Nagsimula na ang game unang pinapila ang mga lalaking na may mga paper bag na sa mga mukha and since ang makikita lang namin ay mga mukha nila dahil tatakpan ng tela ang mga katawan nila hanggang paa para walang mang-checheat. Sunod na pinapila ang mga babae dahil nasa kabilang room ang mga lalaki pupuntahan ng mga babae at kanya kanya nang pipili at tatapatan ang napili, pina-line up ulit ang mga babae pagkadating sa kabilang room.
"Okay girls may 30 seconds kayo para tignan at kilatising mabuti kung sino sa mga yan ang partner niyo" Pagpapaliwanag ni Jade.
Dahil katabi ko si Meann at kapartner niya si Reinan bumulong siya sakin at sabing "Paano natin malalaman? Mata lang nila ang nakikita natin."
"Hindi ko rin alam, mag-concentrate ka na lang." Sagot ko sakanya. Isa isa kong tinitigan magmula sa dulo hanggang sa kabilang dulo at nang mahagip ng mata ko sa bandang dulo ang mga mata na tila ay nakangiti na para bang nangungusap, wala nang time kaya napag-desisyunan kong 'yon na lang ang lalapitan.
"In 3...2...1... Go!" Pag-hudyat ni Jade saaming mga babae at saka nagsi-unahan na sa mga kanya kanyang napili.
Buti na lamang at walang nakipag-tulakan saakin, samantalang yung iba nag-kabunguan sa mga napili nila.
"Isa isa nating icheck ko sino ang mga panalo kung tama ang mga napili niyong mga partner, magsimula tayo sa left side ng hilera." Sabi ng President namin na si Jade.
Nasa bandang gitna na at karamihan mali ang mga napili, may ilang mga nakatama tulad na lamang ni Alyanna at ng partner niyang si Cameron, Nina Meann at Reinan, Nina John at Clarizze, at kasama kaming dalawa ni Kino sa mga nanalo.
"Muntikan na ko mag-kamali ng pili buti na lang kumindat sakin si Reinan." Kwento ni Meann saakin. "Ikaw? Paano ka nakasiguradong si Kino ang napili mo?" Tanong niya.
"Hindi ko rin alam bigla na lang instinct o kutob ko na piliin siya." Sagot ko.
"Oo nga pala, nakita mo si Alyanna at Cameron kanina? Ang sweet nila sa isa't-isa, sila na kaya?" Random na tanong niya.
"Malay natin? Baka?" Sagot ko na lamang. Wala naman din kasi akong pakielam kung sila man o hindi.
"Alam mo bang anak yan si Alyanna ng isang senator? Grabe no suitable sila ni Cameron since mayaman naman silang parehas." Chismis sakin ni Meann.
Naisip ko bigla kung bakit ako yung inaya niya sa Paskuhan Village kaysa si Alyanna. Nanahimik na lang ako at iniba ang usapan dahil wala rin naman akong balak na sabihin kay Meann ang pag-imbita sakin ni Cameron dahil isa rin tong chismosa at baka maipagkalat niya pa. Napaisip na lang ako dahil sa totoo lang wala naman sa isip ko magkaroon ng boyfriend kahit sino man kina Cameron or Kino dahil gusto ko lamang magfocus sa pag-aaral ngunit hindi ko naman sinabi na I do not consider dating, but if it happens why not at least it's never wrong to take risks sometimes and try right? After all it is part of being a teenager. Tsaka love will just come around at the most unexpected timing pa nga.
*
Biyernes na ngayong araw ang napag-usapan namin ni Cameron na pumuntang Paskuhan Village, nag-insist siya nung isang gabi na susunduin niya na lang ako saamin kaya sinabihan ko na lang siya na sa labas na lamang ng village namin siya maghintay at baka makita pa siya ng Nanay ko sigurado na hindi ako papayagan at magtaka siya kung bakit si Cameron ang kasama ko at hindi si Anna.
Maaga akong gumising at saka kaagad kong inayos ang susuotin ko sa date or should I say friendly date namin ni Cameron. Nag-bloblower na ko ng buhok at naglagay kaunti ng blush on sa pisngi at lipstick sa bibig. I wore a floral maxi dress and paired it with sandals and a sling bag since panigurado ay maglalakad lakad kami sa Paskuhan Village.
BINABASA MO ANG
Within Our Hearts
RomanceIf only we stayed as strangers, then maybe we will not deal with this kind of pain...