After our performance, sakto natapos na rin ang subject na yun. Grabe nahiya ako sa boses nina Juakin at Cameron mas maganda pa sa boses kong tunog ewan!
*next subject*
Next subject na namin and guess what kung ano ito? Walang iba kung hindi ang P.E101! Kailangan daw namin mag-palit ng P.E Uniform namin at mag-tipon tipon sa quadrangle dahil tatakbo daw kami sa field sabi ng prof namin.
"Hay nako pag-kainit init patatakbuhin tayo ni sir sa arawan!" Sabi ni Mary Ann.
"Oo nga! Ilang lapse pa man din ang kailangan, hindi natin pwede dayain kasi nag-momonitor siya". Sabi ko.
Nagsimula na kaming mag-sitakbuhan at habang kaming mga kababaihan na sakto lang ang bilis ng pagtakbo ay kabaliktaran naman ng bilis ng pagtakbo ng mga kalakakihan.
"Grabe! Ang bibilis ng mga lalaki, Althea tignan mo si Juakin at Cameron oh nagpapasikat ata sila sayo!" Sabi ni Mary Ann.
"Tsss... loka! Walang ganon!" Me not minding anything and just keeps on running.
Nakailang lapse na rin kami at nung pang-last lapse na, lumapit si Cameron sakin at nakangiting sabi "Go Althea!".
Ako naman dedma lang sa mga pinag-sasabi nila or kantyaw nila. Hinayaan ko na lamang.
After P.E class namin ay dismissal na, at kasabay non ay ang pag-aya sakin nila Mary Ann at ng ibang ka-blockmates na mag-hangout sa isang KTV dito sa siyudad.
"Tara Althea sama ka!" Sabi ni Reinan.
"Ha!? Saan naman?" Tanong ko.
"Sa Legacy KTV! Bagong bukas daw, lahat ng ka-blockmates natin ay sasama". Sabi ni Mary Ann.
"Ah ganon ba, kaso may part time pa ko after class, Next time na lang!" Tugon ko sa pag-anyaya nila.
Tulad nga ng sabi ko hindi kami mayaman para hindi ako rumaket at kumita para sa araw-araw na panggastos lalo na kung possible lang ay ayoko talagang manghingi kay mama ng allowance ko sa school hanggat maari dahil alam ko kung paano na siya hirap na hirap kakatrabaho para samin ng kapatid ko, kaya kahit man lang sa maliit na paraan ay nakakabawas ako sa gastusin at nakakatulong na rin. Wala na kaming communication kay papa simula nung maghiwalay sila ni mama, nagpapadala siya buwan buwan ng suporta ngunit hindi naman sapat pero kahit papaano ay hindi niya kami kinalimutan na mga anak niya.
Dumiretso na ko umuwi.
"Anak mag-grogrocery lang kami ng kuya mo, ikaw na muna bahala sa shop natin". Sabi ni Mama.
"Okay po ma, may duty po ako ng 6:00-10:00pm sa GS25 Convenience Store ma ah". Sagot ko.
"Ah ganon ba, sige mga isang oras lang kami ng kuya mo mawawala, Babalik rin kami". Sabi ni Mama
"Okay po, Ingat kayo ma!" Pag-bilin ko.
"Ikaw mag-ingat pangit mo!" Pang-aasar ng Kuya ko.
"Ewan ko sayo! Ulol! Mas pangit ka kaya!!" Pagsigaw at Pag-irap ko sakanya.
Mga kapatid talaga madalas mag-asaran at mag-away pero kapag ibang usapan na aba iba din kung makapag-tanggol o hindi kaya ay willing mag-sakripisyo para lang sayo. Tulad na lamang ng Kuya ko hindi na siya nakapag-tapos ng pag-aaral niya dahil nag-give way siya para sakin upang ako muna ang makapagtapos.
*
"Bakit wala si Althea? Nasaan siya?" Tanong ni Juakin kay Reinan."Kailangan niya daw umuwi agad e". Sagot ni Reinan.
"Hindi sumama si Althea?" Tanong ni Cameron kay Mary Ann.
"Ah hindi e, kailangan niya daw umuwi agad, next time na lang daw". Sagot ni Mary Ann
BINABASA MO ANG
Within Our Hearts
Storie d'amoreIf only we stayed as strangers, then maybe we will not deal with this kind of pain...