VANESSA'S POV
Makalipas ang ilang buwan ay nairaos na din namin ni kenzo ang kasal sa thailand at ngayon araw na to ang kasal namin sa pilipinas
"Vanvan!" napalingon naman ako dahil dun at nakita yung dalawa na nakabihis na
"bagay sa inyo" sabi ko ng makita ang mga suot nila
muli naman akong humarap sa may salamin para matapos na ang paglagay ng make up sa'kin
"bat parang malungkot ka?" tanong ni jai habang inaayos ang veil ko
"wala si abi..." sagot ko at nahinto naman siya sa ginagawa niya
"busy lang yun" sabi ni jai
"hindi naman ganiyan si abi ah, tuwing may okasyon nag-de-dayoff yun" sabi ko
"baka hindi talaga siya puwedeng mag-dayoff" sabi ni jai
"alam mo ba kung nasaan si abi?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya
"Hindi" simpleng sagot niya bago lumabas sa kuwarto kung nasaan ako
Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na ang kasal...masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na rin ako sa lalaking mahal ko pero sa kabilang banda ay malungkot dahil hindi pa rin nagpaparamdam si abi
Diyos ko...pangalawang beses ko na tong hihilingin sa inyo na sana gabayan niyo si abi at ilayo siya sa kapahamakan...at sana ay nandito siya sa kasal ko
Nang makarating na ako sa harap ng altar ay nagsimula na ang seremonya at nang matapos ay dumiretso na kami sa reception at habang nagaayos ang asawa ko ay panay naman ang tingin ko sa labas ng bintana
Nagbabakasakali na late lang si abi
"Hey...let's go" sabi ni kenzo at ngumiti naman ako bago tumango
Nang makababa na kami sa reception ay panay ang tawa at ngiti namin sa mga mensahe ng mga bisita namin
bigla naman pumunta sa may stage is Marco kaibigan ni Kenzo na isang abogado
"this special message is from a special woman na isa sa mga pinahahalagahan mo vanessa" panimula niya
"Dear Vanessa, finally kinasal ka na rin kay kenzo gusto kong humingi ng tawad dahil sa wala ako diyan pero believe me nandito lang ako at napanood ko lahat ng nangyari sa kasal mo mula sa thailand at dito sa pilipinas...hindi ko na sasabihin na maging mabuti kang asawa at ina cause you're already are, I love you take care bal.."
bal?
hindi ko naman maiwasan ang maiyak dahil sa nickaname na yun dahil iisang babae lang tumatawag sa'kin nun
"Love, Pacifica Abigail Romero" pagtapos ni marco at pinalakpakan naman siya ng tao dun
Nang matapos ang event ay hinabol ko si marco na pasakay sa helicopter niya
"marco, alam mo kung nasaan si abi?" tanong ko halos maluha-luha
"don't worry about her, she's in a safe place...with me" sagot nito bago sumakay sa helicopter niya at umalis na
"Ace..." pagbasa ko sa pangalan na nakalagay sa gilid ng helicopter ni marco
Makalipas ang isang taon sa buhay namin ay naging maayos at maganda naman puwera na lang sa pagiging mia ni abi
"Hi buntis!" napatingin naman ako dahil dun at nakita si anisha at jairah
"di mo ba kami na miss?" tanong nito
"slight..." sagot ko at napahawak sa tiyan ko na anim na buwan na
"wala ba kayong balita kay abi?" tanong ko at nagkatitigan naman silang dalawa
YOU ARE READING
Memories in Siam
RomanceBest friend series #1 "It's funny how those memories lingers, and how I keep chasing them just to have glimpse of the past I once had with you" PUBLISHED DATE: 2-24-21 END DATE: 3-31-21