Chapter 1

27 5 0
                                    

I sighed as I stare at the window of the bus at my side. The driver's driving the bus like someone's after us. Nasa express way na kami hanggang sa dahan-dahang tumigil ang sasakyan para sa toll gate at check point. Napakastrict ata ng bayang nadadaan ko dahil napansin ko na panay hinto ng bus para tingnan ng mga sundalo ang mga nasa loob.

Ito ang unang beses na bumyahe ako ng malayo kaya hindi ako pamilyar sa mga lugar na nadadaanan namin. Hindi rin naman ako kinakabahan dahil mapayapa ang bus na sinasakyan ko mula pa kaninang tanghali.

May kumalabit sa akin. Lumingon ako sa aking kanan.

"Miss, bayad mo."

Agad akong kumuha ng pera saka pinatong sa nakalahad na palad ng kundoktor. Pagkatapos ay binigay na sa'kin ang ticket ko. Bumuntong hininga ako saka tiningnan ang ticket kung saan nakalagay ang paroroonan ko.

Barrio Sarmiento

Sa pagkakatanda ko sa sinabi ng napagtanungan ko ay matagal-tagal pa bago ko marating iyon kaya sumandal muna ako sa upuan at yung noo ay dinikit sa bintana. Mahigit anim na oras pa ang aantayin ko, siguro ay gabi na ako makakarating.

Pumikit ako. Maaga pa naman kaya iidlip muna ako.

Sa Sarmiento nakatira dati ang si Mama bago pa man siya lumipat sa siyudad para mag-college kung saan nakilala niya si Papa. Kwento ni Mama, madalas daw kaming bumibisita roon dati noong maliit pa lamang ako. Hindi ko na tanda pero  alam ko abandonado na 'yon mula nang mamatay ang Lolo't Lola. Siguro naman may nakakakilala pa rin kay Mama roon para magturo ng daan.

Naalipungatan ako nang naramdaman kong may kumakalabit. Madiin at masakit, parang nanggigigil. Dumilat ako at nakita ang isang matandang may maduming damit at itsura.

"Ah, lola b-bakit po?"tanong ko.

Doon ko nakita ang ticket kong hawak niya. Halos malukot ito sa diin ng kapit niya. Inagaw ko iyon sa kaniya dahilan ng bahagyang pagkapunit.

Ano ba yan!

Naiinis ko siyang tiningnan.

"Huwag! Huwag ka ng tumuloy sa pupuntahan mo! Kadiliman ang sasalubong sayo!" Takot na takot niyang binulalas iyon. Nanlilisik ang mga mata't nanginginig.

Kinilabutan ako. What the hell?

"L-lola?"

Dumating ang kundoktor."Pasenya na, Miss."

Hinila nito ang matanda pababa ng bus. Hindi naman nagpumiglas ang ginang pero nakalingon pa rin ito sa akin at sumisigaw. Napahawak ako sa dibdib at nadama ang napakabilis na pintig ng aking puso.

"Pasensya na, Ale, pero hindi na po kami magpapasakay. Huling byahe na po ito," anunsyo ng kundoktor sa ginang.

Tumalikod agad ito saka lumipat sa likod para puntahan yata ang ibang pasahero. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. So weird.

May naalala tuloy akong palabas na may kaparehong sitwasyon. Napangiti ako. Akalain mo nga naman.

Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang babae at lalaking nagtatawanan habang pasimpleng kinukuha ng lalaking nakatayo sa tabi ng babae ang wallet niyang nakausli sa nakabukas na bag. Masyadong abala ang isa't isa sa pakikipagtawanan at pag-uusap kaya marahil hindi iyon namalayan ng babae. Nagsuot ako ng earphone at binalewala ang nakita.

Tss. Mga walang ingat. Bahala kayo dyan.

Masyadong masama ang mga nagdaang araw ko para makialam sa magiging problema ng iba.

Along the woods (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon