Chapter 15

180 9 5
                                    

girlprettyheart's note: I just want to thank all the readers...waaahhhhh ang saya lang kasi may nakaka-appreciate pala sa story ko :)

Yung feeling na may nagco-comment na next UD po please...

Hope na ma-enjoy niyo tong Chapter na to :)))

Belated Happy Valentines to all <3<3<3

=========================================

Gab's POV

'whaaaaaaat??!!!!', iyan ang nasaisip ko nang malaman na si Lei ay anak ni Mr.Romualdo Lee,ang may-ari ng school and definitely kapatid nina Bea,Lan at Ron.

Kaya pala kanina kung magkatinginan sila eh pangiti-ngiti pa,at hindi lang iyon dahil gusto nila na ipahiram ko sa kanila yung aking Harley-Davidson Sportster ang aking Big Bike Motorcycle.

FLASHBACK

"Sige na pre ,parang di kita kaibigan niyan eh,isang araw lang naman yon,ibabalik ko din sa'yo",si Lan na napakabaduy dahil di ako sanay sa kanya na ganito siya nagsasalita,heto siya mukhang bata na parang nagmamaka-awang bigyan ng lollipop,tsk.

"Bakit di ka na lang bumili?,ang dami mong bank accounts tapos manghihiram ka ng Sportster ko? no way,ang mahal pa ng bili ko dun at ako lang dapat na makagamit b\dun pre!",sagot ko kay Lan,kung bakit ba naman di na lang siya bumili.

"Hindi ako pwede bumili ng ganun Gab,malalaman ni Dad yon and for sure kukunin niya lahat ng cards ko,kaya pumayag ka na pre",haiiissst ang kulit naman nito kaya naman sinigawan ko siya...

"HINDI MO BA ALAM ANG SALITANG AYOKO HA?"

"Gab naman,eh para isang araw lang di mo pa pagbigyan,dali na pumayag ka na",si Ron,tssss.. isa pa tong mokong na 'to.talaga nga namang magkapatid sila.

"Sinasayang niyo lang oras ko,akala ko naman kung ano sasabihin niyo ngayon pala gusto niyo lang hiramin yung Sportster ko! , My decision is final and AYOKO ok!!!",kakulit ng dalawang ito,pag-untugin ko kaya sila ng ulo para matauhan.makaalis na nga..

Naka 2 metro na ako sa paglakad nang biglang magsalita si Lan na ikinatigil ko sa paglakad..

"Unless kung bibigyan ka namin ng picture at # ni Lei"

Ano daw? number ni Lei? at pic. kamo? hmmmm.. let me think..

Humarap ako sakanilang dalawa at nakita ko silang nakangiti ng nakakaloko.

"Oh ano payag ka na?",si Ron na nasandal pa sa pader habang nakabulsa yung dalawa niyang kamay...Teka style ko yun ah,ginagaya niya ako,tsk.. walang originality.

"Sinasabi ko na ngaba eh,siguradong mapapayag ka din namin",si Lan.

"Bakit sinabi ko bang payag na ako?",ako

"Oh kung ganon aalis na kami tutal naman eh,mukhang di na talaga magbabago ang desisyon mo,sabagay your Gabriel Go,your decision is always your decision,no one can change your mind",then nagsimula nang maglakad kaya naman bigla akong nagsalita...

"give ti to me now then I'll give what you want"

"Sabi ko na ngaba eh hahaha di mo talagamatatanggihan offer namin",si Ron.

Loko to ah ginawa pang deal si Lei.

"Oh hayan na",inihagis ni Lan sa akin yung isang maliit na pirasong papel na may # ni Lei.Wo lang ha,naka-ready talaga..planado ba nila ito? humanda sila sa akin nito..

"yung pic?",tanong ko.

"Relax Gab,siyempre wala pa kami non pero as I promise,bibigyan kita non,asan pala yung key?",si Lan.

"Catch pre",inihagis ko sa kanya yung susi.

"Gab enjoy ka muna sa text text w/ Lei,hahahahahahahha",si Ron na tumawa pa ng sobrang lakas,nakitawa naman din si Lan.Loko talaga tong mga unggoy na to,naisahan nila ako dun ah,porket ba may gusto ako kay Lei....waaaaaak   Did I just say those words that I love Lei? oh sa tingin ko di ko na madedeny pa ito,

'Lei got my heart'

END OF FLASHBACK

tooooooooot tooooooot (sounds of text message hehe)

'ahmm ok lang ..cge wait mo na lang ako dun'

nagtext si Lei :)

Tinanong ko kasi siya kung may free time siya at niyaya na pumunta sa park,at heo nga pumayag siya... kaya naman

YESSSSSSSSSS!!! nagtatalon ang puso ko dun ( what a term! )

'ok I'll wait you here' , reply ko sa kanya.

Ang tipid ko magreply noh! eh kasi naman di ako talaga sanay mag-text kaya naman napakabagal kong mag-type.I prefer kasi na call na lang tutal naman eh naka-plan ako pero dahil nga si Lei eh kinakayanana pa naman kahit nakakakalyo ang pagte-text...

Maaga pa sa pinag-usapang time naroon na ako sa park.I still have an hour to wait for Lei sabi ko kasi 4pm. pero 3pm palang nandito na ako.Di ko alam pero di ako mapakali sa kinauupuan ko kaya naman naglakad-lakad  na lang muna kao.

Lei's POV

'May free time ka ba? if meron pwede ka bang pumunta sa park,pupunta ksi ako doon eh kaya lang wala akong makasamang iba puro busy daw'

waaahhhhh from Gabriel!!!

Bakit alam kong siya ang nag-text? definitely kinuha ko kay Bea..uwahahaha pero bakit alam niya # ko? binigay ko ba sa kanya? but wala namang ibang nakaka-alam ng # maliban kay best Ysa,Harry at dito sa family ko..paano niya nakuha? hmmmm di na mahalaga yon..

Nag-reply ako pero di agad,nagpalipas muna ako ng mga 5 mins. para siyempre na di halata na excited ako,heeeello diba? hahaha ganyan kasi ako hahaha

4pm daw yung time kaya dapat sakto lang ako dadating..ayokong naghihintay kasi eh,manonood muna ako ng movie pampalipas oras...

(to be continued)

=========================

girlprettyheart : sorrry kung ito lang nakayanan ni pretty brain cells ko :)

Hope na di kayo ma-boringan..

*yown* hay inaantok na ako kasi eh hahaha

VOTE PO AND COMMENT :D

Love:Sacrifice or NOT?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon