CHAPTER 9

4 0 0
                                    

Maaga natapos ang last class namin wala pa naman masyadong pinapagawa since kababalik pa lang namin, more on orientation pa lang. Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami ni Meann sa Centre Mall para mamili ng regalo kay Kino.

"Hindi ko alam ireregalo ko, sa tingin mo ba?" Tanong ko kay Meann habang nakatayo kami at Nag-aabang kami ng jeep sa labas ng school.

"Yung pwede niyang masuot na makikita mo ring suot niya araw-araw". Suggest sakin ni Meann ng may parating na na jeep kaya sumakay na muna kami saka pumasok sa isip ko na alam ko na ang ireregalo ko sakanya.

"Oo nga no, alam ko na!" Masiglang sabi ko sakanya pag-kaupo namin saaa loob ng jeep. "Yung rastaclat ng bracelet na lang, since maganda suotin yun pwedeng ibagay sa kahit anong suot lalo na kung kulay blue, o kaya dark color para hindi madumihin". Dagdag ko pa.

"Pwede pwede, simple lang pero may dating kasi it's the thought that counts naman". Sabi rin niya sabay abot ng bayad sa katabi niya.

Nakarating na kami sa Centre Mall at naglalakad na para puntahan ang booth or outlet ng rastaclat nang biglang may tumawag kay Meann kaya napahinto rin ako sa sinasabi ko sakanya tungkol sa desisyon ko na mag-apply bilang tutor sa school since may perks rin ito tulad na lamang na sagot ng school ang miscellaneous fees ko kapag nag-tutor ako ng mga estudyante o kahit isa lamang in my free time.

"Hello, andito pa kami sa Centre Mall" sabi ni Meann sa kabilang linya ng telepono niya. "Oo pupunta nga kami, maaga pa naman kaya may dinaanan pa kami". dagdag niya pa.

"Okay sige kitakits!". Last na banggit niya sa kabilang linya bago niya ibinaba ang tawag.

"Nagtatanong si Reinan kung pupunta ba daw tayo, nakalimutan ko kasi siyang replayan kanina na sasama tayo sa celebrationg ng birthday ni Kino". Kwento niya saakin habang nasa escalator kami papuntang second floor ng Centre Mall.

"Sinu-sino nga pala ang mga inimbitahan ni Kino?" Tanong ko out of curiousity.

"Tayo tayo lang ng mga kablock niya nung first semester, balita ko nga close friends and classmates niya lang". Sagot saakin ni Meann.

"Ah ganon ba, mabuti din yun para hindi nakakahiya makisalamuha sa iba na hindi naman natin kaclose baka mamaya ma-out of place lang tayo dun". Sabi ko sakanya ng makarating na kami sa outlet at pumasok duon.

"Hindi yan kasama mo naman ako e! Don't worry gorl!" Kindat niya saakin sabay mahinang tapik sa balikat ko.

Mga 30minutes din ata kaming namimili ni Meann kung anong kulay ba ang bibilhin ko, bandang huli napili na lang namin yung dark grey. Hindi naman kamahalan itong bracelet tsaka may extra pa naman ako sa ipon ko from my part-time job. Nagbayad na kami sa counter, nacute-tan ako nung pinapack na nung cashier sa box na included sa bracelet at nilagay niya na rin sa paperbag.

"Sakto hindi mo na kailangan balutin since maganda naman na ang balot". Sabi ni Meann na naglalakad sa store at tumitingin tingin rin ng mga bracelets.

Pagkatapos namin duon ay dumaan muna kami sa foodcourt para mag-meryenda since papalubog na rin naman anag araw mag-alas na ng hapon. Kumain lang kami ng shawarma at bumili ng milk tea. Naglibot-libot lang kami sandali sa Mall at tumungo na sa party kung saan gaganapin ang birthday ni Kino. Since asa siyudad naman na kami ay malapit-lapit na lang rin ang Noctu Club dito sa Centre Mall isang sakay lang ng jeep.

Dumating na kami sa Noctu Club at nakita namin na may mga nagsi-sidatingan na rin ng mga bisita ni Kino na mga familiar faces din naman saamin ni Meann. Papasok na kami sa pinto mukhang exclusive party lang ito dahil walang ibang tao na nandirito. Lumakas lalo ang tugtog na nanggagaling sa looban ng club, Nahagip agad ng mga mata ko kung nasaan sila Kino which is anduon banda sa gilid malapit sa bar booth kasama sila Reinan at iba pang mga kablockmates namin.

Within Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon