Chapter 3: Masamang Dasal..

3.1K 109 8
                                    

Nagsimula na kong magwala nang dumating ang pari sa bahay namin. Pinipigilan, nilalabanan ko ang aking sarili pero nagpupumiglas ang katawan ko sa mga lalaking nakahawak at pumipigil sa akin. Sinasapak, at sinisipa ko sila. Pero wala namang pinag-iba ang boses ko kaya hindi raw ako sinasapian. May kumokontrol daw sa akin. Isang masamang dasal raw ang itinanim sa katawan ko ng babaeng nakasalubong namin. Marahil may galit raw ito sa akin.

Nagsimula na akong basbasan ng pari. At sa bawat pagpatak ng banal na tubig sa aking katawan ay umuusok ang sugat sa katawan ko. Parang nasusunog. Nagmistulang asido ang banal na tubig na dumapo sa katawan ko. Nagsisigaw ako sa sakit. Sa hapdi. Nagdudugo na ang buong katawan ko at halos mauka na ito. Lumalalim ang mga sugat sa bawat pagwasiwas ng pari.

"Parang awa nyo na. Patayin nyo na po ako. Hindi ko na po kaya. Maawa na po kayo." nanghihinang sambit ko. Tumulo ang luha sa mga mata ko dala ng labis na paghihirap.

Umiiyak na rin ang Nanay ko. Habang ang Tatay ay nakayakap at inaalo sya.

Hirap na hirap na ako. Hinang hina.

Hinawakan ako ng pari sa aking noo. Nilalabanan ko naman ang aking katawan na gustong gusto syang sakalin upang huwag akong mahawakan. Sa bawat panlalaban ko, ay nadadagdagan ang mga sugat, hapdi, at sakit sa katawan ko.

Nanginginig na ako, hawak ko ang kamay ng pari na nakahawak naman sa noo ko. Muli na naman akong nawalan ng malay.

"MAMAMATAY KA NA!" sabi sa akin ng babaeng nakasalubong ko ng ipikit ko ang mata ko. Nang muli kong idilat ang mata ko ay hindi ko na ito naipikit pa..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Namatay si Sarah sa hirap na dinanas nya. Nang mawalan sya ng hininga ay tila mabilis na nabulok ang katawan nya. Inilibing agad ng pamilya nya si Sarah. Ilang araw silang nagluksa. Hindi nila matanggap na ganoon mamamatay ang nag-iisa nilang anak. Kaya't lumuwas sila ng Maynila upang maghanap ng makakatulong sa kanila, gusto nilang malaman kung bakit nagkaganun si Sarah. Dala ang mga naiwang gamit ni Sarah, mga litrato, at kung anu-ano pa, ay lumuwas ang mag-asawa ng Maynila. Doon ay nakilala nila ang batang Psychic na si Alexa. Ka-edad sya ni Sarah. Si Alexa ang unang lumapit sa kanila.

"Hello po. Ako po si Alexa. Nakita ko po kasi sa mga mata nyo ang mga katanungang naiwan sa inyo ng yumao nyong anak." sabi ni Alexa. Bilang isang Psychic, may kakayahan itong makabasa ng isip ng tao.

"Nakikita ko po kasi sya. Kasama nyo po sya ngayon. Sasamahan raw po nya kayong hanapin ang sagot dahil gusto nya ring malaman." sabi ulit ni Alexa.

"Kung ganon, matutulungan mo ba kami?" tanong ng Tatay ni Sarah.

"Opo. Halika po kayo sa bahay namin."

Tinunton nila ang bahay ni Alexa. Narating naman nila ito..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si Alexa nga kaya ang makakatulong sa kanila? Ano nga ba talaga ang nangyari kay Sarah?.

Abangan po :))

Balis Oh Kulam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon