Balis Oh Kulam?

5.9K 136 14
                                    

Sa probinsya namin, ang balis oh usog ay isang masamang dasal na naipapasa ng isang tao sa pamamagitan ng pagbati dito oh kaya ay pagtapik oh paghawak sa kanya.

Ito ay parang isang sumpa na binibigyan ng sakit ang napasahan nito. Pwedeng sumakit ang iyong sikmura, oh kaya'y sa ibang paraan naman ikaw mabigyan ng karamdaman.

Maaalis lang ang balis na yun kapag pinahiran ka ng laway sa tiyan ng taong nakabalis sayo. Tatlong beses ka nya dapat pahiran.

May dalawang klase ng balis.

Ang una ay nakukuha sa isang taong gutom, kapag parehas kayong gutom at nagkabatian kayo, maaaring mapasa sayo ang dasal ng sakit kung tinatawag.

Ang pangalawa ay nakukuha sa taong galit. Hindi man sya sayo galit, kapag napasa sayo ang dasal ng sakit oh kapag nabati ka nya, maaari ka nyang gamitin para makapaghiganti. Aabutin ng ilang araw  ang mararamdaman mong sakit.

Sa pangalawang uri ng balis, dito mo mararamdaman ang kakaibang uri ng sakit, na maski ang mga doktor ay di ito magagamot. Maaari ring lumala ito at maging isang uri ng kulam, dahil nga galit ang taong nakuhanan mo nito, pwedeng humantong ito sa iyong kamatayan.

Sa nangyari kay Sarah, balis ba ito oh isa ng kulam? Ano kayang mangyayari sa kanya? Anong ginawa nya bakit sya nagkaroon nun? Makakaligtas kaya sya? Oh mamatay?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3rd Horror Story :)) I have decided to delete my story Diary. I will no Longer write a romance story anymore, hope that as you support Ang Babae Sa Puno, and Panaginip, you will also support Balis oh Kulam. Thank You!! :))

Balis Oh Kulam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon