"Tara, puntahan natin sila."
Tumayo ako ngunit hinawakan naman ako ni Zik sa braso. "Tanga ka ba? Gagawin nga tayong alay tapos pupunta ka lang do'n basta?"
Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Iniisip ko na nagiging makasarili siya at duwag kaya naman pinipigilan niya akong umalis.
I thought I could make friends with him.
"Pero yo'ng mga kasama natin!"
"Oh, ano sila?"
"Anak ng---kaibigan natin sila! Sanadaling panahon lang 'yon pero kaibigan--"
"Pero 'wag kang magpadalos-dalos! Alam mo ba kung paano makalabas dito sa gubat, ha?" sigaw niya.
Natahimik ako.
"Paano sila..." bulong ko na lamang. Tila nawalan ako ng lakas sa sinabi niya. Tama siya. Ni hindi ko nga mailigtas ang sarili ko, paano pa ang iba. Baka mas lumala lang ang sitwasyon.
"Wala tayong alam kung ano pang sasalubong sa atin sa daan," mas mahinahong dugtong niya.
Napabuntong hininga ako at bagsak balikat na tinanggap ang sinabi ni Zik.
Tama siya. Sa buong byahe namin para maghanap ng daan palabas ay lagi na lang akong nahihimatay habang silang lahat ay siguradong naghirap at dilat ang matang nakasaksi ng lahat. Wala akong malay na baka mas natrauma sila kaysa sa akin. Ni hindi ko nga alam kung sino ang nagtiis sa kabigatan ko para lang maligtas ako.
Napapahiya akong yumuko.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinantay ang mukha sa akin.
"Maghihintay tayo ng tamang pagkakataon. Kung nahuli nga sila, alam kong mag-iisip din ang mga 'yon ng kahit anong paraan upang makatakas at bumalik sa atin," paliwanag ni Zik. "Saka kasama nila ang matalino 'kong kaibigan."
Bumuntong-hininga ako. Pagkatapos, sinamaan ko siya ng tingin. His friend had done so much trouble since the very beginning of this mystery.
"You're joking."
Bahagya siyang tumawa.
Tumikhim ang matandang hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa sa harap namin. Nakalapat ang dalawa nitong kamay sa mesa habang pinagmamasdan kami. Kumurap ako at napatikhim. Nahihiya akong umupo ulit sa naghihintay na upuan.
Ilang minuto ang lumipas ngunit wala ni isa sa sa'min ang may balak na putulin ang katahimikan. Tila tumaas ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko Kay Zik at sa matanda, pareho silang nakayuko at kung minsan ay nagtitinginan.
Bumuga ako nang hangin sa kawalan at nagsimulang gumala ang paningin. Sinabayan ko na rin ng sipol.
Tumatakbo ang oras, magpapainit lang ba kami ng pwet?
Ano ba 'yan.
Aksidenteng dumako ang paningin ko sa malayong kanan. Kung saan madilim at hindi maabot ng ilaw na mula sa bintana ng kubo. May 'di kalakihang basag na salamin doon na nakadikit pinakasulok ng bahay. Halos durog na ang ibang parte. Mula roon ay kita ang repleksiyon ng mga ulo namin at ang kabilang sulok sa bandang kaliwa ko. Bigla akong namutla at huminto sa pagsipol.
What the hell...
Ang kamay 'kong nakapatong sa marupok na lamesa ay nanginig at pinagpawisan. Kusang umangat ang aking mga daliri at kaliwang braso, gusto 'kong lumingon sa dalawang kasama pero napako sa salamin ang aking paningin. Kita roon ang nagigimbal 'kong mukha at seryosong itsura ni Zik ngunit walang ulo ang matandang kasama namin!
"Ibaba mo 'yan!"
"H-huh?"
Napatalon ako sa gulat, at niyakap ang sarili. Masama at nagbababala ang tingin ni Manong. Lumunok ako nang laway at ilang beses na kumurap. Pakiramdam ko ay kakagising ko lang mula sa isang bangungunot samantalang kanina pa naman ako gising.
"Wala kang napansin, Hija," patuloy ng matanda, parang may alam siya sa nakita ko. Ibig sabihin hindi 'yon ilusyon? Muling umusbong ang takot sa akin.
Sinalubong ng matanda ang mata ko.
"Ang mga nilalang ay nakahimlay sa kadiliman, putok man ang araw, ang kadiliman ay laging nariyan..."
"Kapag pinansin mo ni isa sa kanila..."mabagal at nakakakilabot niyang sambit. "Hahabulin ka nila--"
Wala sa sarili akong paulit-ulit na tumango. Wala akong napansin. Oo, wala akong nakita. Wala.
"O-Opo. Wala po. Naiintindihan ko."
Hahabulin nila ako hanggang kamatayan.
Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Nagsimula akong magtawag ng santo sa isipan kahit na hindi ko alam kung tama ba ang pangalang nababanggit. Hindi ko na muling sinubok na lumingon sa may salamin. Tagaktak ang pawis sa aking mukha at sobra ang panlalamig na nararamdaman ko. Hindi ito sa kadahilanang wala akong ulo na nakita kay Manong kundi dahil...
May itim na usok na pigura ng tao sa likuran ko at paunti-unti akong sinasakal.
Palihim kong pinahid ang kamay sa tumakas na luha sa aking mata.
Gusto ko nang umuwi.
---
"Ayos ka lang?" Tanong ni Zik. Huminto siya sa pagtakbo.
Lumingon siya sa akin nang maramdaman ang biglaan 'kong paghinto. Nakahawak ang pareho 'kong kamay sa magkabilang tuhod at hinihingal na tumango sa kanya.
"Sorry, may naalala lang," pinunasan ko ng pawis sa noo at leeg. "Tara, walang dapat sayanging oras."
Narinig ko ang malalim niyang hininga. "Andito na tayo."
Natigilan ako, pagtapos ay nilibot ng tingin ang paligid. Sunod-sunod ang mabibigat 'kong hininga at gano'n din si Zik na kanina lamang ay binuhat ako no'ng nadapa ako sa kakahuyan.
"Talaga..." I acted surprised but there's nothing to be thrilled of. Everything looks normal but we knew ourselves that it is far from freaking normal. This hellish place is where the demon live and kept playing with us.
"Yeah..." Bumuntong-hininga si Zik at pabagsak na umupo sa damuhan. "Thirty seconds, palalakasin ko muna ang loob ko."
Tumango ako. Bumalik sa isip ko ang mga napag-usapan namin kanina nina Manong at Zik.
Hindi pwedeng maging uto-uto. Hangga't maaari ay lagi kaming magtiwala sa takot at kaba, dahil 'yon ang magliligtas sa'min. Kung sa ibang pagkakataon, maaaring tumanggi akong maging duwag dahil padalos-dalos akong babae, ngunit hind tao ang kalaban namin.
Konting pagkakamali, kaluluwa ang kabayaran.
Umihip ang malamig na hangin. Napamura ako nang mahina bago sinampal ang sarili.
"Tumuloy na tayo."
BINABASA MO ANG
Along the woods (On-going)
غموض / إثارة"There is something strange here." An eighteen year old girl named Jean Roxas, went to a village called " Barrio Sarmiento", a questionable village that is excluded in the government's map; at the middle of wondering about the strange gloomy atmosph...