Chapter 1: First Encounter
VANESSA'S POV
Habang naka-upo sa bench sa may parking space ay tamang tingin lang ako sa mga estudyante na dumadaan dito at tinitignan kung nandito na ba ang mga kaibigan ko
Ngayong araw na to ang anniversary ng school at kung saan lahat ng campuses na pag mamay-ari din ng school ay puwedeng pumasok dito sa main.
"Vanessaaaaaaa" sigaw ng isang matinis na boses at tumayo naman ako
ako si Vanessa Caitali Echavez, anak ako ng isang Piloto at veterinarian. tahimik lang ako pero madaldal pag mga kaibigan ang kausap ko. pag dating sa acads...bahala na as long as pasado ang grades ko, okay na ako.
"gaga! ang ingay-ingay mo" suway ko at ngumuso naman siya
"ano ba yan! inagaw na nga sa'kin ni abi si sweetheart ko tapos ganiyan ka pa sa'kin" sabi nito at naghalukipkip
"ang sasama ng mga ugali niyo ah" dagdag niya at kinawayan ko naman si abi at jairah nang makita ko sila senyales na rin yun kung nasaan kami ni anisha
Anisha Amara Marcelo, isa sa mga matatalik kong kaibigan. maingay ito at walang ka-filter-filter ang bunganga at pag dating naman sa academics...puwede na masipag naman siya. anak din siya ng isang magaling na abogado ewan na lang namin kung susunod din siya sa path na tinungo ng daddy niya
"nandito na yung mang-aagaw" sabi ni anisha nang makalapit na si abi at jairah
Pacifica Abigail Romero, anak ng isang military doctor at architect. mabait ito pero may pagka-maldita. may filter naman ang bunganga ng isang to palamura nga lang at may pagka mahalay pero pag dating naman sa acads maasahan mo ang isang to. nasa with honors pero gala.
Jairah Naomi Trinidad, anak ng isang lieutenant general at ceo ng isang malaking kompanya si jairah. tahimik lang ito pero katulad ni abi ay mag pagka-maldita, magaling din itong makipaglaban at pag dating sa acads ay maaasahan din ang isang to
"huh?" tanong ni abi at bakas na wala itong alam sa nangyayari
"kaya lang naman kami sabay kasi sa bahay siya natulog" sabi ni jairah at napatingin naman kami kay anisha ng umakto itong parang gulat na gulat
"kayong dalawa lang?" tanong nito at tumango naman si abi bilang sagot
"kung makaganiyan ka naman parang hindi ka pa nakakatulog sa bahay nila, tabi pa nga kayo" sabi ko
"pero hindi yung kaming dalawa lang, mga pa-epal kasi kayo" sabi nito at dinuro pa kaming dalawa ni abi
"may binabalak ka ba sa'kin?" tanong ni jairah
"Balak pakasalan, Oo yieeeeee!" sigaw nito at kami naman ni abi ang nakaramdam ng hiya ng pagtinginan kami ng mga estudyante dahil sa pagsigaw ni anisha
"uy! pogi" sabi ni anisha at natawa naman ako ng sabay pang lumingon si abi at jairah
"wala naman eh" reklamo ni abi
"naniwala ka naman, mangaagaw" sabi ni anisha kay abi bago ito irapan at binatukan naman agad ni jairah si anisha
"aray!" sigaw ni anisha
"kumain na nga muna tayo" sabi ni jairah at tumango naman kami bago siya sinundan
Si abi na ang kasama ko ngayon habang ang mag sweetheart ay patuloy pa rin sa pagbabangayan
"hindi ba natin sila aawatin?" tanong ko kay abi at tinignan naman ako nito bago umiling
"wag na" sagot niya at pumasok naman na kami sa loob ng cafeteria
YOU ARE READING
Memories in Siam
RomanceBest friend series #1 "It's funny how those memories lingers, and how I keep chasing them just to have glimpse of the past I once had with you" PUBLISHED DATE: 2-24-21 END DATE: 3-31-21