Chapter 4

17 2 0
                                    

There's a demon hiding beneath the dark whom will swallow the weak.

---

"Sigurado po ba kayo rito? Matutulungan niyo kami?" Halos bulong na tanong ko. Para akong nawalan ng lakas sa narinig ko kanina pero agad niya rin binawi na may paraan pa para makalabas.

"Bago sumapit ang dilim, bukas ng umaga, kailangan niyo ng umalis. Delikado pero subukan niyo kung gusto ninyong makalabas."

Tumikhim ito. Ang asawa niya ay nakatanaw sa amin samantalang si Dan naman ay nanatiling masama pa rin ang tingin. Hindi na kami natulog, masyado na atang nakakakilabot ang nangyari ngayon para manatili akong gising.

"Alas singko ng madaling araw, umalis na kayo sa amin," sabi ni Dan.

"Oo na, letse,"bulong ni Klem. Pailalim na nakatanaw sa lalaki. "Inamo, panget."

"Gagawan namin kayo ng mapa palabas ng bayang ito. Mag-ingat kayo sapagkat mapaglaro ang kagubatang madadaanan niyo lalo na sa pagsapit ng dilim,"sambit ng ale. Dumako sa kanya ang atensyon ko.

"Wala naman po kaming nadaanang gubat?"Nalilitong tanong ko.

Sa totoo lang ay kanina ko pa iyan tinatanong. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang sagutin.

"Mapaglaro ang demonyo..."

Nilamig ako bigla sa sinabi niya.

"Po?"

Tinitigan niya lang ako ng makahulugan pagkatapos ay tumalikod na at humagilap ng mga gamit na ibibigay nila sa amin.

"Tingnan mo 'to, akala mo kung sino makatingin," napalingon akong muli sa katabi ko. Nakatanaw pa rin siya kay Dan na masama rin ang titig sa kanya.

Nanlaki ang mata ko at sinaway siya. Siniko ko siya ng bahagya. Pinapahamak talaga kami ng lalaking to. Tiningnan ko ang relo ko pagkatapos. Ala una na ng hatinggabi. Sinubukan kong pumikit muna sandalihanggang sa namalayan ako ang pagyugyog sa akin.

"Psst," nakita ko si Kier. Palinga linga siya sa paligid. Natataranta. "Aalis na tayo."

Kinusot ko pa ang mata ko. Inaantok pa pero malakas niya na akong hinahatak.

"Huh?" Bumangon ako at lumingon. "Saan sina Aling Rosa? Si Manong? Nakapagpaalam na ba kayo?"

Hinila niya na ako patungong pinto. "Tara na! Sinapian na ata sila. Hindi na sila tulad kanina!"

Kinilabutan ako nang makarinig bigla ng mahinang pagtawa. Napalingon ako sa likuran at tumindig ang balahibo dahil parang nasa bandang tenga ko lang ang tinig. Madilim pa rin ang bahay na may kakarampot na kandilang malapit na mamatay. Magmadali kaming naglakad.

Nang makalabas kami ng bahay ay sumalubong ang napakalamig na hangin. Madilim.

Namayani agad ang kaba at takot sa dibdib ko. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa kung saan.

"T-Teka... sina Shan at yung iba pa?" Naalarma kong tanong. " Bakit tayo lumabas? Madilim pa!"

"Shh..."

Lumiko kami bigla. Hinatak niya ako sa sulok at tinakpan ang bibig. Sa may gilid namin namin ay may biglang lumabas na mga taong nakaitim, balot na balot at may hawak na sulo ang dalawa sa mga ito.

Nanginig ako bigla nang masilipan ang mukha nila. Para silang mga patay... mukhang bangkay ang mga itsura nila.

Hindi sila tao!

May sinasambit din silang mga salita na hindi maintindihan. Nanghina ang mga tuhod ko, kung hindi dahil sa hawak ng lalaking kasama ko ay baka tuluyan na ang nabuwal. Gusto kong isipin na bangungot ang lahat pero nakakainis lang na parang sinampal ako ng katotohanan na nandito ako ngayon!

Along the woods (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon