Maaga-aga pa naman kaya naisipan naming mag-brunch muna sa mga stalls ng Paskuhan Village bago namin ito simulang libutin, mas maganda ito mamaya dahil liliwanag ang mga christmas lights and other decors.
*
Pumunta na kami ng lover's lane kung saan may mga benches designated para sa mga tao na manunuod ng sunset.
"Do you know the meaning of sunset?" Tanong ni Cameron saakin.
"Yeah, it means a new beginning." Sagot ko ng hindi siya nililingon at patuloy na nakatingin sa pababang araw.
"What do you prefer sunrise or sunset?" Tanong ulit niya.
"Hmmm... I think it's sunset? Kasi nga sunsets are literal end to a day, which promises a renewal of hope for tomorrow such as new beginning. At the end of the day, there's always hope for a better day." Seryoso kong tanong sa sagot niya.
"That's nice, tsaka every sunset comes with a light that brightens up every darkest night of your life, which is the stars. I really admire the sky so much especially at night." Dagdag niya sa sinabi ko.
"Someday we all will be one with the stars." Sabi ko ulit while admiring the view.
Nanatili lang kaming ganon hanggang sa tuluyan ng dumilim at sabay sabay na nagsi-ilawan na ang mga parol, christmas light, lanterns at iba pang palamuti sa village.
Naglalakad lakad kami at ina-admire ang themed park, may nakita kaming bibingka kaya bumili kami at kinain yun habang naglalakad lakad pa kami. Madaming tao sa nadaanan namin na isang malaking christmas tree may mga ornaments na transparent christmas balls na sa loob non ay may mga papel na isinulat ng mga taong humiling. Sabi daw kasi nila na kapag humiling ka ay magkakatotoo ito.
Hindi naman masamang maniwala kaya naisipan kong subukan... "Tara subukan rin natin." Aya ko kay Cameron. "Wala namang mawawala kaya try lang natin." Dagdag ko pa.
"Okay sure." Pagpayag niya.
Lumapit kami sa bibilhan ng christmas ball para mailagay don ang isusulat namin sa papel, tig-isa kami ng binili ni Cameron. Nagsulat kami ng magkalayo para hindi namin mabasa or makita ang hihilingin ng isa't-isa. Sinulat ko na lamang ay "Genuine Happiness" iyon lang ang gusto kong matupad sa tamang panahon. Hindi ko na rin inalam ang isinulat ni Cameron sabay na namin itong tinupi at nilagay sa loob ng christmas ball at pinasabit sa taong naka-assign na mag-sabit nito sa malaking christmas tree.
Naglibot-libot pa kami sa ibang parte ng village at ng mga 8pm na napagdesisyunan naming bumiyahe na since ilang oras pa ang biyahe pabalik sa siyudad, may nadaanan kaming isang restaurant kaya nag-stop over muna kami at tsaka kumain ng dinner, after namin magdinner ay hiningi na ni Cameron ang bill kaya maglalabas na sana ako ng share ko ng bigla siyang nagsabi na...
"No need it's on me, I invited you kaya I should treat you." Sabi niya habang inilalabas ang kanyang wallet.
"Hindi na 50/50 tayo sa bill." Sagot ko at saka inabot sakanya ang five hundred pesos.
"No really it's okay." Pagtanggi niya sa inaabot ko kaya binalik ko na lamang sa wallet ko ang pera at sabay sabing...
"Next time it's on me, Thank you." Pasasalamat ko at saka ngumiti.
Bumiyahe na kami ulit, at pinipigilan kong hindi makaidlip para naman may kausap siya at tsaka para hindi rude tignan since siya nagdadrive samantalang ako nakaupo lang I should make him feel like he have some company naman 'di tulad nung papunta kami naka-idlip ako.
Nakadating na kami sa labas ng village namin, duon na lang ulit ako nagpahatid. Bababa na sana ako ng nauna siyang bumaba at saka umikot ng kotse at saka ako pinagbuksan ulit ng pinto.
"Thank you." Pasasalamat ko ulit ng makababa ng sasakyan.
"Ako dapat ang nag-tethank you, so thank you sa pagpayag sa request ko or should I say sa date natin?" Pilyo niyang sabi sabay ngiti.
"Ako nga dapat e, I really enjoyed it thank you so much." Sabi ko.
"That's good to hear, me too." Sagot niya sakin.
Sumakay na siya ulit at saka binaba ang bintana ng kotse at kumakaway na kaya pahabol kong sabi na "Ingat ka sa daan, thank you ulit!" Sabay kaway na rin pabalik at ngiti.
*
Nakauwi na ko bandang mga 9pm kaya pagdating ko sa bahay ay hindi naman ako pinagalitan ni Mama tinanong pa nga ako.
"Oh kumusta ang biyahe?" Tanong ni Mama sakin habang nagtutupi ng mga sinampay sa salas.
"Okay naman po ma ito nga po pala special bibingka." Sabay abot ko ng paper bag na may laman na bibingka na binili ko kanina para pasalubong kay Mama. "Initin niyo lang po muna bago kainin masarap po yan." Bilin ko sakanya.
"Ganon ba sige salamat nak." Masaya niyang sabi at saka tinanggap ang pasalubong na dala ko at inilagay iyon sa mesa. "Kumain ka na ba ng hapunan?" Tanong niya sakin.
"Akyat na po ako ma, kumain naman na din po akong dinner." Tumango na lamang si Mama sa sagot ko kaya nagsimula na akong umakyat ng hadgan papunta sa kwarto para makapagpalit na at makapagpahinga dahil antok na antok ako sa biyahe.
Nakahiga na ko ng maisipang i-message ulit si Cameron at pasalamatan.
To: Cameron
Salamat ulit! *smiley emoji*From: Cameron
No problem, my pleasure. *smiley emoji* Goodnight and sweetdreams!To: Cameron
Likewise! ^>^Ibinaba ko na ang cellphone ko sa drawer ko na katabi ng kama, at saka pinatay na ang ilaw sa kwarto at iniwang nakabukas na lamang ay ang aking lampshade na moon shape.
*
Nagdaan ang ilang mga araw since sembreak na ay ginamit ko ang mga panahon na mayroon ako para magpahinga, matulog, kumain, manuod, magbasa at kung ano-ano pa. Palagi pa ring nangangamusta si Cameron sa message or chat at ang iba ko pang mga kaibigan tulad nila Kino, Meann at Anna.
Kinabukasan ay bisperas na ng Pasko kaya naisipan namin nila Mama at Kuya na magsimba, at nang makauwi ay tumulong naman ako sa pagluto ng handa para mamaya. Nandito rin kasi ang iba naming kamag-anak taon-taon kapag pasko ay gusto ni Mama na sama-sama kaming pamilya na mag-celebrate.
3 minutes na lang bago magpasko kaya isa isa ko nang binati ang mga kaibigan ko sa message or chat.
To: Cameron; Kino; Meann; Anna
Merry Christmas! Hope you have a good one!! *smiley emoji*From: Meann
Merry Christmas Thea! *grinning emoji*From: Kino
Merry Christmas Thea, hope you have a good one as well. See you around! *smiling emoji*From: Cameron
Can I call?To: Cameron
Uhm, sige.*Cameron calling*
"Hi, bakit ka napatawag?" Pagsagot ko sa linya.
"Nothing, I just wanna greet you a Merry Christmas and I wanna hear your voice na rin." Sagot niya sa kabilang linya.
Caught off guard ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad nakasagot at nanatiling tahimik.
"Hello? You there?" Tanong niya.
"Ah yeah hehe, Merry Christmas! Byeee!" Sagot ko at saka inend call na lang ang tawag niya.
_____
A/N: cut natin dito... MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEARS GUYS!!!
May you all find genuine happiness in this world, Godbless us all! <3Hope you have a good one!
xoxo
BINABASA MO ANG
Within Our Hearts
RomanceIf only we stayed as strangers, then maybe we will not deal with this kind of pain...