Chapter 8: Sumpa ni Manang Kuring..

2.9K 84 1
                                        

Pang apat na pung araw na ng pagkamatay nila Manang Kuring, Alexa at Master Ferdie. Dinalaw ito ng mag-asawa sa puntod nito na nakalagak sa may itaas ng Burol sa probinsya nila. Ang nakalibing lang pala doon ay ang katawan nila Master Ferdie at ni Alexa. Pero ipinangalan pa rin sa kanilang tatlo ang burol na iyon.

Dinalan nila ito ng bulaklak at ipinagtulos ng kandila. Araw araw nilang ipinagdadasal ang mga kaluluwa nito. Araw araw ay hinihingi nito ang kapatawaran ni Manang Kuring. Alam naman kasi nila na hanggang sa mawala ang abo nito sa ere ay may galit pa rin ang matanda sa kanila. Lagi nilang dasal na sana ay wag ng dalin pa ni Manang Kuring ang paghihiganti nya hanggang sa kamatayan.

Isang buwan ng buntis si Aling Ising noon, nung mawala si Sarah sa buhay nila ay nagpasya silang mag-anak muli.

Ilang buwan na lang at manganganak na sya. Ganoon na lamang ang pagkasabik ni Mang Pablo dahil ilang araw na lang ay makikita na nila ang kanilang bunsong anak.

"Aalagaan ko si Myra na parang pag-aalaga natin kay Sarah. Excited na ako Ising. Bukas ay pupunta na ako sa bayan upang mamili ng gamit para sa anak natin." hinalikan ni Mang Pablo ang tiyan ng asawa nya. Halatang sabik na sabik ito sa magiging anak nila.

"Sayang ano? Kung andito si Sarah, tiyak yun matutuwa sya dahil magkakaroon na sya ng kapatid." may panghihinayang sa boses ni Aling Ising. Kung naroon nga naman si Sarah, tiyak na mas excited pa sya sa kanyang ina na magkakaroon sya ng kapatid. Pero ngayong wala na nga ito, at nasa tahimik na, talagang aalagaan nila ito na gaya ng pag-aalaga nila kay Sarah.

October 1.

Humilab na ang tiyan ni Aling Ising. Tanda na manganganak na ito. Nagpatawag agad si Pablo ng manghihilot upang sa bahay na lang manganak ang asawa. Normal naman lagi ito kung manganak at talagang malusog.

"Pablo susko! Matagal pa ba? Hindi ko na kaya! Aaaaaaaah! Masakit na masakit na. Lalabas na Pablo!" hiyaw ni Aling Ising. Pinagpapawisan na ito ng malamig. Putlang putla na ito at talagang hinang hina na sya. Gustung gusto na nyang iiri ang bata pero ayaw lumabas nito sa kanyang sinapupunan. Sa sobrang sakit ay nawalan na ito ng malay. Kaya nag-panic na si Mang Pablo dahil baka mapaano ang mag-ina nya.

"Ising! Gumising ka!" sampal nya kay Aling Ising, pero ayaw talaga nitong magising.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang walang malay si Aling Ising...

"Bakit mo sya hinayaang makatulog?" tanong ng Manghihilot sa kanya. Hindi naman alam ni Mang Pablo ang kanyang gagawin at isasagot rito dahil balisang balisa na sya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa pinapanaulan si Aling Ising.

"Oh sya, hihilutin ko muna ang nasa tiyan nya. Mukang hirap na hirap ang asawa mo sa panganganak sa kanya. Unang anak nyo ba ito?" muling tanong ng manghihilot habang hinihilot niya si Aling Ising.

"Hindi. Pangalawa namin syang anak. Namatay ang unang anak namin dahil sa kulam."

Balis Oh Kulam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon