CHAPTER 10

2 0 0
                                    

Pagkauwi ko ay nadatnan ko si Mama na mahimbing ng umiidlip sa sala habang nanunuod ng teleserye niyang paborito. Dahan-dahan ko na sanang isasara ang pinto para hindi na siya magising at baka mahalata niya pa na nakainom ako, kaso nagmulat pa rin ang mga mata niya.

"Oh Thea bakit gabi ka na umuwi? Tanong niya sakin at "Hindi ka man lang nagtext saakin para alam ko sana na gagabihin ka, wala ka pa man ding susi ng bahay hindi tulad ni Kuya mo" Dagdag pa niya habang inaayos ang upo sa couch namin. Ako naman ay inayos ang tayo na para bang hindi ako nalasing kanina, siguro nahimas-masan na rin ako.

"Opo Ma pasyensya na po hindi na po ko nakapagtext na gagabihin pala ako ng uwi, birthday po kasi ng kaibigan ko kasama ko rin naman po si Meann." Sagot ko sakanya habang tinatanggal ang sapatos ko at inilalagay ito sa shoe rack malapit sa pintuan namin.

"Sa susunod magpaalam ka para alam ko". Sabi niya na hindi naman nangangaral.

"Opo Ma, akyat na rin po ako. Ikaw po ba hindi ka pa po ba matutulog?" Tanong ko naman sakanya.

"Patapos na rin itong pinapanuod ko aakyat na rin ako, May klase ka pa bukas matulog ka na. Good night". Sabi niya habang inaabot ang remote ng TV.

"Good night rin po". Yun na lang ang nasabi ko saka umakyat na sa kwarto ko. Nagbihis na muna ko ng pantulog at naghilamos tsaka skincare na rin. Pagkatapos ay humiga na rin ako at si-net ko na ang alarm ko para bukas, chineck ko for the last time kung may mga unread messages ako, napag-isipan ko kung nakauwi na rin ba si Meann kaya tinext ko na lang muna siya para makasigurado since hindi kami sabay umuwi at hinatid siya ni Reinan.

To: Meann
Nakauwi ka na ba?

Mga ilang minuto rin ay nagreply siya ng...

From: Meann
Yep, Antok na ko bukas na tayo chika hehe Good night gorl!

Hindi na rin ako nagreply, pinatay ko na ang lampshade ko saka nagsimula na ring matulog.

-----
Nagising na lang ako sa alarm ko ng tumunog ito, kaya dumiretso na ko kaagad sa comfort room para maligo. Nang matapos ako napag-isipan kung magsuot ng dungaree dress at sa loob nito ay nagsuot ako ng white shirt, dinala ko na rin ang bag ko saka bumaba na para mag-agahan.

Nadatnan ko si Mama na gumagawa ng ham and egg sandwich, may nagawa na siyang ilang piraso kaya napag-isipan kong baonin ko na lang ito kahit na maaga pa para makapag-lakad rin ako papasok sa school, mga 10mins lang naman kung lalakarin ko ito at 5mins kung mag-jejeep ako pero kung wala rin masyadong jeep parang 10-15mins rin bago ako makarating sa University.

"Ma baonin ko na lang po ito, maglalakad na lang din po ako exercise na rin po". Sabi ko habang ibinabalot ang sandwich sa isang ziplock. "Alis na rin po ako!" Pahabol na sigaw ko habang nasa pintuan pa.

"Ingat ka nak!" Pahabol rin na sigaw ni Mama.

Hindi ko na madalas madatnan si Kuya dahil maaga akong pumapasok, bihira na rin kaming magkita sa bahay dahil may work na ulit siya. Nagsimula na kong maglakad, naglagay muna ako ng earphones sa mga tainga ko para makinig ng music, hininaan ko lamang ang volume nito dahil naglalakad na rin ako baka masagasaan pa ako kung lalakasan ko. Inopen ko ang playlist ko at pinatugtog ang "Life Goes On ng BTS".

Like an echo in the forest
Haruga doraogetji
Amu ildo eopdan deusi
Yeah, life goes on
Like an arrow in the blue sky
Tto haru deo naragaji
On my pillow, on my table
Yeah, life goes on
Like this again...

Pagkadating ko sa gate ng University ay tinanggal ko na ang mga earphones ko, at dahil maaga pa dumiretso ako sa Garden ng Univ na may benches para duon umupo at kumain ng binaon kong agahan, tinext ko rin si Meann na nasa Garden ako.

To: Meann
Nasa Garden ako hintayin kita, sabay na tayo.

Tahimik akong kumakain dito mag-isa dahil kaunti lang ang mga tao, nagtaka ako ng may marinig akong babae at lalaki na nagtatalo sa may puno banda na nasa side ko, hindi ko sila masyado makita dahil may mga bushes sa gilid ko basta naririnig ko lang sila. ("Siguro magjowa tong dalawa") sa isip isip ko, hindi ko na ginusto na maki-chismis eh sadyang naririnig ko lang talaga ang pinag-uusapan nila.

Girl: "Bakit mo nagawa sakin yun?" Himihikbing tanong ng babae.
Boy: "Hindi ko sinasadya, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita". Sagot ng lalaki.
Girl: "Mahal din kita, alam mo yun. Handa akong ibigay lahat ng gusto mo. Tinanggap kita kahit natatakot ako. I trusted you with all my heart, yet you broke me. Mahal mo ako diba? o sinubukan mo lang akong mahalin?"

Since tapos na rin naman ako kumain, dahil sa narinig ko para bang ako yung nasaktan para sa babae kahit naman hindi ko pa nararanasan pero damang dama ko yung sakit na nararamdaman niya lalo na sa mga sinabi niya kaya tumayo na lang ako at aakmang aalis ng dumating si Meann at papalapit sakin. Nilapitan ko na rin siya at ng naglakad ako papunta sakanya lumingon ako sa magjowang nag-uusap, napatigil ako at saka nagulat sa nakita ko sina President Jade pala at si John!

Hinila ko na lang agad si Meann paalis sa Garden para hindi na rin kami makita pa nina Pres.

"Bakit ka ba nagmamadali?" Nag-aalangang tanong sakin ni Meann.

"Akala ko ba si Clarizze at John?" Chismosa kong tanong kay Meann.

"Oo nga sila nga, bakit mo natanong?" Nagtatakang sagot niya sakin.

"Kaya kita hinila kasi andun sina President Jade at John sa Garden!" Kwento ko sakanya.

"Oh anong meron kung andun sila?" Taka niya pa ring tanong.

"Narinig ko kasing nagtatalo silang dalawa, saka mukhang may relasyon sila." Mahina kong kwento sakanya habang naglalakad kami papuntang kabilang building.

"Ay gag* two-timer pala si John! Kawawa naman si Pres!" Malakas niyang sabi kaya sinenyasan ko siyang huwag maingay.

"Shh... Kaya nga pero Hayaan na natin sila, Its not our business let them deal with it with themselves na lang". Sabi ko na lang ng makarating na kami sa klase.

Sa totoo lang sa buong klase hindi ako nakinig, paano hindi ako makafocus, Napag-isip isip ko lang kung paano kung ako yung nasa sitwasyon ni Pres. Para bang nakakatakot pa lang magmahal, masarap magmahal oo pero masakit din magmahal.

Natapos na ang klase namin ng hindi ko namalayan, break time na kaya mi-neet na namin sila Anna at Sheryl sa Cafeteria. Katabi ko ngayon si Anna nakaupo kami habang sina Sheryl at Meann ay nakapila para bumili ng makakain.

"Kumusta na nga pala kayo ni Paskuhan guy?" Tanong niya saakin.

Naalala ko lang bigla hindi pa kami ulit nagkikita ni Cameron ever since after that awkward phone call nung Christmas, and he never did reached out to me after that nor text or call.

"Okay lang naman kami, pero hindi na kami masyado nag-usap after that". Kwento ko pinag-uusapan pa lang namin ay nagulat ako ng papasok si Cameron kasama si Alyanna sa Cafeteria at ito pa nakasabit pa ang mga braso ni Alyanna na para bang magkasintahan sila.

"Speaking of the..." Sabi ni Anna sabay nguso sa direksyon nila Cameron at Alyanna na naglalakad. "Sila na kaya?" Tanong ni Anna.

"Tss.. sila naman talaga ever since bata pa sila. They are made for each other, who am I to butt in between them?". Isasagot ko sana kay Anna ngunit isinarili ko na lamang. Iniwas ko na lang rin ang mga tingin ko at bumalik kunwari sa pagsusulat at baka makita pa nila ako lalo na ni Cameron.

"What really happened between you two after that paskuhan date?" Dagdag na tanong pa niya.

"He did'nt confessed naman so I guess we're just friends?" Sagot ko na parang wala lang. "To make the long story short I guess that paskuhan date is just a friendly date". Dagdag ko pa. Sakto andito na sila Meann na may dalang tray ng pagkain at inumin kaya tumigil na rin kaming magkwentuhan ni Anna dahil siya rin lang naman ang sinabihan ko tungkol dun.

Naisip ko lang din habang kffumakain since busy sina Sheryl at Anna mag-usap sa group project nila at si Meann ay busy magbrowse sa cellphone niya, Is Kino sincere when he confessed that he likes me? Well he did'nt also really confessed to me in a straightforward way na "I like you" he just said that he meant what he said last time on the afterparty ng team nila Cameron sa basketball which is "dahil raw anduon rin ako kaya andun rin siya" tsaka nung birthday niya na my gift means a lot to him. I just shrugged my thoughts away at pinapatuloy ang pagkain.

Nagulat na lang ako ng may lumapit sa table namin, nagtaas ako ng ulo para makita kung sino at si Cameron iyon lumingon muna ako kung asa table pa kung saan sila nakaupo si Alyana pero wala na dun si Alyanna siguro lumabas na ng Cafeteria ng hindi ko namamalayan.

"Can we talk?" Tanong niya sakin.

"Sure, but not here". Sagot ko sakanya saka kami pumunta sa abandoned builing ng University malapit rin to sa Garden.

"I'm sorry if I did'nt reached out to you after our date". Sabi niya in a calm tone.

"It's okay, we're just friends afterall. Saka you already have a girlfriend na rin naman". Sagot ko sakanya.

"No, I think you misunderstood me. Hindi kami ni Alyanna I just have to be with her for the sake of our parents tie and relationship". Pagpapaliwanag niya.

"But I think she likes you, so it's better if we're friends na lang siguro? Ayoko rin naman ng gulo". Sagot ko sakanya. Sa totoo lang kaya ko nasabi yun kasi I think nakakasagabal ako sakanila ni Alyanna they are match made in heaven na pwede na silang matawag na "perfect couple".

Natahimik siya sa sinabi ko. Pero he bluntly said na "I don't care, 'cause you're the one that I like, I like you Thea".

_______
A/N: Sabay sabay tayong mag-SANA ALL!! chz

⬆️ I attached some music it's called "Life Goes On By BTS" kindly listen to it. :)) I'm a multifandom when it comes to (Kpop) so I guess I'm a lowkey army too. lolll


Hope you have a good one!
xoxo

Within Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon