Nasilaw ako ng liwanag. Iyon ang huling natatandaan ko bago magising muli sa maliwanag nang kagubatan.
"Buti naman gumising ka pa," ani Zik sa akin nang makita akong bumangon.
Ilang beses pa muna akong luminga at sinuri ang paligid na kung saan kami ngayon. Isang barong-barong na kubo at parang isang hangin lang ay liliparin lahat ng materyales na pinanggawa rito.
Sinulyapan ko siya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Siguro ay nasanay na ako. "Nasaan tayo?"
"Nasa gubat pa rin."
"Bakit?" Tanong ko. Sinilip ko ang bintana sa bandang likuran niya.
"Hindi tayo tinanggap ng mga tao sa Barrio. They blamed us for the attack of the dark creatures," seryoso niyang sagot habang nakatingin sa akin. "Kailangan daw nila ng alay para tumahimik ulit ang mga demonyong 'yon. Tayo 'yon."
Napalunok ako. Doon ko napansin na wala ang tatlo pa naming kasama. Tinanong ko ulit si Zik.
"Pumuslit sila sa bayan para kumuha ng pagkain at ilang bagay na rin," tumayo siya at inabutan ako ng tubig. "Nawawala pa rin si Shan mula kagabi kaya hinahanap pa rin nina Keir at Klem. Kumusta ka?"
Bahagya akong nagulat. Kinuha ba si Shan ng mga nilalang na iyon?
Tumango ako at napayuko. Kung ganon ay walang may alam nang nangyari kay Shan. Paano siya nawala? Hawak siya ni Keir ayon sa na tandaan ko. Bumaling ako kay Zik na nakatayo na at nagpapatalas ng kutsilyo hindi ko alam kung saan nanggaling. Gusto ko pa sanang magtanong pero base sa ekspresyong pinapakitang niya, masasabi kong hindi maganda ang nangyari kaninang madilim pa.
Huminga ako ng malalim. Inalala ang nangyari sa akin. Bangungot ba 'yon? Pakiramdam ko ay totoo iyong nangyari sa akin. Ang itsura ng lalaking iyon ay katulad ng lalaking nakatabi ko sa tricycle noong papasok kami sa Barrio. Kaya lang sa bangungot ko ay parang naagnas na ang kanyang katawan at may sumisilip na parte ng uod sa kanyang mukha. Kung gano'n patay na siya? Isa ba siyang diablo? Kung tama ang nasa isip ko ay maaaring siya ang dahilan kung bakit narito kami ngayon.
"Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung bakit ako nakapunta rito sa Barriong 'to kung matagal na pala itong wala sa mapa ng bansa," panimula ko. Nakatingin na sa mga punong payapang hinahangin, bumuntong-hininga ako, taliwas ang mga iyon sa nararamdaman 'ko ngayon. "This is shit."
Walang mag-iisip na may nakabalot ditong dilim kung titingin lamang.
Naramdaman ko ang paghinto ni Zik at pagbaling sa akin. Sabay kaming huminga nang malalim. "Ako rin. Hindi ito ang inaasahan namin ni Klem."
"Walang may gusto nito."
"This place is evil. I know this is the doings of the demon."
Natawa ako. Hindi 'ko inasahan ang magiging sagot niya. Gusto ko siyang barahin na nahihibang na siya at hindi totoo ang mga demonyo o kahit ano pang nilalang pero itatanggi ko pa ba kung isa ako sa mga nakasaksi ng mga kababalaghan sa bayang ito?
Simula nang mapunta ako rito ay hindi ko na natandaan ang sariling payapang matutulog o kumilos. Oras-oras at minu-minuto akong binabangungot sa loob ng lugar na 'to.
"Really..." Humarap ako sa kanya. "So, naniniwala ka ba sa panginoon?"
Ang malamig niyang mata ang sinalubong sa akin. "No. I don't know. I've never seen my parents pray or talk about the Almighty. Weird right? Kaya hindi 'ko alam ang paniniwalaan 'ko."
Napaisip ako roon. Pwede ba 'yon? Naagaw noon ang interes ko. Nginiwaan ko siya. "Yeah, you're weird."
"Tss, so are you," aniya gamit ang sarkastikong tono.
BINABASA MO ANG
Along the woods (On-going)
Mystery / Thriller"There is something strange here." An eighteen year old girl named Jean Roxas, went to a village called " Barrio Sarmiento", a questionable village that is excluded in the government's map; at the middle of wondering about the strange gloomy atmosph...