credits to @UnnieChieWa for my new book cover. <3
__
"Sigurado ka bang ito ang daan na itinuro sa atin ng matanda kanina?"tanong ko kay Zik makalipas ang mahigit isang oras na paikot-ikot namin rito sa tahimik na kalsada. Medyo maayos na ang daan ngayon hindi gaya kanina nalubak at hindi pa sementado. Nalagpasan na namin ang mga bahay kanina pero ngayon ay nalilito na naman kami dahil parang napakalayo ng daan palabas,wala pa kaming nakikitang arko.
Sa magkabilang gilid namin ay kakahuyan, iniiwasan kong tumitig doon dahil bagaman alas tres pa lang ay madilim sa banda roon. Gaya noong mga nakalipas na araw, makulimlim ang langit.
"Oo."
Pakiramdam ko tuloy ay mabilis sasapit ang dilim dahil habang tumatagal ang byahe namin ay unti-unting tumitindig ang mga balahibo ko sa katawan. Nilalamig ako at kinakabahan.
"Parang hindi naman ganito kalayo ang daan noong pumasok tayo rito. Magdadalawang oras na tayo, o!" nagreklamo si Klem. "Di kaya... tinitikbalang na tayo?"
Walang pumansin sa kanya. Tama. Tila pinaglalaruan kami ng engkanto o kung ano man iyon ay siguradong di namin magugustuhan.
Tumahimik kami sa loob ng sasakyan ng mahabang oras.
Bumuntong-hininga ako at napayuko nalang. Pinaglaruan ko ang mga daliring nasa hita,pinipilit maging kalmado sa kabila ng matinding takot na bumabalot sa akin. Should I recall what happened? Maging sarili ko ay gulong-gulo na, hindi ko alam kung nananaginip lang ba talaga ako o nababaliw na kasama ang mga taong 'to na kakakilala ko lang.Sana nga ay panaginip na lang.
Kung nakikinig man ang panginoon sa akin... o kung may diyos man, sana maawa siya sa amin. Tulungan niya kami... ako. Sa tingin ko ay hindi pa ako handa sa kamatayan, sa tingin ko ay may kailangan pa akong gawin, may dapat pa akong pagsisihan at ayusin.
"Oh! Yung arko!"
Nataranta ako sa sigaw ni Klem, nasa harapan siya nakapwesto at nakaturo sa tapat niya. Sinundan namain ang tingin niya at ganoon na lang ang pag-usbong ng pag-asa sa sistema ko. Makakauwi na ako! Hindi na ako babalik sa lugar na ito kahit ito pa ang hometown ng mama ko o hindi. Naalala ko bigla ang sinabi ni Aling Sisa.
Mapaglaro ang daan palabas. Hindi pwedeng ganito na lang kadali... may nag-aabang pa pagkatapos nito. Gayunpaman, mas pinairal ko ang pagiging positibo, 'di dapat ako magpadala sa mga bagay na hindi naman nakakatulong. Kailangang mag-isip ako ng mga bagay na magiging dahilan para magpatuloy at 'wag sumuko. Naalala ko bigla ang iniwan ko sa Manila para umuwi sa probinsyang ito.
I miss my father as much as I hate him.
We had an argument before I left our house, now I regretted leaving there. Kung bakit ba kasi ako nagrerebelde, eh kung nakuntento na sana ako sa mga kakaunting oras niya 'di sana ako nakararanas nito. Hindi ako nagpaalam sa kaniya na aalis ako, sigurado akong nag-aalala na iyon. Gusto ko nang umuwi at humingi ng tawad. Naramdaman ko agad ang pagbara ng lalamunan.
Pumikit ako sandali para pigilan ang pangingilid ng luha.
"G-Guys? Did you notice?" uutal-utal na boses ni Shan. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya na katabi ni Kier sa kaliwa dahil ako sa kanan. "O god! I'm scared!"
"Ano 'yon?" Si Kier.
"Medyo mahamog, hindi masyadong nakikita ang daan. Dumidilim na rin... anong napansin mo?" Tanong ni Zik na nasa driver seat. Hininto muna namin ang sasakyan. Lumingon siya sa amin pati si Klem ay ganoon rin.
"May dumaan sa may tabi ng bintana ko!" Bigla siyang napahagulgol na agad niyakap ng kaibigan. "Ayoko na dito--please!"
Biglang umalog ang kotse. Napatalon ako lalo na nang sabayan pa iyon ng takot na tili ni Shan at hagulgol. Tumambol agad ang puso ko sa taranta, luminga ako sa paligid. Inaninag ko ang labas sa kabila ng kumakapal na hamog at malabong salamin ng kotse.
"Pucha! Parang may dumaan sa harap!" Palahaw ni Klem na nakaturo sa harap niya.
"Shit!"
Dumako ang tingin ko roon kasabay nang pakiramdaman na may itim na pigurang mabilis na dumaan sa bandang gilid ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko... nakakakilabot.
Nagsimula akong mamawis ng malamig at panginigan ng kamay. Parang natuyo ang lalamunan ko.
"Umalis na tayo..." nanghihinang bulong ko. Inangat ko ang tingin sa kanilang lahat, silang apat ay parang natulala at walang narinig. Nadikit ang atensyon nila sa harap. "PAANDARIN NIYO NA!
Walang kumilos ni isa, sjnikap kong tumayo at inalog si Zik. Katulad ko ay namumutla na rin siya at nanlilisik ang mata sa takot. Sinigawan ko siya, "Ano ba! Umalis--"
Kusa rin akong natigilan naang dahan-dahang lumingon sa harap. May limang pigurang nag-aabang mula sa kalayuan, nakapurong itim na balot sa buong katawan at nakayuko. Sa kabila ng makapal na hamog ay natatanaw namin sila. Kinilabutan agad ako at mas nagimbal nang makitang... hindi sila nakatapak sa lupa...
"H-Hindi sila tao..." sambit ni Shan na tumuloy na iniisip ko.
"Hindi..." si Kier, nangingig ang boses niya. "Panaginip lang to..."
Naunang natauhan si Zik at agad na inistart ang sasakyan. "Didiretso tayo! Babanggain natin sila!"
"Pare, Multo sila!"
Nagpakawala ng malalakas na tunog ang sasakyan pero hindi ito umaandar. Anong nangyari? Hindi pwede 'to! Inulit iyon ni Zik hanggang sa tuluyan ng mamatay ang makina.
"Tangina! Naubusan tayo ng gas!" Napasambunot siya sa buhok bago kami nilingon gamit ang desperadong mukha.
Kapwa kaming napayuko. Tumulo ang luha sa mata ko. Sumikip ang dibdib ko sa kaaalamang wala na kaming pag-asa. Yung mga nilalang na nasa harap namin, posibleng sila ang mga naabutan namin noong gabing nasa bahay ni Mang Nilo. Hindi.
Unti-unti na silang lumalapit sa amin.
"Lumabas tayo..." biglang sabi ni Klem matapos ang katahimikan. Seryoso na siya at nilingon kami.
"Hindi tayo mamamatay sa ganito lang..."
BINABASA MO ANG
Along the woods (On-going)
Misteri / Thriller"There is something strange here." An eighteen year old girl named Jean Roxas, went to a village called " Barrio Sarmiento", a questionable village that is excluded in the government's map; at the middle of wondering about the strange gloomy atmosph...