I

11 0 0
                                    

Chapter 6: Unknown feeling

VANESSA'S POV

"Thank you ulit para sa araw na to" sabi ko kay kenzo ng alalayan niya ako palabas ng kotse niya nang marating na namin ang bahay nina abi

"you're welcome" sagot niya at parehas naman kaming napatingin sa may likuran ng kotse niya dahil sa huminto na kulay itim na kotse

May lumabas naman na matangkad na lalaki at pinagbuksan ng pinto si abi

"thanks..." sabi ni abi ng alalayan siya nitong lumabas ng sasakyan

"no prob" sabi nito at nanlaki naman ako ng marinig ang malalim nitong boses

Matangkad ang lalaki, mapanga...

tsk tsk tsk abi talaga kahit kailan ang hilig sa mapanga

moreno din ito, malaki at masasabi na dad bod ang katawan nito pero mukha namang nasa edad lang siya ni abi

"ikaw na bahala bukas ah" sabi ni abi at tumango naman yung lalaki

siya ba si cayo?

"ingat ka" sabi ng lalaki kay abi bago halikan ang likod ng palad nito

ayan yung friend lang?!

"ingat" sabi ni abi nang makasakay na yung lalaki sa loob ng sasakyan at nagmaneho palayo

tumingin naman si abi sa'ming dalawa

"kayo? hindi ba kayo mag-papaalam sa isa't-isa?" tanong nito at parang bumalik naman ako sa tamang huwesiyo dahil dun

nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang walang kaemo-emosyong mukha ni kenzo na nakatingin sa'kin

"nagseselos ka ba?" bulong ko

"kung nagseselos ka...." lumapit naman ako sa kaniya at medyo nilapit ang bibig ko sa may tenga niya

"mukhang hindi naman siya papatulan ni abi" sabi ko bago lumayo

"hindi siya papatulan ni abi siguro mga five percent, ideal niya yun eh" dagdag ko at medyo natawa

infairness ang bango ni kenzo ah

"ano pabango mo?" hindi ko na naiwasan itanong

"Dior Eau Sauvage" sagot nito at napatango-tango naman ako

"Okay okay okay" paulit-ulit na sabi ko

"papasok ka ba? sasaraduhan kita" sabi ni abi kaya naman na-alarma ang katawan ko pero hinawakan naman ni kenzo ang pulsuhan ko

"it's fine, she can sleep in my condo kung ganun" sabi ni kenzo at agad ko namang binawi ang kamay ko sa kaniya at bahagyang lumayo

"hoy! ayoko pang isuko ang bataan!" sigaw ko sa kaniya at binatukan naman ako ni abi

"hoy! anong isusuko ang bataan?! siraulo ka ba? sleep lang ang sabi niya" sabi ni Abi at nakita ko naman pag ngiti ni Kenzo

"ay! sleep lang ba? sige okay gets" sabi ko at napailing naman si abi

"bye bye na nga" sabi ko at hinila na si abi papasok ng bahay dahil sa nakakuyom na ang kamao niya na animo'y handa ng sapakin si kenzo

"bye kenzo!" sigaw ko at kinawayan siya bago isara ang gate ng bahay nina abi

"bye" sabi niya at kinawayan ako bago pumasok sa loob ng kotse niya at nagmaneho na paalis

"ano?" tanong ko kay abi na masama ang tingin sa'kin

"sleep lang kasi, walang sukuuan ng bataan" sabi niya at tumawa na lang kaming dalawa dahil dun

Kinabukasan ay sabay na kaming nag-almusal bago nag bonding

Memories in SiamWhere stories live. Discover now