Chapter 2: Dasal

3.7K 128 7
                                    

Nawalan pala ako ng malay. Ang mga kaklase ko na ang nagkwento ng nangyari sa akin. Ibig sabihin, hindi si Nanay ang nakabalis sa akin. Kundi yung matanda. Pero paano naman? Eh hindi ko naman sya kilala.

"Isang babae ang nakabalis sa iyo Sarah." si Mang Erning ang nagsalita. Isa syang magaling na albularyo at may alaga raw itong 7 duwende. 3 itim, at 3 puti. Yung isa raw ay kakambal nya. Halos lahat ng may sakit sa nayon ay sa kanya dumudulog. dinarayo rin sya ng mga taga ibang ibayo upang magpagamot sa kanya.

"Babae po? Sino naman po?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Aba'y ikaw nga ang dapat kung tanungin kung sino ang huling nakadaupang palad mo simula nung mangyari sa iyo yan." sabi sa akin ni Mang Erning habang nagpapatak ng kandila sa isang palangganang tubig. Tinatawag itong tawas. Tinatawas nya ako. Ito ang ginagawa ng mga albularyong panggagamot sa may mga sakit. Inilalarawan kasi ng mga patak ng kandila sa tubig ang uri ng sakit na dumapo sa tinatawas nito. Para malaman yun ng isang albularyo ay dadasalan nya ito.

Ipinakita sa akin ni Mang Erning ang lumabas sa tawas. Isang matandang babae na may kahabaan ang buhok. May dala itong krus na maliit. Nang alalahanin ko ang babaeng nakasalubong namin kanina, at kahapon, wala naman itong hawak na krus.

"Wala naman pong dalang krus ang babaeng yun kahapon." sabi ko.

"Pero dinasalan ka nya. Isang masamang dasal Sarah. Hindi ko pa mapagtanto kung anong klaseng mahika ang ginamit sa iyo." sabi naman ni Mang Erning.

"Hayan na naman po Mang Erning! Sumasakit na naman ang Tiyan ko! AAAAH!!" siga ko. Napakasakit. At habang tumatagal, mas lalong sumasakit ito. Para akong tinatali ng napakahigpit. Dinadasalan na ako ni Mang Erning pero sa bawat pag-usal nya ng mga kakaibang salita, mas lalo akong pinahihirapan ng sakit ng tiyan ko. Para na itong tinatanggal sa katawan ko.

Tumigil si Mang Erning. Patuloy pa rin sa pagsakit ang tiyan ko. Lumalamig na rin ang pawis ko.

Diyos ko, patigilin mo na po ang sakit na ito. Hindi ko na po kaya.

Sambit ko ng mataimtim. Hindi ko na kasi talaga kaya. Hanggang sa nawalan na naman ako ng malay.

Kinabukasan, ay hindi ako nakapasok. Hindi rin ako makatayo dahil parang nanlalambot ang katawan ko. Nagsimula na ring mamaga ang mga braso't binti ko. Hindi na ito tama. Hindi na ito simpleng balis lang. Muling ipinatawag ng Nanay si Mang Erning.

Ngunit hindi pa rin nito matukoy kung anong nangyayari sa akin. Sadya raw mas malakas ang enerhiya ng babaeng gumagawa nito sa akin. Maging ang pagkatao nito ay hindi malaman ni Mang Erning. Malala na rin ang pamamaga ng katawan ko. Hindi na ako makalakad. Isinusuka ko rin ang mga kinakain ko.

Sumunod na araw, punong puno na ng sugat ang katawan ko. Parang bulutong pero hindi. Kumakalat sya at lumalalim. Wala akong maramdamang hapdi oh sakit. Ang tanging nararamdaman ko lang ng mga oras na yun ay ang unti-unting panghihina ng katawan ko.

Nagpatawag na rin si Nanay ng pari. Hindi nila alam, iyon na pala. Malalaman na nila ang tunay na nangyayari sa akin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Sana po magustuhan nyo. Pero pinapaalala ko lang na ang pangalan at lugar ay kathang isip lamang. Ngunit may ilang bahagi ang storyang ito na nangyayari talaga sa totoong buhay :))

VOTE, COMMENT, FAN!! :))

Balis Oh Kulam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon