A/N:
Flashback ho ito mga Brad. Baka ho kasi malito kayo eh :))
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Oo na. Tayo na." maikling sagot ko kay Alvin. Si Alvin ang matagal ng nanliligaw sa akin. Nung una'y ayoko talaga sa kanya, pero kalaunan ay nasimulan ko na syang gustuhin. Mabait naman ito ngunit tamad lang mag-aral. Naisip ko na baka mapagbago ko ito kapag naging kami na. Kaya sinagot ko sya.
Naging maayos ang naging relasyon namin kahit palihim lang ito. Sa side ko, hindi alam na may nobyo ako. Ganun din sa side ni Alvin. Wala raw kasi ang mga magulang nya sa probinsya namin. Ayos lang din naman sa akin na hindi makilala ng mga magulang nya dahil hindi naman ako seryoso sa kanya. Pero alam ko, at ramdam ko na sya ay seryoso sa akin. Ano bang magagawa ko eh sa ayoko talaga sa kanya. Napakatamad kasing mag-aral. Hindi sya nababagay sa akin. Dahil ako'y may pangarap sa buhay. Mahirap na nga kami ay papatol pa ako sa mas mahirap sa amin. Ang masahol pa'y tamad sa lahat ng bagay si Alvin.
Isang araw, ay nasa bahay nila kami. Walang tao roon, kundi kami lang. Maganda sana sa lugar nila. Tahimik, malamig, malinis, at talagang napakaperpekto. Gustung gusto ko roon. Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa ni Alvin. Nagkkwentuhan lang kami sa labas ng kanilang bahay. Sa di inaasahang pagkakataon ay natapon sa akin yung kape ko. Wala pa naman akong dalang damit. Kaya kinailangan kong maligo doon sa batis kasama ang uniform ko. Para daw malinis at matuyo agad. Pahihiramin na lang ako ni Alvin ng damit.
Nang matapos na akong maligo ay isinampay na ni Alvin ang uniform ko, at pinahiram nya ako ng t-shirt. Maluwang yun sa akin. Kitang kita pa rin ang hubog ng katawan ko dahil basa ang bra at panty ko. Nakita kong nakatingin sa akin si Alvin. Ipinagtimpla nya ulit ako ng kape kasi nakita nyang nilalamig ako.
Natapos kong inumin yung kape.
"Alvin, iidlip muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag tuyo na ang uniform ko." sabi ko kay Alvin. Hindi pa man nahihimbing ang tulog ko ay may naramdaman akong humahalik sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Alvin. Nakapatong ito sa akin at hinahalikan ako. Hindi ko maintindihan pero sinagot ko ang mga yakap at halik nya. Nag-iinit na si Alvin. Parehas na kaming hubad. At hinihimas na nya ang buong katawan ko. Puro ungol ang narinig sa bahay nila Alvin.
May nangyari nga sa amin ni ALvin. Wala akong nagawa kundi umiyak.
"Wag ka ng umiyak. Pananagutan naman kita eh. Mahal na mahal kita." sabay halik sa akin ni Alvin sa may punong tenga. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Muli na naman nya kong hiniga sa papag pero pinigil ko na sya. Agad akong tumayo sa papag at kinuha ang uniform ko. Nagbihis na ako at umalis. Panay pigil sa akin ni Alvin.
"Magkita na lang tayo bukas." iyon lang at umalis na ako.
Balisa akong umuwi sa bahay, hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kapag nabuntis ako ni Alvin? Baka isumpa ako ng mga magulang ko. Buti na lang ay nasa kabilang probinsya noon si Nanay kasama si Tatay. Umangkat sila ng mga ititinda kaya sa isang linggo pa ang balik nila.
Kinabukasan ay nagpunta sa amin si Alvin. Pero tinaguan ko sya. Talagang wala na akong balak na magpakita sa kanya. Ayokong matali sa kanya ng habangbuhay. Dahil alam kong wala namang mangyayari sa kinabukasan naming dalawa.
Ilang linggo ng hindi nagpapakita si Alvin. Ni ang anino nito ay wala na rin sa school. Napanatag ako. Dahil ang akala ko ay wala na nga si Alvin. Iyon pala ay nagbakasyon lang ito sa Nanay nya sa Maynila.
Magdadalawang buwan na akong hini dinadatnan. At talagang labis ang kaba ko dahil baka nga buntis ako. Nagpasya akong magpahilot na kay Manang Kuring upang malaman kung buntis nga ako. Tama nga ang hinala ko. Buntis nga ako. Dalawang buwan na akong buntis.
"Anong plano mo sa bata iha?" tanong sa akin ni Manang Kuring.
"Ipalalaglag ko ho ang bata." sabi ko. "Ayoko hong matali ng habangbuhay kay Alvin. Hindi ko ho pinangarap na mapangasawa sya." sabi ko pa. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Alvin sa manghihilot kaya narinig nya lahat. Bigla syang pumasok sa pinto at pinigilan nya ang pagpapalaglag ko. Pakakasalan raw nya ako. Wag ko raw ilaglag ang bata. Magbabago at magsisipag na raw sya. Pero huli na ang lahat. Nailaglag na ni Manang Kuring ang bata.
Nanlumo si Alvin sa nakita nya. Halos lumuha ito at umalis na lang. Hindi naman ako pinagbayad ni Manang Kuring dahil alam nya siguro na wala naman akong ibabayad sa kanya.
"Tsaka na lang kita sisingilin kapag may ibabayad ka na." sabi ni Manang Kuring.
Nagpalit muna ako ng uniform sa bahay nila Manang Kuring para hindi makahalata sila Nanay. Iniwan ko na dun ang duguan kong damit para hindi ko na ito maitapon pa sa kung saan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anak, bakit hindi mo sinabing ang batang yun pala ang Nobya mo? Bakit hindi mo sinabing nagkaanak kayo? Apo ko pa pala ang inilaglag ko. Napakasakit ng sinabi ng babaeng yun Anak!"
Patuloy lang sa pag-inom si Alvin ng alak. Walang humpay. Wala na rin syang iniluluha. Pero mararamdam mo ang himig ng paghihinagpis sa mga iyak nya.
Dahil sa araw araw at walang hintong pag-inom ni Alvin, ay nagkasakit ito, na labis na ikinahirap ng Nanay nya. Dahil ultimo sya, hindi nya mapagaling ang Anak nya. Parati nitong binibigkas ang pangalan ni Sarah. Hanggang sa malagutan sya ng hininga ay si Sarah pa rin ang naging bukambibig nya.
Labis na nagalit sa pagkawala ni ALvin ang Nanay nya. Kaya't agad itong nagplano..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantalang si Sarah ay normal ulit na nakapamuhay ng may lihim sa kanyang puso. Isang taon na ang nakalipas, halos makalimutan nya ang malagim na nangyari sa kanya. Maging si Alvin ay kinalimutan na nya.
Hanggang sa dumating ang araw ng paniningil ng Nanay ni Alvin..
Ang araw na nakasalubong niya ito, pero hindi nya nakilala. Ang oras na hinawakan sya nito sa balikat at binigyan sya ng isang masamang dasal. Sandali lang tinapos ni Manang Kuring ang buhay ni Sarah. Tinapos nya ito sa labis na paghihirap. Mas mahirap pa sa dinanas ng anak nya..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VOTE, COMMENT, FAN!! :))
BINABASA MO ANG
Balis Oh Kulam?
TerrorGising pa rin ang Alamat: Ang kulam ay balis kahantod ng ugat, lagnat na dughan, kurot sa tadyang na di mapaghilom ng insenso't karayom na minsang dumalirot sa kaloob-looban...
