girlprettyheart's note:Please paki-basa din po yung iba ko pang story.
Mirror Room (short story)
Bestfriend or Girlfriend?!
yun lang po,thanks!!
here's the UD Hope you like it =)
==============================================
Lei's POV
Nakaupo na kami ngayon ni Daddy sa gilid malapit sa Emergency Room nang biglang may lumabas na nars mula sa ER na halatang nagmamadali dahil hingal na hingal sa kilos at natataranta na...
Lumapit siya sa amin..at nagtanong..
"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente na si Laureta Lee?"
"Oo kami nga,kamusta na ang asawa ko",nag-aalalang sabi ni daddy.
"Sir,medyo po matatagalan pa po ang operasyon pinapasabi lang po ni Doc para hindi kayo masyadong mainip",paliwanag ng Nars
"OPERASYON????!!"gulat kong tanong.
Ano ba ang lagay ni nanay?,bakit siya o-operahan? Hay naguguluhan na ako ng todo-todo..
"Kasi po ma'am may Brain Tumor po ang pasyente at malala na po...sige po kailangan ko na pong pumasok ulit,excuse po",then nagmamadaling tumakbo palayo ang Nars at pumasok ulit ng ER.
Antagal bago mag-sink in sa utak ko ang sinabi ng Nars,,,TUMOR?? sa utak? Hindi ako makapaniwala.Nabigla talaga ako ng sobra.
"Daddy?",tawag ko kay daddy na halatang di pa rin halos makapaniwala sa narinig katulad ko kaya yinakap ko siya.
"Lei anak",pabulong niyang sabi.
"Daddy,alam kong matatag si Nanay,Ako nga rin di halos makapaniwala pero alam kong everything has a reason...Umupo muna po tayo".
then umupo ulit kami
tahimik
walang nag-sasalita
masyado nang nakakabingi
tanging mga yabak lamang ng mga Nars na dumadaan ang nagbibigay ng ingay.
Naala ko tuloy noong may sinabi sa akin si Nanay na hanggang ngayon ay hndi ko pa rin lubusang mapaniwalaan...
FLASHBACK
December 16
'Happy Birthday to you.......
happy birthday to you....
happy birthday,happy birthday....
happy birthday to you.......
"Happy Birthday Lei!"
Iminulat ko ang mata ko,kakagising ko lang dahil sa may taong may magandang tinig ang kumakanta ng happy birthday at nakita ko si Nanay na may hawak na cake,It's a double dutch flavor na cake,WOW!!! my favorite......
"Thank you nay I love you talaga to the highest from the highest mas mataas pa sa Mount Everest and your the best!!!"biro ko kay nanay then siyempre I have to make a wish before blowing all the candles...so my wish is 'makilala ko na ang family ni daddy especially yung mga kapatid ko and I promise na mamahalin ko sila tulad ng isang tunay na kapatid,sabik na ako sa kanila lalo na kay Bea na only girl din...gusto ko nang magka-kapatid'...

BINABASA MO ANG
Love:Sacrifice or NOT?! (On Hold)
Teen Fiction"Those things which are precious are saved only by sacrifice"-David Kenyon Webster Life is not about getting, it also about giving and making sacrifices for the ones you love.