Mabilis na nagkagulo ang lahat. Humarang sa harap ko si Kier at tinutok ang dos por dos na nakuha niya kanina sa daan. Nasa likuran ko naman si Shan na mahigpit na nakakapit sa kaliwang braso ko.Mayroong dalawang lalaki sa harap namin, ang isa ay may hawak na palakol at ang isa ay merong malaking bato."Sino kayo?!" Sigaw ng isa sa kanila.
Malaki ang boses nito at talagang nakakatakot pero halata namang binago lang nila ang kanilang boses para masabing nakakasindak sila. Ang jeje nila.
"Pre, wag kang maingay baka may makarinig sa labas,"pabulong na usal ni Kier.
Bakit sa lahat ng nadaanan namin, sa lahat ng mga wirdong taong nakakasalubong namin sa kalsada... Bakit naririto ang mga taong to? Sa tingin ko ay kagaya rin namin silang dalawa. Nakasuot ng ripped jeans ang dalawa at makulay na polo, magparehas ng design at pati na rin ang kanilang mga sapatos. Parehong hindi nakabutones ang mga polo at may itim na shirt na nakapaloob sa isa at puti naman sa katabi niya.
Pareho silang ma-itsura.
"Kami nauna rito, lumipat na lang kayo," sabi ng lalaking may white shirt.
"Pasensya na, pare. Naguguluhan na talaga kami, ano bang meron sa bayan na 'to? Anong nangyari?" Sabi ni lalaking nasa harap ko ngayon. Si Kier.
Sabay silang natigilan. Kung gano'n ay wala rin silang alam. Halos sabay yata kaming bumuntong-hininga para sa mga naranasan namin ngayon.
Bahagyang kaming huminahon at tanging flashlight lang ng phone ko ang nagsilbing ilaw namin habang patuloy na sinisikmura ang mga nangyari ngayong gabi. Nakaupo kami sa sahig nang pabilog. Katabi ko si Shan sa kanan at si Klem sa kaliwa.
Ayon kay Zik, 'yong may white shirt, at Klem na may suot na black shirt. Kakarating lang rin nila rito para bisitahin ang kapatid ni Klem na may sakit at sinamahan lamang siya ni Zik na kaibigan niya.
Hindi rin nila alam ang nangyari at hinabol rin sila ng mga taong may sulo. Pansamantala silang nagtago sa bahay na ito hanggang sa 'yon na nga, nagkatagpo kami.
"Siguradong umaaligid pa sa labas ang mga taong iyon kaya pwedeng dito nalang muna tayo hanggang sa sumikat ang araw." Sabi ko.
"Sige," sumang-ayon agad si Klem. Tinuro niya ang bag ko saka ngumiti sa akin nang malapad. "May pagkain ka riyan, 'no? Naamoy ko sa bag mo. Pahingi, ah, gutom na ko."
Naiatras ko ang sarili dahil sa sobrang lapit niya, humingi ako ng malalim at mabagal na binukas ang zipper ng bag. Sakto namang narinig ko ang pagkalam ng kanyang tiyan.
"Pero kami ang nauna rito. Paano kung may nakasunod pala sa inyo?" Si Zik.
Napahinto ako at binalingan siya. Napakaarogante ng dating niya at halatang walang magagawang mabuti. Kabaliktaran sa kasama niyang parang joker. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Really? Huwag kang madamot! Hindi naman 'to sa 'yo!"
"Nag-iingat lang ako--" sabat niya.
"Tumigil na nga kayo!" Sinaway kami ni Kier. Tumigil kami pero ang mga mata namin ay patuloy sa pagtatalo.
Sinamaan ko siya ng tingin at gano'n din siya sa akin. Nakakagigil ang mukha niya at sa tingin ko'y sobrang sarap sapakin. Hindi ko alam na may bobo pa pala akong makakasalubong pagkatapos nang lahat ng katarantaduhang nangyari sa akin ngayon at noong mga nagdaang-araw.
Nakakapunyeta talaga.
Marahas akong bumuga nang hangin. Iniwan ang tingin ngunit binalik din sa kanya. "Putang--"
"Shh! May narinig akong ingay,"putol ni Klem. Nakaluhod na siya, parang may sumisilip at nakikiramdam sa paligid.
Awtomatiko akong tumahimik.
BINABASA MO ANG
Along the woods (On-going)
Misterio / Suspenso"There is something strange here." An eighteen year old girl named Jean Roxas, went to a village called " Barrio Sarmiento", a questionable village that is excluded in the government's map; at the middle of wondering about the strange gloomy atmosph...