Chapter 6: Ang Paghaharap..

3.1K 84 3
                                    

"Maestro, malakas po sya. Itim na enerhiya po ang gamit nya.Samantalang tayo ay ordinaryong mga kapangyarihan lang." sabi ng isa sa mga kasama ni Master Ferdie.

"Kaya nga magsasama sama tayo upang maging malakas. Sasaktan nya ang pamilyang ito kung magtatagumpay sya." sagot naman ni Master Ferdie. Maya-maya ay bigla na lang humalukipkip na para bang natatakot si Alexa.

"Parating na sya. Hayan na sya. Papatayin nya ang sinumang gumulo sa mga plano nya." nanginginig na sabi ni Alexa. Namatay ang mga kandilang nakasindi sa kwartong iyon. Bigla na lang nagkikisay si Alexa at umangat ito sa lupa. Lumutang ito sa ere. Maya-maya ay nagsalita ito, ibang iba ang boses nya. Boses Dyablo.

"Walang makakapigil sa akin! Papatayin ko ang lahat ng pipigil sa mga plano ko!" si Alexa yun.

"Gagamitin ng Mangkukulam ang Katawan ni Alexa!" sigaw ng isa sa mga kasama ni Master Ferdie. Hindi sila makagawa ng hakbang, baka kasi masaktan si Alexa. Nagsalita si Alexa. Tila bumalik na ito sa katinuan.

"Saktan nyo ako kung yun ang makakapigil sa taong ito. Wag nyo akong alalahanin. Lalabanan natin sya. AAAAAH!" bigla na lang syang sumigaw at lumiyad.

"Hindi mo ko kaya Bata! Mahina ka. Hindi mo ko makokontrol. Ako na ang may ari ng katawang ito!" sinasaktan ng katawan ni Alexa ang sarili nya. Pero nilalabanan nya ito. Nag-angatan ang mga gamit. tumilapon ito sa kung saan. Muntik ng tamaan ang Nanay ni Sarah. Tumawa ng malakas ang sumasanib sa katawan ni Alexa.

Naglabas ito ng isang basahang manika. Biglang hinablot sa buhok ang Nanay ni Sarah. Nakakuha ng ilang hibla ng buhok, isinakal iyon sa manika atsaka hinigpitan ang pagkakatali. Nagsimulang maghabol ng hininga ang Nanay ni Sarah.

Tutusukin na ni Alexa ang manika sa may bandang puso, pero bigla itong tumigil. Itinapat ni Alexa ang malaking karayom a dibdib nya. Nagpipigilan sila.

"Tumigil ka babae! Hindi mo ko kaya!" at tumilapon si Alexa s pader. Bigla ulit itong inangat. Binuhusan at sinabuyan na sya ng holy water ng mga kasama ni Master Ferdie. Pero nalapnos ang katawan nito, dahilan upang maghihiyaw ito sa sakit.

Samantala, si master Ferdie ay nakaupo lang sa isang sulok at nakapikit. Naghahanda ito at nagpapalakas para sa laban nya sa matandang mangkukulam.

Hirap na hirap na tumayo si Alexa. Pinulot nya ulit ang basahang manika. Biglang umangat ang isang kandila at kusang lumapit sa kanya. Hawak na ni Alexa ang kandila at nagsindi ito. Tumawa sya ng malakas. Tawa ng isang demonyo. Maya maya ay umiyak ito. Naging si Alexa sya.

"Parang awa mo na Master. Tapusin mo na ito. Di ko na kaya." at bigla na lang ulit itong tumawa ng nakakahindik.

"HAHAHA! Mahina kayong lahat! Akala nyo ba ay kaya nyo ko!? Mamamatay kayong lahat. Isasama ko kayo sa impyerno!" biglang nagsindi ang hawak nyang kandila. Itatapat na sana nya ito sa basahang manika upang masunog na ang Nanay ni Sarah.

"Tama na Nay.." bigla na lang may nagsalita. Lumingap si Alexa. Tila natigilan sya sa ginagawa ng marinig ang pamilyar na boses na yun.

"Anak?.. Anak asan ka Anak? Matatahimik ka na Anak. Maipaghihiganti na kita sa Pamilya ng babaeng umalipusta sa iyo Anak."

"Nay Tama na.. Matagal na akong tahimik Nay, masaya kami ni Sarah sa kabilang buhay. Masaya kami ng pamilya ko roon. Pauwiin mo na kami Nay. Hinihintay na kami ng Ama, ptawad Inay. Pero hindi kita maisasama roon. Patahimikin muna kami Nay.." si Master Ferdie yun. Ginamit naman sya ni Alvin.

"Hindi! Nakalimutan mo na ba Anak!? Ang kasalanan sayo ng Anak nila! Pinatay ng Anak nila ang Anak mo! Kaya ko nga sya binawian ng buhay hindi ba!?" galit na galit na naman ang sumasapi kay Alexa. "Kaya kahit anong sabihin mo, hindi ko sila mapapatawad anak! Magsasama sama kami sa impyerno!" akmang susunugin na ni Alexa ang basahang manika pero bigla na naman itong natigilan. Napikit ito at bigla na namang bumagsak sa lupa ang kaawa awang katawan ni Alexa. Ilang minuto rin syang nakadapa sa sahig. Nilapitan sya ni Master Ferdie.

"Nay.. Tama na. Halika na. Umuwi na tayo.." may himig yun ng pagmamahal para sa ina.

"Anak.. Hindi pwede.. Kailangn kitang maipaghiganti.." babangon na ulit sya. Pero..

"Hindi Nay.. " at bigla nyang sinaksak sa dibdib si Alexa.

"Anak... Patawarin mo ako..." nalagutan ng hininga si Manang Kuring sa katawan ni Alexa.

"Nawalan ng malay si Master Ferdie habang yakap yakap ang duguang katawan ni Alexa.

Bumalik sa dating liwanag ang kwartong yun. Pero bakas pa rin ang kaguluhang nangyari kani-kanina lamang.

Ibinuwis ni Alexa ang kanyang buhay para lamang matulungan ang pamilya ni Sarah. Wala pa ring malay si Master Ferdie. Ang mga kasama naman nila ay pinuntahan ang probinsya ni Manang Kuring upang makita ang bangkay nito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na nga ba ang laban? Oh nag-uumpisa pa lamang?

VOTE, COMMENT, FAN!! :))

Balis Oh Kulam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon