Chapter 3

8 3 0
                                    


Napatingin ako sa matanda na lumapit sa amin at umupo sa harap naming upuan.

"Hija, kamusta na ang lagay niya? Sya, magpahinga muna kayo," sabi ni manong sa'min. Sa tingin ko ay nasa 50's pa siya.

"Salamat po," sagot ko saka ngumiti.

Kanina sa kalsada biglang nahimatay si Shan buti nalang may isang tao na tumulong sa amin, si Mang Nilo. Dinala niya kami sa bahay nila ng asawa niya. Ngayon narito kami nakaupo sa upuang kahoy nila habang hinihintay na magkamalay si Shan.

Tahimik kaming lahat. Si Kier ay abala sa gamit siya sa bagpack. Si Klem naman ay umiidlip at si Zik ay nag-oobserba.

Nilapag ni Aling Sisa, asawa ni Mang Nilo, ang isang pitchel ng tubig at baso sa lamesita. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "Uminom muna kayo."

"Ayos lang po," sagot ko pagkatapos ay umalis na siya.

Bumaling uli ako kay Mang Nilo. Kausap niya sila Kier at Zik.

"Buti nalang nandito kayo at hindi na kayo aabutan ng dilim sa labas," nakasilip siya sa bintana habang sinasabi yon bago ito sinara.

"Bakit? Ano bang meron sa labas?" Si Kier.

Nanatili ang tingin ko sa bintanang nakasara na.

Ang weird lang na double ang pagsara nila rito. Glass ang bintana nila pero hinarangan pa nila ito ng kahoy na may lock rin. Pati ang pintuan nilang kahoy na halatang pinaglumaan na ng panahon ay mayroong lock at may nakaharang pa na pahabang troso sa gitna nito, para bang sinigurado na hindi ito mabubuksan ng basta-basta.

Ang kurtina pa nila, kulay itim. Seriously? Takot ba sila sa liwanag sa labas?

Nilibot ko ng tingin ang kabuoan ng bahay nila. Simple lang ang bahay nila. Kahoy ang sahig at mukhang luma na dahil may iilang parte na pinatungan na ng panibagong kahoy.

"Basta." Napalingon uli ako kay manong. Biglang nagbago ang mood niya. Naging sobrang seryoso ang mukha niya na tipong nakakatakot na. "Delikado."

"Talaga? Pa'no mo nasabi?" Napatingin ako kay Zik. Bakas sa tono niya ang pang-aasar.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na butas sa sahig. Kasing laki lang ng isang barya. Lumapit ako roon at dahan-dahan sumilip pero wala naman akong nakita. Madilim. Doon ko napagtanto na baka ay takipsilim na.

Hindi man lang namin napansin ang oras.

"Sino ang mga to?!"

Napabalikwas ako at bumalik agad sa pwesto ko kanina. Muntik na akong makapagmura.

Nagulat kaming lahat ng may sumingit sa usapan. Tila kakalabas niya lang sa pintuang nasa likuran niya. Nakakunot ang noo at masama ang tingin lalo na sa amin.

"Dan, h'wag kang maingay--," lumabas mula sa kusina si Aling Sisa at sinaway ang lalaking tinawag niyang Dan.

Sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda nito sa'min.

"Bakit sila narito?" sabi niya ulit.

Nangunot ang noo ko. Ano ba kinagagalit niya?

"Pinatuloy muna namin sila sandali," si Aling Sisa na tuluyan ng nakalapit sa amin ni Mang Nilo.

"Kuya, hindi natin sila kilala!" Sigaw niya at dinuro kami. Mariin ang pagkakasabi siya sa mga salitang binibitawan niya. "Paano kung sila ang dahilan ng pagkapahamak natin? Baka nakakalimutan mo ang nangyari kay Rollon noon..."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Anong...sinasabi niya? Bakit parang kasalanan pa namin?

"Kailangan nila ng tulong," mahinahon ang pagkakasabi ni Mang Nilo.

Along the woods (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon