CHAPTER 4

16 0 0
                                    

Vacant pa namin ngayon kaya napag-desisyon kong magtungo muna sa Library para makapagbasa kahit papano. Palabas na ko ng room namin at maglalakad na papuntang 2nd floor sa main building ng I.U ng biglang may tumawag sakin...

"Thea sabay na tayo sa Library!" Sigaw sa likod ko ni Kino.

"Ha? Paano mo naman nalaman na sa Library ako pupunta?" Tanong ko sakanya dahil bigla na lang niyang sinabi na ganon. After that night na hinatid niya ako sa bahay namin ay naging mabuti pa rin naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa so far, so good naman kaso minsan may atmosphere pa rin s'yempre na nagkakahiyaan kaming dalawa lalo na sa part ko.

"Kasi alam ko lang?" Sarcastic na sabi niya. "'Di joke lang kasi kabisado na kita! Kapag may vacant tayo lagi kang tutungo sa Library" Sabi niya sabay ngisi.

"Hoy grabe ka! Para kang stalker ah! Ang creepy, hindi nakakakilig" Sigaw ko sakanya, Pero deep inside may naramdaman ako sa sinabi niyang "kabisado niya na ko" na para bang kilalang kilala niya na ko e samantalang ako nga walang kaalam-alam tungkol sakanya, nakakahiya rin naman kasing magtanong. Mas gusto kong siya yung magkwento though sometimes I can ask naman pero not to the point na personal ma masyado baka sabihin niya may gusto ako sakanya... Pag-ngiti ko sa sarili ko ng palihim dahil sa naisip.

"Hirap talaga bumanat sayo, tara na nga!" Sabi niya sabay akbay sa balikat ko.

"Hep! Hep!" Sigaw ko sakanya.

"Hooray!?" Sagot niya habang tumatawa.

"Yung kamay mo dumadamoves ka pa e!" Pagtataray ko sakanya sabay nauna ng naglakad patungong Library. Napakamot na lang siya sa ulo niya sabay nag-madaling lakad takbo para maabutan ako.

*
Nasa Library na kami nilabas ko na ang mga gamit ko at libro na Architectural Design, Umupo ako dun banda sa bintana kasi para sakin ang ganda magbasa habang may tanawin kang natatanaw, sumunod din naman sakin si Kino at umupo sa harapan ko. Nagsisimula na kong magbasa ng mapansin kong walang ginagawa si Kino kundi ay tumitigtig lang sakin...

"Hoy ano ba! Hindi ako makapag-focus sa pagbabasa, pwede ba kung hindi ka rin naman magbabasa umalis ka na lang." Taray kong sabi sakanya pero sa mahinang tono lang baka kasi masita kami ng masungit na Librarian.

"Aray! Pinapaalis ako, sungit mo naman. Sige na nga magbabasa na rin ako." Sabi niya sabay naglabas na rin siya ng mga gamit niya.

Nanahimik na siya kaya sumulyap ako kung nagbabasa nga ba talaga o kung ano ang ginagawa niya kasi nakaharang sa mukha niya yung libro... sinilip ko at ang loko mahimbing na natutulog, buti na lang yung puwesto namin ay malayo layo sa desk ng Librarian kasi kung malapit yari siya dahil bawal matulog sa Library pero ito din naman ang lugar kung saan pwedeng umidlip ng patago maliban sa Clinic. Hinayaan ko nlng siyang matulog, bigla akong napatitig sa mukha niyang natutulog ng mahimbing... "Tignan mo tong mokong na to, ang amo ng mukha kapag tulog, pero kapag gising nakakainis pero in fairness ang gwapo ng mukha niya lalo na ng ilong niya na matangos at pilikmata na makapal, teka nga lang! ang sabi magbabasa!" Pangaral ko sa sarili ko at bumalik na lang sa pagbabasa.

Mga mag-iisang oras din ata akong nagbabasa, at si Kino naman ay mag-iisang oras ng nakatulog, dahil malapit na rin mag-next subject inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimula siyang gisingin...

"Hoy gising!" Pagtapik ko sa balikat niya. Ayaw pa rin kaya niyugyog ko na yung balikat niya saka lamang siya nagising. Uminat-inat muna siya saka ngumisi at sabing "Sarap ng tulog ko!" Pag-mamalaki niya.

"Ewan ko sayo! Mag-next subject na, bahala ka diyan, pasalamat ka ginising pa kita kundi baka hindi ka na nakapasok sa next subject natin." Sabi ko sakanya sabay dire-diretsong lumabas ng Library kaya naiwanan ko na siya at nagtungo na muna sa Restroom bago dumiretso sa klase.

Within Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon