Iba talaga ang nagagawa ng kulam. Lalo na kapag sa masama ito ginamit. Ang kulam kasi ay isang itim na mahika na ginagamit upang makasakit ng ibang tao. Para itong isang sumpa. Na kapag tinamaan ka, wala kang kawala.
Sa nangyari sa pamilya ni Sarah, isang pagkakamali lang ang tumapos sa lahat..
Namatay si Sarah dahil sa kulam.. May nadamay pang ibang tao dahil rin sa pagkakamaling ginawa nya. Dahil sa panlalait at pang-aalipusta nya sa taong mahal na mahal sya..
Nadamay ang kanyang bunsong kapatid na dapat sana'y normal, ngunit dahil sa isang sumpa, ay pinagkaitan ito ng normal na buhay. Binawian rin ito ng buhay ng maaga..
Ang Nanay naman ni Sarah ay nabaliw ng mawala ang bunsong anak nito. Hindi nito kinaya ang sakit ng mawalan muli ng anak. Nanatili naman ang kanyang asawa sa tabi nito. Hindi nya ito iniwan hanggang huli.
Nasira ang isang pamilya ng dahil sa kulam. Dahil sa isang sumpa at paghihiganti..
Ganun pala katindi ang kapangyarihan ng kulam lalo na kung ang dahilan nito ay galit.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ayaaaan! Lie Low muna siguro ko sa paggawa ng mga stories :)) Nakakapagod rin palang mag-isip ng storya. Paulit ulit na lang kasi eh :))
Iisip muna ko ng isang story na punong puno ng katatakutan. Haha! Yung unique talaga. PRAMIS yan.
Bye guys!
-- YourtheInspiration ^^.
BINABASA MO ANG
Balis Oh Kulam?
TerrorGising pa rin ang Alamat: Ang kulam ay balis kahantod ng ugat, lagnat na dughan, kurot sa tadyang na di mapaghilom ng insenso't karayom na minsang dumalirot sa kaloob-looban...