaling mapikon haha kundi kanina ko pa silang pinaguntog ng ulo hahaha joke lang.
"Kuya naman eh....bata pa ko study muna",sabi ko na nag-pout pa na parang bata.
"Tama ka Lei study muna,oh tignan niyo na si Lei buti pa siya matino ,kaya kayong dalawa magsi-aral kayong mabuti sayang binibigay ko sa inyo na malaking allowance kung ipang-good time niyo lang",turo ni Tita kina kuya.
"Yes Mommy",sabay nanamn na bigkas nina kuya nagsaludo pa.wahhh ang cute nila.
"Mga kuya ko talaga wala nang nagawang matino sa buhay ,kaya ate Lei wag mo silang gagayahin mga bad influnce sila",si Bea na nag-roll eyes kina kuya.
"Ooopps tama na yan baka san pa mapunta usapan na yan at mag-away pa kayo",Awat ni tita sa aming lahat kaya nagtawanan kaming lahat.
"Ate sabay-sabay na lang tayo pumunta ng school ha!,sabay ka kay kuya Ron ako kay kuya Lan tutal naman eh gagamitin nila mga kotse nila",sabi ni Bea at sumang-ayon naman sina Kuya "yup mas okey yun sa akin ka na lang sumabay Lei",si kuya Ron.
"Hindi ba nakakahiya kasi alam ng lahat na kayo ang may-ari ng school then makikita nila ako na kasama niyo baka sabihing FC ako",ako
"Alam mo Lei isa ka na din sa may-ari ng school remember na anak ka din ni Daddy",sabi ni kuya Lan.Sabagay tama si kuya pero ano na lang ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila na anak ako sa labas?
"Yeah tama ka kuya but ano na lang sasabihin nila sa akin na anak sa labas? Makakasira din ako sa magandang image ng family niyo at ng school",malungkot na sambit ko sa kanilang lahat.
"Alam kong iisipin mo yan Lei kaya naman mamaya sa University ay may special event akong ipinagawa para ipakilala ka sa buong University na isa kang Lee na anak ni Romualdo at isa sa may-ari ng RLU kaya don't worry kami bahala sa'yo",sambit ni tita na ikinagulat ko.
Ako ay ipapalikaka sa buong campus? mamaya?waaahhh I'm not yet ready ano na lang sasabihin nila?
"Lei,alam kong natatakot ka,nandito lang kami at kung sino man ang mang-aaway o magsasalita sa iyo ng masama ay isumbong mo lang sa akin at mangingitim ang buong katawan niya sa bugbog",mabagsik na sabi ni kuya Ron.
"Kuya naman ang brutal mo naman",sabat ni Bea.
"Tama ka Ron sasamahan kita hahaha",si kuya Lan.
"Isa ka pa Lan,halinga kayo dito.."hinawakan ni tita ang mga tenga nina kuya at pinag-untog ang ulo ng dalawa,"oh ano nagising na ba kayo ha?kung anu-ano na naiisip niyo",sigaw pa ni tita hahaha "arayy ma naman eh nagbibiro lang kami" sabi ni kuya Lan habang hinihimas ang namumula niyang tenga hahaha buti nga sa kanilang dalawa laging naka trip.
"Salamat na lang mga kuya pero no need pa ang manakit para lang sa mga tao na pagsasalitaan ako ng masama kung sakali.Hindi ko na lang sila papansinin,wala naman akong mapapala kung papa-apekto ako sa mga walang kwenta nilang comment,at hgit sa lahat wala naman silang magagawa eh",sabi ko sa kanila.
"Tama ate ang galing mo talaga kaya alam kong magkakasundo tayo kaysa sa mga ewan nating kuya",sabay tingin ni Bea ng masama kina kuya Ron at kuya Lan.
"oh hayan nanaman ang bangayan niyo,magsitigil na nga kayo, ituloy na lang nating ang pagkain baka lumamig pa oh",awat nanaman ni tita pero sina Bea at kuya Ron at Lan ay nagkatinginan pa ng masama pero ako ay napangiti na lang dahil ang cute nilang magalit hahaha.
Sana palagi kaming ganito na masaya.Ang sarap lang sa pakiramdam na magkapamilya na tanggap ka kahit anak lang ako sa labas.Bihira lang kasi ang ganito eh,halos diba masungit ang step mom?! pero si tita Rose ay super bait.Sina kuya Ron at Lan naman eh ok lang sila super funny kasama.Si Bea naman ay sweet sa akin kaya happy ako sa kanilang lahat.
==============================
girlpettyheart;s note:sorry sa di agad pag-update masyado lang busy sa school sana nagustuhan niyo ang chapter na ito.
VOTE PO AND COMMENT!!! and BE A FAN :D
BINABASA MO ANG
Love:Sacrifice or NOT?! (On Hold)
Fiksi Remaja"Those things which are precious are saved only by sacrifice"-David Kenyon Webster Life is not about getting, it also about giving and making sacrifices for the ones you love.