Ako si Sarah Kathreen Bernardo. 17 years old, at nakatira sa probinsya ng Samar. Sabi ng iba, usong uso daw sa probinsya namin ang mga kulam, barang, at iba pang sumpa. Di naman ako naniniwala sa ganun. Mababait naman ang mga tao sa amin. Hanggat hindi ko naeexperience, oh hindi ako makakakita ng taong kinukulam, hindi ako maniniwala.
Hanggang sa isang araw, ng pauwi ako sa aming bahay galing sa eskwelahan. Wala kasing ganung sasakyan sa lugar namin, dahil hindi pa ito sibilisado. MAlusak dito at kaunti lang halos ang bahay. Nasa kabilang bundok pa ang skwelahan namin. Hindi rin naman delikado dahil halos lahat naman ng bata sa amin, magkakasabay na umuuwi at pumapasok.
Alas singko na ng hapon, kasalukuyan kaming naglalakad sa malusak na daan. May gasera lang kaming gamit upang matanglawan ang aming daanan ng liwanag. Nagkakatuwaan pa kami ng mga kasabay ko. May nakasalubong kaming isang babae, hindi naman sya gaanong katandaan pero may edad na. Binati nya ako. Hinawakan pa nya ako sa balikat. Pero wala naman syang sinabi. Tinitigan lang nya ko ng mga isang minuto at umalis na.
Nagtaka tuloy ako. Maging ang mga kasama ko ay nagtaka rin sa inasal ng babae.
"Sino yun Sarah? Kilala mo? Nakakatakot makatingin eh." sabi ni Jasmin. Kaklase ko sya.
"Hindi ko nga rin kilala eh. Kinilabutan tuloy ako. Tara na nga. At madilim na rin naman. Baka hinahanap na tayo sa atin.
7pm nakarating ako sa aming kubo. Gumawa muna ako ng mga assignments ko para mamaya kakain at matutulog na lang. Hindi pa ko nagbibihis ay binati ako agad ni Nanay.
"Oh Anak, bat ngayon ko lang? Halika na at nagugutom na ako."
"Opo Nay. Susunod na. Magbibihis lang po ako at pupunta na ako jan."
Nang makapagbihis na ako ay agad akong pumunta kay Nanay upang tulungan syang maghain ng pagkain. Parating na rin naman si Tatay.
Nung nasa hapag na kami at magsisimula ng kumain, bigla na lang sumakit ang tiyan ko. Sa sobrang sakit, ay halos mamilipit ako.
"Anak anong nangyayari sayo!?" sabay tayo ng Tatay kasi natumba ako sa inuupuan ko sa sakit ng tiyan ko.
"Nay, Tay! Ang sakit po ng tiyan ko! Aaaaah!" sigaw ko. Talagang namimilipit na ako sa sakit. Hindi ordinaryong pananakit yun. Dahil masakit na masakit talaga. Maya-maya, medyo humupa yung sakit nung pinainom ako ni Nanay ng tubig.
"Anak ililis mo yung damit mo at papahiran kita ng laway sa tiyan. Baka kasi nausog kita oh di kaya'y nabalis. Gutom ako nang batiin kita kanina." sabi ni Nanay. Agad ko namang inililis yung damit ko at pinahiran nga ako ni Nanay ng laway sa tiyan. Para syang nag'ssign of the cross sa tiyan ko. Tatlong beses nyang inulit iyon.
Nung mapahiran ako ni Nanay sa tiyan, ay nawala ang pananakit nito. Hindi na ako nakakain. Natulog na lang ako dahil baka bumalik ulit ang pananakit ng tiyan ko.
Kinabukasan, balik ako sa normal. Wala namang pananakit ng tiyan akong naranasan maghapon. Tulad kahapon, sabay sabay kaming umuwi ng mga kaklase ko. Lakad lang kami sa malusak na daan. Medyo maliwanag pa noon kaya naghaharutan pa kami sa daan.
Nasa kalagitnaan na kami ng dan pauwi ng bigla na namang sumakit ang aking tiyan. Natumba ako at lahat ng mga kasabay ko ay nagulat. Tumingala ako para sana humingi ng tulong sa mga kasabay ko pero nakita ko na naman yung babaeng nakasalubong namin kahapon. May ibinubulong ito habang nakatingin lang sa akin. Natakot ako. Hanggang sa nagdilim ang paningin ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VOTE, COMMENT, FAN!! :))
BINABASA MO ANG
Balis Oh Kulam?
HorrorGising pa rin ang Alamat: Ang kulam ay balis kahantod ng ugat, lagnat na dughan, kurot sa tadyang na di mapaghilom ng insenso't karayom na minsang dumalirot sa kaloob-looban...