CHAPTER 11

3 0 0
                                    

I looked like dumb by just standing there with my eyes wide open, Hindi ko alam kung anong sasabihin at mararamdaman ko should I be glad? Sa totoo lang hindi ko rin alam. There's a part of me that I like him too but... there's a part of me that this is wrong. Nasa harapan ko lang din siya at para bang namumula, kaya after niyang sabihin yun hindi siya naghintay ng sagot ko he simply said...

"Don't be pressured to answer me, I'll wait for the day that you would admit it to me someday." Sabi niya after niyang hawiin ang mga buhok niya gamit ang mga kamay niya para bang ang calm niya after all that he said.

Samantalang ako ay hindi na mapakali. I just continue standing there while looking down and pretending to kick some stones sa sahig. When he noticed that I was uncomfortable he said that...

"I said that so you would not be misunderstanding me again with Alyanna, By the way I need to go, see you around." He simply pats my shoulder kissed me in the cheeks then started walk away.

Naiwan ako dun dumbfounded, hindi ko na talaga alam. Bahala na.

Bumalik na ko sa Cafeteria, pagkaupo ko pa lang ay hi-not seat na ko nila Meann.

"Ano yun bakit may pa can we talk na nalalaman si Cam?" Usisa ni Meann saakin.

"Ito chismosa, basta saka ko na ikwekwento." Sagot ko sakanya sabay tawa, pero alam ko naman may alam na rin siya.

Hindi na rin naman nila ako pinilit, pero nakita ko ang tingin ni Anna na para bang she needs to know. Nginitian ko na lamang siya.

***

Pagkatapos ng klase naghiwalay muna kami ni Meann tatambay na lang daw muna siya sa gymnasium.

"Hintayin na lang kita sa Univ gym, manuod muna ko sa practice ng mga University players natin" Sabi niya habang inaayos ang mga gamit at libro sa bag sabay ngumiti ng pilyo.

"Hmm... Okay sige punta muna ko sa student affairs office" Sabi ko saka nauna na akong lumabas ng classroom.

Pumunta ako sa office ng student affairs para magtanong sa mga extra-curricular activity na available pa since hindi sapat ang scholarship ko lalo na nanganganib ang mga grades ko especially sa physics 2 hirap naman kasi ng calculus buti na lang sa ibang subjects nag-eexcel ako. Nakausap ko ang secretary about sa extra-curricular activity na pwede kung makuha which is tutoring daw ng mga ibang students na magreretake ng subjects na nafailed nila. S'yempre hindi naman na ko choosy I accepted it 2-3 times a week lang naman daw ang session naming ng itututor ko kung sakali tsaka kaya naman sa schedule ko since tuwing vacant ko lang naman ako magtutor and weekends lang din naman ang part time ko.

"Here you go po, nafill-upan ko na po Ma'am." Sabay abot ko kay Ma'am Diaz ng form sa extra-curricular.

"We will contact you na lang Ms. Castillanes if may ma-assign na sayo na student for you to tutor, maybe next week meron na." Sabi ng secretary.

"Sige po, Thank you po Ma'am." Pag-paalam ko sakanya saka lumabas na ng office.

Dumiretso na ko sa gymnasium since Malaki-laki ang gym, inilibot ko muna ang mga paningin ko para mahanap si Meann. Nakita ko siya banda sa harapan ng mga benches at nanunuod sa mga University players ng Imperial University nahagilap ko rin na nanduon si Kino at ang iba pa nitong teammates. Dumiretso na ko kay Meann at saka umupo sa tabi niya, Ikwinento ko sakanya na nakakuha na ko ng extra-curricular activity which is tutoring. Nagpatuloy pa kaming magkwentuhan ng lumapit si Kino saamin sabay sabing...

"Hi! Vacant niyo?" Tanong niya samin o saakin lang kasi diretso ang tingin niya sakin nung tinanong niya yun.

Napansin rin ni Meann kaya sinagot ko na lang din siya, "Ah oo may isa pa kaming klase e". Sagot ko sakanya naaninag ko na suot niya yung bracelet na iniregalo ko sakanya nung birthday niya. Napangiti ako dahil dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Within Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon