Chapter  12: Back

VANESSA'S POV

"Hija...relax ka lang" sabi ni tita share sa'kin at ako naman ay kanina pa sinusubukan ang mag relax pero hindi ko magawa dahil sa muli ko na namang naranasan ang ganito

Ang maghintay sa labas ng emergency room habang ang importanteng tao sa buhay ko ay inooperhan at hindi mo alam kung may pagkakataon ka pa ba na makasama siya

"si abi ang nag-oopera sa kaniya kaya hindi mo kailangan mag-alala" sabi ni anisha at napatingin naman ako kay jai na kanina pa tahimik

Napatingin naman ako sa pintuan ng bumukas at lumabas ang isang doktor

"ms. romero would want to speak to mr. santiago" sabi nito at agad namang pumasok sa loob ng emergency room si tito cain

Makalipas ang ilang oras ay nagulat naman kami ng magsilabasan at pasukan ang mga nurse sa loob ng operating room at maya-maya pa ay lumabas na si abi kaya napatayo kami

"abi..." ani ko at hinawakan ang kamay niya

"Van..." ani niya at napatingin naman ako sa dugo sa leeg at pisngi niya

"I'm sorry..." ani nito at naiyak naman ako sa narinig ko

"ahhhhh!" sigaw ko at hindi ko na napigilan na sampalin si abi

"Van!" Sigaw ni anisha bago nilayo si abi sa'kin

"mamatay tao ka!" sigaw ng ina ni kenzo kay abi at kinailangan siyang pigilan ni jairah sa pagsugod kay abi "kasabwat ka nila nuh?!" sigaw nito kay abi at napaupo na sa sahig

"naging doktor ka lang ba para pumatay ng tao!" sigaw ko sa kaniya at nilayo naman ako sa kaniya ni jai

"wala kang kuwentang tao! mamamatay tao ka!" sigaw ko bago siya tinulak na naging dahilan ng pagkakahiga niya sa sahig

"Van..." ani ni jai at hinawakan ang kamay ko

"yung likod mo..." rinig kong sabi ni anisha kay abi bago ito tinulungan tumayo at nakita ang pagtanggal ni abi sa doctor's coat niya at nakita ko rin ang pagdugo nun at nang suot niyang damit

"abi..." lalapitan ko na sana siya para mag-sorry at alamin kung napaano iyon pero pinigilan na ako ni jai

"halika na" sabi nito "magpakalma ka na muna" dagdag niya

"mrs. santiago....meron na po kaming lead kung sinong pakana sa papamaril sa anak niyo" sabi ng pulis at hinarap naman niya sa'min iyon

"Walang hiya ka!" sigaw ni tita share at nakita ko naman ang ginawang pagsampal ni tita share kay irma

"Wag mong sasabihin na wala akong karapatan na gawin yun, anak ko ang napahamak ng dahil sayo!" sigaw nito

"Irma..." ani ko at nilapitan siya habang naluluha tumabi naman si tita share at ako naman ay lumuhod

"please...lalayuan ko na siya, ibalik mo lang siya...kahit hindi sa'kin, para lang sa anak at magulang niya, please" sabi ko kahit na alam kong wala naman ng magagawa ang pagmamakaawa ko

"Vanessa!" sigaw ni jai at napahawak naman ako sa puson ko ng makaramdam ng kirot

"vanessa, hija" sabi ni tita share at tinulungan akong tumayo at dun ko nakita ng tuluyan ang pagtulo ng dugo sa pagitan ng hita ko

"Share..." ani ni Irma

"Lumayo ka na sa'min, pinatay mo na ang anak ko kaya wag mo nang idamay ang apo ko" sabi nito bago ako sinakay sa wheelchair at diniretso sa isang kuwarto para ma-examine kaming dalawa ni baby

Memories in SiamWhere stories live. Discover now