Chapter 8

4 1 0
                                    

Demon's feed by fear.

------

"Anak, gising na! Mahuhuli ka na naman sa klase!"

Inis akong bumangon at hinanap ang pinanggalingan ng boses na galing pala sa alarm clock. Basta ko na lang iyong hinampas at binalibag sa kama."Papa naman, eh! Ang ingay, sabing mamaya pa pasok ko!"

Pinalitan niya na naman ang nakasanayan ko ng alarm na may malumanay na tunog. Umaga pa lamang ay napapahinga na ako ng malalim, nawala ang antok pero natulala naman sa kung saan. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako nagkawisyo, bumangon at inayos ang sarili. Katulad ng dati, wala akong naabutan kahit anong ng aking ama. Maaga siyang pumapasok sa trabaho at sobrang late naman umuwi sa gabi. Kung dati ay inaantay ko pa ang pagdating niya, ngayon ay maaga na ako natutulog pero hindi 'yon sapat para maaga rin akong nagising sa umaga.

Bumagsak ang balikat ko at bumuntong-hininga nang makita ang nakahain sa mesa. Nakasupot na ulam na tiyak kong binili niya lang sa karinderya ni Aling Marie at limang daan na baon ko ngayon sa school. Mabagal akong kumain at lahat ng kilos ko ay malamya kaya nahuli na naman ako sa klase.

Kailan kaya mapapatawag ulit si Papa rito sa school?

Mahigit dalawang buwan na mula noong namatay si Mama at kailanman ay hindi ko na halos makatagpo si Papa o makausap man lang ng maayos. Busy na siya lagi sa trabaho biglang isang investigator pero mas lumala na ata ngayon, ni hindi niya na ako nalulutuan ng pagkain o makumusta man lang kahit nakatira naman kami sa iisang bubong.

Tumiim-bagang ako at nakuyom ang mga kamao nang maala ang mga panahong nagluluksa kami sa pagkamatay ng mama ko, ni hindi ko man lang nakita si Papa na umiyak o kahit matulala man lang saglit sa harap ng kabaong ng asawa niya. Hinayaan niya akong malungkot at kinabukasan pa ay tutok na naman siya sa trabaho.

Hindi naman pwede yon, 'di ba? Baka naman nakalimutan niyang may iniwan pang anak ang asawa niya na dapat niyang alagaan?

Hinampas ko ang dalawang kamay sa mesa. "Wala kang kwenta!"

"Ms. Roxas!" Sigaw ng matandang boses ng babae. Dinuro niya ako pagtapos ay ang pinto sa gilid niya."Bastos ka! Hindi ka na nga nakikinig sa klase--wala ka pang modo! Out of the room!"

Saka lang pumasok sa utak ko kung nasaan ako ngayon. Napahinga na lang ako ng malalim at dahan-dahang naglakad palabas. Sinubukas kong humingi ng pasensya sa aking guro pero tanging pag-irap at singhal lang ang nakuha ko.

Ilang beses na ba itong nangyari?

Muli ay umusbong ang matinding galit sa katawan ko. Ang mga mapanghusgang mata ay makasunod ng tingin sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Maging ang mga guro at estudyandeng nasa sarili nilang classroom ay napapahinto para sulyapan ako at bumulong ng kung ano.

May narinig akong nag-uusap sa may bintana sa gilid ng classroom.

"Ganyan talaga siguro kapag matalino pero napabayaan na ng magulang..."

"Kawawa naman siya."

"Wag ka maawa! At least matataasan mo na ang galing niya no, bagsak na siya sa mga teachers."

Masakit. Tumagos sa sistema ko dahil totoo.

Nakakagalit. Gusto ko silang hilain palabas at tanggalan ng dila pero alam kong hanggang sa isip ko lang 'yon.

Kung noong una ay pumapatol ako sa kanila pero nakakapagod pala. Pagod na akong itanggi ang katotohanan. Gusto kong bumalik sa dati pero hindi ko na alam kung paano. Hindi ko na mahanap ang daang pinanggalingan ko.

Para akong nakatayo sa gitna ng disyertong walang daan palabas at hindi ako makakilos dahil nabaon na ang aking paa sa mga buhangin.

Sa mga oras na ito ay wala akong ibang masisi kundi si Papa. Sa kanya ko ibinunton ang galit ko dahil humantong ako sa ganito. Nasira ang buhay at pangarap ko. Naligaw ako dahil binitawan niya ang kamay kong pilit na umabot sa kanya para isalba ako sa kadiliman. Nawala ang Ama ko kasabay ng pagkamatay ni Mama.

Along the woods (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon