Chapter 7: Ang Paghihiganti ni Manang Kuring..

3.1K 85 7
                                        

Dali daling pumunta sa probinsya ng Samar ang mag-asawang Ising at Pablo kasama si Master Ferdie at mga kapwa Psychic. Tinunton nila ang lumang bahay ni Manang Kuring. Lahat sila ay nagulat ng makita na ala doon ang patay na bangkay ng Mangkukulam.

"Asan na sya? bakit wala sya dito?" bulalas ni master Ferdie dahil asang asa sya na wala na ang matanda.

Pagkasabi nya noon ay may lumipad na itim na uwak sa pagitan nilang lahat. Nagsiyuko silang lahat at nakarinig ng isang mala-demonyong tawa. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nalinlang sila ni Manang Kuring. Hindi pa sya tapos sa mga plano nya. Wala na silang magagawa dahil sa mundo ng patay, isang beses lang nila pwedeng tawagin ang yumao. At nagawa na nila yun kani-kanina lamang. Hindi na sila matutulungan ni Alvin. Maging ni Sarah. Sino na ang tutulong sa kanila?

Nagdilim ang langit. Parang may bagyo ng mga oras na iyon. Matatalim ang mga kidlat na halos humalik na sa lupa. Nagsiliparan ang mga itim na ibon na animo'y mga nabulas sa kanilang mga tirahan. Panay ang isip nila ng plano. Habang ang mag-asawa naman ay walang ibang ginawa kundi ang magdasal na lamang. Wala na silang pag-asa kundi ang umasa sa isang himala.

Lumabas sa anino ng naglalakihang mga punong kahoy si Manang Kuring. Nakabelong itim ito. Itim ang ilalim ng mata. Nakakatakot itong tignan.

"Gising pa ang alamat.. Ang kulam ay balis kahantod ng ugat lagnat ng dughan, kurot sa tadyang, na di mapaghilom ng insenso't karayom na minsang dumalirot sa kaloob-looban." paulit ukit itong sinabi ni Manang Kuring habang papalapit kila Aling Ising at Mang Pablo.

"SON EMPATRIS AC MEC ATAL ROT-CUT-EST ERO-SIS-NOC ROT-ARO-VID ERO-TAT-NET ROT-AIN-MOS ROT-ADI-PAD IL-RO-SIV" sabay sabay nilang bigkas. Habang nakaluhod hawak ang isang kahoy na hugis krus.

Humangin ng malakas. Dahilan upang mahinto sa paglapit si Manang Kuring sa mag-asawa.

"Mitem ClaudiumT...Bahenam Kalez A...OmilePratre Treves Adem Bam Bahenam Quiay Egosum Amen." bigkas naman ni Manang Kuring. Sa pagbigkas nya noon ay bigla na lamang nabali ang kahoy na krus na hawak ng grupo ni Master Ferdie.

Nagulat ang mga ito. Halos malapit na malapit na si Manang Kuring sa mag-asawa. Tumitilapon ang lahat ng bagay na madaanan nito dahil sa lakas ng enerhiya nito. Nakakapangilabot.

"MISERERE NOBIS DOMINE. MISERERE NOBIS DOMINE. MISERERE NOBIS DOMINE!" siyam na ulit nila itong binigkas. Ang grupo nila Master Ferdie. Tuluyang natangay ng hangin si Manang Kuring kaya bumalandra ito sa isang punongkahoy. Pero nakakapit ito at lalong nagalit.

"V. REX QUIT SICUT DEUS S. H. DEUS OMNIPONENTE SIMPETERNUM DEUS OMVI CREABIT D. ANGELES P. D. SIT SEMPER NOBISCUM!" 

sabay kumpas ng kamay ni Manang Kuring ay tuluyang nasira ang ang kahoy na krus nila Master Ferdie. Para silang nadikit sa mga kinaroroonan nila. Hindi sila makakilos. Kaya tuluyang nakalapit si Manang Kuring sa mag-asawa. Hila niya sa buhok ang asawa ni Aling Ising. Samantala ay bumunot ito ng ilang hibla ng buhok kay Aling Ising. Iyak ito ng iyak dahil hindi nya alam kung ano pang mangyayari sa kanilang mag-asawa. 

Itinali ni Manang Kuring ang buhok ni Aling Ising sa leeg ng asawa nya. Bumulong ito na parang nagusal ulit ng isang orasyon. Gagamitin ni Manang Kuring ang asawa nito para patayin si Aling Ising. Pero bago pa man mahila at mahigpitan ni Manang Kuring ang tali sa leeg ng asawa ay tumayo si Aling Ising. Buong lakas nyang binigkas ang mga katagang..

"CRUZ SANCTI PETER BENEDICTI, CRUZ SANCTI SIT MIHI LUX NUN, DRACU SIT MIHI DUC VADE RETRO SATANA NUN CAM SUADEAS MIHI VAN SUNT QUAS LIBAS IPSE VENENA BIBAS!"

"Sa ngalan ng Panginoong aking Diyos. Kaawaan nya kami. Iligtas nawa kami sa kapahamakang aming napasukan. Sinasakripisyo ko ang kapatawaran ng mga taong nagkasala sa amin. Hinihiling ko ito sa pangalan ng Inyong Banal na Anak na si Jesus. AMEN!" tumakbo sya kay Manang Kuring at isinaksak sa dibdib nya ang krus na silver na bigay sa kanya ng asawa nya.

Tumumba si Manang Kuring, pagkabagsak nya sa lupa ay tila hinigop ito ng impyerno. Naging abo ang katawan nito. Nilipad ng hangin at walang bakas na natira. Nawala rin ang malakas na hangin at bumalik lahat sa normal.

"Salamat Diyos ko. Iniligtas mo kami sa kapahamakan. Matahimik na sana ang lahat ng nagambala. Makuntento na sana lahat ng gustong maghiganti. Magkaroon na sana ng kapayapaan ang kaluluwa ng aking anak, ni Alvin at ng kanyang Ina." lumuluha at hinang hinang sambit ni Aling Ising.

Namatay si Master Ferdie dahil hindi nya kinaya ang masamang kapangyarihan ni Manang Kuring. Isa na naman ang nagbuwis ng buhay. Sana nga ay tapos na. Ang paghihiganti ni Manang Kuring para sa anak nya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Exagg na masyado. nakakainis na. Haha!

VOTE, COMMENT, FAN!! :))

Balis Oh Kulam?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon