PROLOGUE

26 5 0
                                    

VANESSA'S POV

Napakapit ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ang unti-unting pag-angat ng eroplano. napapikit ako sandali pero kalaunan ay kumalma din ako

Ngayon na lang ulit ako nakasakay sa eroplano. at sa mga dating biyahe ko ay lagi akong natatakot, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng pagkakalma

"mommy..." napatingin naman ako sa kanan ko dahil dun at nakita ang apat na taon kong anak

"yes po?" tanong ko at hinawakan naman nito ang kamay ko

"don't be scared na po, nandito lang ako" sabi niya bago ngumiti at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti at mapatitig sa kaniya

kamukhang-kamukha niya ang daddy niya

Ang purong kulay kayumanggi na mata ng anak ko na namana niya sa ama niya, ang matangos nitong ilong ay nakuha din niya sa kaniyang ama at ang mga labi nito

he is like a replica of his father.

his father is a good-looking man. he has an alluring brown eyes, kissable lips, and a beautiful body structure almost similar to a greek god

Nang tuluyan ng lumipad ang eroplano ay kalmado akong nakatingin sa anak ko

"mommy look it's flying" sabi niya at ngumiti naman ako

"and you're not scared" dagdag niya at bakas sa mukha nito ang saya

napa-ayos naman ako ng upo dahil sa sinasabi niya

I am not scared?

takot akong sumakay sa mga eroplano dahil sa madilim na nakaraan pero kahit na ganun meron akong dalawang piloto na pinagkakatiwalaan....at parehas din silang kinuha at nilayo sa'kin

"excuse me" napatingin naman ako dun at nakita ang isang flight attendant na kasama namin sa flight na to

"yes?" tanong ko

"pinabibigay po ni capt." sabi niya at inabot sa'kin ang isang unan

"para daw po sa likod niyo" dagdag nito at napatitig naman ako sa kaniya pero agad ko ding nilagay ang unan sa kanina ko pang sumasakit na likod

"sabi din ni capt. kung gusto mo siyang samahan magpalipad?" tanong nito sa anak ko

"can I?" tanong nito sa'kin and excitement is written all over his face

"sure" sagot ko

"could you please tell the captain of this flight, to be careful. anak ko na lang kasi ang pinahahalagahan ko" sabi ko at tumango naman ang flight attendant bago inalalayan ang anak ko papunta kung saan man

Kahit wala na ang anak ko sa tabi ko ngayon ay nanatili pa din akong kalmado, usually pag iniiwan ko inaatake ako ng anxiety

tumunog naman ang telepono ko habang nag-iisip ako at agad ko itong sinagot ng makitang tumatawag ang isa sa mga kaibigan ko

"hello, good morning" sabi ko sa kabilang linya

"hello"  bati niya na animo'y nanghihina

"okay ka lang ba? nasaan ka?" tanong ko

"Oo, nasa spain pa ako" sagot niya

"kelan mo ba balak umuwi?" tanong ko

"umuwi naman na ako ah, nung binyag ni enzo" sagot niya

"Oo nga umuwi ka nga nun, pero ilang taon na ang nakalipas. kailan mo ba balak mag-stay dito?" tanong ko

"gusto mo akong mag-stay sa eroplano?" tanong nito at natawa

Memories in SiamWhere stories live. Discover now