CHAPTER 5

10 0 0
                                    

Takbo lakad ang ginawa ko hanggang makarating sa room namin which is nasa main building 3rd floor pa hindi na ko nag-elevator kasi mukhang mas matatagalan ako kapag naghintay pa ko kaya tinakbo ko na lang, saktong 8am na ko nakarating sa klase namin buti na lamang at wala pa ang prof namin.

"Time beater yun ah!" Hingal na sabi ko sa sarili ko ng makapasok ako sa pinto ng room.

"Natapos mo ba yung Design mo?" Tanong sakin ni Meann nang makita niya kong paparating.

"Oo naman! Inspired e dahil deadline today!" Pabiro kong sabi na ikinatawa naming dalawa.

"Procrastination at its finest!" Proud na sabi niya.

"Good Morning Class!" Pagbati ng prof namin. "Since Christmas Party niyo na bukas... Mag-enjoy kayo pero ngayong araw lang ang pasahan ng requirement niyo, Oh ano akala niyo bibigyan ko kayo ng pamasko? Pakipasa na ang mga Designs niyo." Masungit na sabi ng prof saamin na ikinatahimik ng karamihan. Akala pa naman namin pagbibigyan kami ng prof namin ng extension kahit pa man na tapos na ko pero syempre mas maganda pa rin kung hindi namin minadali ang output namin (linyahan ng mga procrastinator). Kapag terro nga naman talaga ang prof muntikan pa kong malate mabuti na lang hindi siya on-time kanina kasi kung hindi ay baka hindi na ko pinapasok sa klase.

Natapos na ang klase namin ngunit hindi ko napansin si Kino kaya tinanong ko si Meann.

"Bakit parang absent ata si Kino?" Tanong ko.

"Oo nga no baka sa next subject papasok yun". Sagot na lang saakin ni Meann.

Natapos na rin ang next subject pero hindi ko pa rin nakita si Kino, Bakit kaya? Tanong ko sa sarili ko.

Pupunta na lang muna ako sa Library since vacant pa namin, naglalakad na ko ng mapadaan ako sa music room at mapansin na nakabukas ang pinto, out of curiosity pumasok ako at sumilip kung may tao at meron nga... Naaaninag ko si Kino na may hawak na gitara at mahinang kumakanta kasabay ng pagtugtog nito. Napayuko na lang ako bigla ng lumingon siya sa direksyon ng pinto, nakakahiya naman na makita niya ko baka sabihin niya sinusundan ko siya, as if naman...

Nanatili ako ng ilang minuto at nakinig sa kinakanta niya...

I never clicked so fast with anyone
It's been a while since I've had this much fun
So hey, would you go out with me?
I never had to look down at my phone
As much as I have lately, I just don't
So please, would you go out with me?
'Cause I don't know how to handle these three words and they go
I like you, do you like me?...

Tahimik lang akong nakikinig ng bigla akong may nasipang bottled water na dahilan para huminto sa pagkanta si Kino, kabang kabang ako na nanatili lang sa pwesto ko, kulang na lang hindi ako huminga para hindi niya ko makita.

"May tao ba dyan?" Tanong niya. "Baka pusa lang." Pagkumbinsi niya kaya ibinalik niya na lang sa case yung guitara niya at saka umalis ng music room ng hindi ako nakikita.

"Grabe! Muntikan na ko dun ah!" Pagbuntong hininga ko bago ako tumayo at saka umalis na rin papuntang Library.

Nagbabasa ako sa Library ng bigla kong maalala ang pagkanta ni Kino kanina, "Ang ganda pala talaga ng boses niya" bulong ko sa sarili.

*
Dumaan muna ko sa cafeteria para bumili ng juice at bumalik na sa klase, nadatnan ko si Kino na nakatayo sa labas katapat ng pinto na para bang may hinihintay, kaya dire-diretso na lang sana akong papasok sa room habang iniinom ang juice ng bigla niya kong kinausap.

"Saan ka galing? Akala mo hindi ko alam no." Tanong niya sakin na ikinagulat ko naman.

Shucks nakita niya ba ko kanina sa music room? Nakakahiya naman... "Ahhh Ka-si—" sabi ko ng nauutal at napakamot na lang ng bahagya sa ulo.

Within Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon