There will come a time on your life na hindi mo na alam ang gagawin mo. Basta sobrang tinatamad ka nalang, na gawin yung mga dating sobrang passionate kang gawin. I can't really tell if nasa mid-stage kana ba nun ng teenage to adulting. Yung tipong dika makapagdecide if ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa life mo. Sobrang pressure mo sa mga possibilities and responsibilities na dika makapagdecide if ano ang uunahin at ipropriority. At the end of the day, wala ka nanaman natapos sa buhay mo kundi matulog, manuod ng k-dramas magbrowse sa social media and still, your life is a mess. Nauubos ang oras sa pag iisip kaya nakukulangan ng gawa, hindi makapagstart sa dapat gawin. The feeling of guilt is constant pero ayan, wala ka pa rin ginagawa basta magkaroon ng changes sa buhay mo. Parang Newton's first law lang yan: An object at rest remains at rest, or if in motion, remains in motion at a constant velocity unless acted on by a net external force. Kung wala kang gagawin to change yourself, to wake up and start your day and be productive, to improve and remove yung bagay na kina-aadikan mo (social medias, vices) walang mangyayari sa buhay mo, magpapatuloy kalang na ganyan kahit gaano pa karami yung pangarap mo, kahit mag isip kapa ng mag isip, paulit ulit na maguilty dahil oo nga pala nagiging tambay ka nalang.
If you could remember, you were once a vigorous student, may honor at malakas ang loob sa next stage ng life, madaming pangarap sa buhay, nakafocus sa iisang goal at iyon ay makatulong sa magulang, pero ngayon mapapatanong ka nalang, ano ba talaga reason kung bakit nabubuhay ka pa rin, if you've already found out the reality, iba nga pala ito sa ineexpect mo nung highschool kapalang wherein that time akala mo madali lang ang lahat, na step by step ka lang maglalakad but along the way madami palang mga nakaharang na bato, putik, nakakasugat na panusok sa pagtupad niyon. Madaling sabihin na someday magiging ganto ako, magiging magaling na ganyan pero ang hirap palang iapply yun sa totoong buhay pag nasa race kana ng pressure na gusto mo matupad agad ang life goal mo pero gustong gusto mo na rin sumuko, magpahinga, mag isip isip, magsimula ulit sa umpisa.
The thing here is, pilit mong hinahanap yung dating nakapag inspire sayo, para muli kang mainspire pero ang totoo napaka unrealistic pala ng bagay na dati mong ibinabanggit sa sarili mo, you are so naive to think na magiging madali lang lahat ng to basta nakasunod kalang sa step by step rule. But no, kapag dumating kana sa time na hindi nalang sariling goal ang iniisip mo, kinoconsider mo na din yung mga current situation sa loob ng bahay niyo, hindi kana pala makakapag isip ng maayos. Because you can't be selfish to only care about yourself, you must understand na dapat balanse kalang sa lahat. Idagdag pa ang pressure na halos lahat sila unti unti na nilang natutupad mga pangarap nila. Si ganito at a young age nakapagpundar na ng lupa, bahay, sasakyan, pangbusiness, malaki na ang naitutulong sa pamilya habang ikaw, palamunin pa rin. Char.
Dun ka nalang mapapaisip na Lord, ano ba talaga ang purpose ko sa buhay? Kahit sobrang dami ng nakalapag sa harapan mong opportunities, undecided ka pa rin kasi nasa phase kana ng reality eh, na kung ano ang maging choice mo, mag sstick kana dun dahil lifetime decision na yun, or not? Pwede mo pa rin naman baguhin ang way mo, madami nga lang magjudjudge sayo na sayang si ganto ang ganda na sana nung kinuha nya papalit palit pa kasi ng desisyon. True, hindi ba.
Well, sinabi sa Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you," declares the Lord , "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
Therefore, meron at meron pa rin pinaplano si Lord para satin na hindi natin nakikita at naiintindihan. Even when the sight is so clouded, si Lord nakikita nya clearly yung situation natin at advance sya mag isip dahil kahit hindi pa natin nararating ang lifegoal natin, nauna na niya tayong ni-congratulate. Pero hindi lang yun, sabi din sa next verse:
Jeremiah 29:12-13
Then you will call on Me and come and pray to Me, and I will listen to you. You will seek Me and find Me when you seek Me with all your heart.
Why not ngayon palang, habang nalilito pa rin tayo, ibigay na natin agad kay Lord yung problems natin, sabihin na natin sakanya yung totoo, yung pagiging undecided natin, na Lord, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, let your will be done unto my life. Kasi sabi naman sa verse you will find Me if your seek Me with all your heart eh. Magpray tayo, kausapin natin Siya heart to heart, wag tayong mahihiya if matagal na tayong di nakapagpray sakanya dahil still andiyan pa rin Siya, makikinig sa kahit anong sasabihin natin. He is just there, open arms, waiting for us na lumapit ulit sakanya.
Kahit ako magpra-pray kaya sabayan niyo nalang ako :)
BINABASA MO ANG
FOCUS
Kısa HikayeA life experience. A reality. Who are you, and what do you want to be.