Chapter 5: Simula ng Paghanap sa Katotohanan..

3.4K 103 10
                                    

"Tuloy ho kayo sa bahay namin." pinatuloy sila ni Alexa, pinakain sandali at nagsimula na silang mag-usap.

"Ano ho bang nangyari sa anak nyo?" tanong ni Alexa ng makatapos silang kumain.

"Sa palagay namin ay nakulam sya. Heto ang mga litrato nya nung mga panahong gumugupapa sya sa hirap at karamdaman." iniabot ni Aling Ising ang mga litrato ng anak nya kuha pa nung bago sya mamatay.

"Kulam nga ho ito. Tignan nyo. May parang usok sa litrato. Kapag pinagtagpi-tagpi natin ito.." pinagtagpi-tagpi nga ni Alexa ang mga litrato. Laking gulat nila ng may lumabas na hugis lalaki. Mukha ito ng isang lalaki.

"Sino ang lalaking yan?!" gulat na tanong ng Tatay ni Sarah.

"Hindi ko ho alam. Pero may makakatulong ho sa atin para malaman kung sino yan, at kung sya nga ang kumulam sa anak nyo."

Nagtungo sila sa isa pang bahay malapit kila Alexa. Iyon pala ang pinuno nila. Doon sya humingi ng tulong. Ipinakita ni Alexa ang mga litrato na may mga hugis usok na namuo. pinagmasdan iyon ni Master Ferdie. Sya ang guro ni Alexa pagdating sa mga paranormal na pangyayari.

"Kilala ito ng anak mo." sabi ni Master Ferdie.

"Pero hindi naman namin sya kilala." sagot ng Tatay ni Sarah.

"Maraming lihim ang anak nyo. Nababasa ko sa mga litratong ito na may hindi sya sinabi sa inyo. Hindi ba Sarah?" sabay tingin nya sa likod ng Nanay ni Sarah.

"Nakikita mo ang Anak ko?" tanong ni Aling Ising.

"Oo. Sabihin mo sa kanila ang totoo Sarah. Gamitin mo si Alexa." sabi ni Master Ferdie.

"Pipikit na po ba ako Maestro? Kailangan ko na po bang tumawid?" tanong naman ni Alexa.

Pumikit si Alexa, sandaling oras lang at parang nakatulog na ito. Maya maya ay nagsalita na si Master Ferdie.

"Sarah, andyan ka na ba?" tanong ni Master Ferdie.

Bigla na lang nagpalit ng boses si Alexa. Naging kaboses ito ni Sarah. Dumilat ito, at nagsalita habang umiiyak..

"Nay, patawarin mo ako. Hayaan mong sabihin ko sa inyo ng Tatay ang totoo. Nung 16 pa lang ako may naging boyfriend ako Tay, Nay. Alvin ang pangalan nya. May nangyari sa amin ng minsang pumunta ako sa kanila. Nabuntis nya ako. Dalawang buwan kong dinala ang anak namin, pero pinalaglag ko ito Nay, Tay natakot akong malaman nyo eh. Ayokong masira ang tiwala nyo sa akin. Ayoko ring habangbuhay na matali kay Alvin dahil hindi ko naman sya mahal. Nay, Tay patawarin nyo ako. Tulungan nyo akong mahanap ang totoo Nay, kung sino ang gumawa sa akin nito, kung sino ang tumapos sa buhay ko." hinimatay si Alexa. Habang ang mga magulang ni Sarah ay gulat sa mga narinig. Hindi sila makapaniwalang magagawa iyon ng sarili nilang anak.

"Kung gayon, ang lalaking nasa litrato ay si Alvin. Labis syang naghinagpis sa pagkawala ng anak nila ni Sarah, at sa nalaman nyang hindi pala sya mahal nito." si Master Ferdie.

"Saan namin mahahanap ang lalaking yan?" tanong ng Tatay ni Sarah.

"Hindi ko pa alam. May pumipigil na enerhiya sa akin para matunton natin sya. Pero may paraan pa. Halikayo." tinungo ni Master Ferdie ang isang madilim na kwarto at binuhat nya roon si Alexa, sumunod naman ang mag-asawa roon.

Napakaraming itim na kandila ang naroon. May bungo pa ng tao, mga googoo doll at naglalakihang karayom. May mga insektong nakalagay sa bote at isang preserved na agila. Nakakatakot sa loob dahil pakiramdam nila ay hindi na sila malalabas ng buhay roon.

"Itim na enerhiya lang ang makaka-attract rin sa isang itim na enerhiya. Kapag nasanib sya sa kapangyarihan ko, ay matutunton ko na sya. Itinusok ni Master Ferdie kay Alexa ang isang malaking karayom dahilan upang labasan ito ng dugo. Ipinatak nya yun sa paa ng agila. Doon ay nagwika sya ng mga di mo mauunawaang salita. Nagkikisay ang katawan ni Alexa. Nanginig ito. Sumigaw. Sumigaw sya sa sakit. Parang sigaw ni sarah nung sya ay pinahihirapan pa ng Mangkukulam.

Nang halos naghihisterikal na si Alexa ay biglang sumabog at lumitaw ang isang maitim na usok sa may paanan ng agila. Naghugis babae ito. At bigla na lang ding nawala.

"Sino ang babaeng yun Sarah? Natatandaan mo ba sya?" tanong ni Master Ferdie sa sumaniba na kaluluwa ni Sarah kay Alexa.

"Hi...Hindi po.. Hindi ko po sya matandaan.." nanghihinang sambit ni Alexa.

"Kaya mo yan Alexa. Wag kang susuko. Kailangan mong makita ang babaeng yun. Asang lugar ka?" si Master Ferdie.

Nakapikit pa rin si Alexa ng bigla syang magsalita ulit. "Nasa isang masukal na lugar po ako. Sa gitna ay may isang lumang bahay. May batis ho sa may gilid. May isang matandang babae ang naninirahan dito. Manghihilot sya sa nayon. Sa nakikita ko po ay sya ang naglaglag sa anak ni Sarah. Kuring ho. Kuring ang pangalan nya." mahabang salaysay ni Alexa. Maya maya ay nag-histerikal ito ulit.

"May nakikita po ako Master. Si Sarah. Sya yung hinihilot nung babae."

"Anong plano mo sa bata iha? Iyan ho yung sabi nung matanda kay Sarah habang hinihilot sya."

"Ipapalaglag ko po ang bata. Ayokong habangbuhay na matali kay Alvin dahil wala akong magiging kinabukasan sa kanya." yan po ang sabi ni Sarah dun sa manghihilot.

Maya maya tumigil si Alexa sa pagsasalita at pagkkwento.

"Bkit ka huminto Alexa?" tanong ni Master Ferdie.

"Narito ho si Alvin sa labas. Naririnig ho nya ang pinag-uusapan nila nung Manghihilot. Bigla hong pumasok si Alvin sa loob. Pero wala na po. Nalaglag na yung bata." huminto ulit si Alexa. Maya-maya nagsalita ulit sya.

 "Bakit hindi mo sinabing ang babaeng yun pala ang nobya mo anak?! At hindi mo rin sinabing may anak kayo. Apo ko pa pala ang pinatay ko! Napakasakit ng sinabi ng babaeng yun!" si Manang Kuring po ang nanay ni Alvin. Sya po ang pumatay sa anak nyong si Sarah. Nakikita ko po ang ginagawa nya Maestro. Yung damit ni Sarah, yun ang ginamit nya para matunton sya. Para makita sya. Maestro!" bigla na lang nagising si Alexa. Hingal na hingal. Takot na takot!

"Muntik na nya po akong nakita. Maestro kailangan po nating magmadali. Baka po mapahamak ang mga magulang ni Sarah. Kailangan po nating makita agad si Manang Kuring." sunud sunod na paliwanag ni Alexa.

"Ano? Bakit pati kami ay mapapahamak?" tanong ng Tatay ni Sarah.

"Hindi pa raw po tapos ang paghihiganti nya. Hanggang ngayon daw po ay hindi matahimik ang kaluluwa ni Alvin dahil kay Sarah. Kaya't hindi rin daw patatahimikin ni Manang Kuring ang kaluluwa   ni Sarah. Pahihirapan daw po nya ito hanggang sa impyerno." paliwanag ni Alexa.

"Mukang kailangan nating magsanib-pwersa ng ating mga kasama upang matalo natin ang babaeng yan. Masyadong malakas ang kapangyarihan nya. Pati yata kaluluwa nya ay isinanla na nya sa impyerno upang makapaghiganti lang sa anak nyo." nanlulumong sabi ni Master Ferdie.

Tinawagan nya ang mga kasama nya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isa laban sa marami. Masama laban sa mabuti. Sinong mananaig?

VOTE, COMMENT, FAN!! :))

Balis Oh Kulam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon