Chapter 6

7 1 0
                                    

Sa tanang buhay ko ay hind ko pa naramdaman ang ganitong takot. Na sa kabila ng pagrerebelde at kagustuhan kong mawala sa mundo ay magiging kabaliktaran pala ngayon. Takot akong mamatay ng ganito lang, ayokong matapos rito ang buhay ko dahil alam kong sa edad kong ito ay marami pa akong pwedeng gawin at malalaman. Napakasaklap na ngayon ko lang narealize ang lahat, sobrang dami kong pinagsisihan at sana ay hindi pa huli ang lahat kaya gagawin ko lahat para makasurvive dito... kasama ang mga bago kong kaibigan.

"Walang hihinto!" mariing sigaw ni Kier. Hawak niya ang braso ni Shan na natisod sa malaking ugat ng isang puno. Malakas niya itong hinatak patayo saka muling tumakbo.

"Hoy, babae! Tara na! Bilisan mo!" napadaing naman ako sa sakit ng pagkakahatak ni Zik sa braso ko na kanina lang ay nasa likod ko. "Klem, 'wag ka ring babakla-bakla diyan!"

"Gago!"

Lumingon ako saglit sa likod, hindi na tanaw ang kalsadang pinanggalingan namin, sobrang dilim na rin ng paligid. Ang tanging liwanag ay ang patay sinding flashlight na nakuha ni Klem mula sa sasakyan. Hindi pa rin nagpapakita ang buwan. Mula nang makarating ako rito ay napupuno ng kadiliman ang lugar sa tuwing sasapit ng takip-silim, tila nawalan ng pag-asa at tuluyan nang nilamon ng mga anino sa dilim ang bayan.

Nakakatakot at nakakakilabot.

"Teka! P-Pagod na ako..."

Papaanong hinayaan ng may kapal na magkaroon ng ganito sa mundo? Bakit sinusubok ang mga tao? Bakit may mabuti at masama?Bakit may misyon na 
ginagampanan ang bawat buhay na nilalang sa mundong ito? Ano ang silbi ng buhay ko?

Nakakapanibago.

Kahit kailan ay hindi ako napapaisip tungkol sa buhay at panginoon. Relihiyoso si Mama at lagi niya akong sinasama sa simbahan noon noong paslit pa lamang ako pero mula nang mamatay siya ay 'di na ko dumalaw muli sa tahanan ng diyos. Kinalimutan ko siya at inabanduna kasabay ng paniniwalang pinabayaan niyang mawala ang ina ko sa piling ko, hinayaan niya akong maging malungkot. Si Papa naman ay paminsang sisimba pakatapos ay susubsob na naman sa trabaho, pulis nga pala siya sa isang presinto.

Siguro baka ay ganoon nga kapag malapit ka ng mamatay. Mapapaisip ka sa mga bagay-bagay at magsisisi, tatanungin mo ang sarili kung may mabuti ka bang nagawa o kung matatanggap ka kaya sa langit. Ako kasi siguradong diretso impyerno, sa dami ba naman ng kasalanan ko. Idagdag pa ang masamang ugali at ilang beses na pagbabalak na pagpapakamatay na lang.

Tiyak na dalawan' daang porsyentong sasaya si Satanas na makita ako sa teritoryo niya.

Ngunit tingnan mo nga naman. Isa ako sa kanilang pinaglalaban ang buhay. Tumatakbo sa gitna ng masukal na gubat patungo sa kung saan upang takasan ang mga nilalang na humarang sa amin kanina.

"Wala na ata sila!" Sambit ni Shan na lumingon din.

Hindi ko alam kung nakasunod pa ba sila dahil masyado nang madilim ang paligid. Gayunpaman patuloy pa rin kami sa pagtakbo kahit hingal na hingal na. May naririnig akong kakaibang huni ng mga hayop o kung ano man. Nakakatakot lalo na't sobrang tahimik at mga malulutong na tunog ng mga tuyong dahon lamang ang namumutawi sa paligid.

So eerie.

Isa pa sa pinagtataka ay kahit isa, wala pa kaming nakikitang nilalang na katulad sa nasaksihan namin sa bahay nila Mang Nilo. O baka naman ay nagmamasid lang sila sa dilim, inaantay ang pagkakataon para punteryahin ang aming kahinaan.

Kanina habang tumatakbo kami ay tila may nakatingin sa akin o sa amin. May sumusunod pero kung lilingunin ay wala naman.

Guni-guni ko lang ba yun?

"Huminto muna tayo, guys," si Kier pagkatapos bumuga ng hangin. Pawis na pawis na rin siya gaya namin.

"Delikado rito." dugtong ni Zik habang palinga linga sa paligid.

Along the woods (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon