Chapter 3: Kenzo

VANESSA'S POV

"bilis! bilis!" sunod-sunod na sabi ni abi habang tumatakbo kami papunta sa banyo

"K̄hxthos̄ʹ kh̀a!" sigaw ni abi sa mga tao sa loob ng comfort room

(K̄hxthos̄ʹ kh̀a means excuse me please in Thai)

"diyan-shit!" sabi ni abi nang maipasok niya ako sa isa sa mga cubicle at tuluyan na nga akong nakasuka sa inidoro

"suka ka lang diyan, papalapit lang ako damit" sabi niya

"Sige-" sabi ko at muling sumuka

Sa tatlong oras na biyahe mula sa pilipinas papunta dito sa thailand ay nailabas ko na rin ang kanina pang gustong ilabas ng sikmura ko

"magpalit ka na ng damit mo!" rinig kong sigaw ni abi

"fuck!" singhal ko at muling sumuka

Makalipas ang ilang minuto ay nakapagpalit na ako ng damit at hinihintay na lang namin ang mga bagahe namin. masaya at nakangiti naman ako habang hawak-hawak ang kamay ni Abi

ngayon ko na lang ulit siya nakasama mostly kasi si jairah ang lagi niyang nakakasama kahit na busy siya ay naghahanap ito ng eroplano papuntang pilipinas para lang puntahan si Jai at mas naging madalas pa ito simula nang mamatay ang mommy ni jairah

"hotel na muna tayo, then hospital" sabi niya at tinignan naman niya ako

"huh? bakit tayo pupuntang hospital?" tanong ko

"ayokong bumiyahe dito sa thailand, knowing na hindi ka ganon ka okay dahi sa pagsusuka mo" sagot nito at napansin ko naman ang mapupungay nitong mata

"umiyak ka ba?" tanong ko at kumunot naman ang noo niya

"huh? hindi bakit?" sagot at tanong niya

"mapungay ang mata mo eh" sabi ko at nilapit ang mukha ko sa mukha niya

"sino ba yung tumawag sayo para umiyak ka?" tanong ko

may kausap kasi siya kanina habang nasa banyo kami

"hindi ako ganun kalakas pero sasapakin ko siya dahil pinaiyak ka niya" sabi ko at hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nagtagpo naman ang mga kulay lila niyang mata at ang kulay asul kong mata

"if I tell you kung sino yun...hindi mo kakayanin gawin yang sinabi mo" sabi niya bago ngumisi pero hindi ako masyadong nakinig dahil mas nakatutok ako sa kulay lila niyang mata na nasisinagan ng araw

"ang ganda talaga ng mata mo" sabi ko at bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko

"I see...same old-same old" sabi niya

Sinikap kong hindi magbago dahil gusto ko na yung dating ako pa rin ang makasama nila pag-uwi nila pero as I look at her mapapansin mo talaga ang pagbabago hindi lang sa mukha niya kundi ang buong appearance niya ay nagbago hindi ko tuloy maiwasan isipin kung si anisha at jairah ay ganito din ba kalaki ang binago nila

"tara na" sabi niya ng makuha na ang mga bagahe namin

Nang makalabas kami sa airport ay napangiti naman ako ng malanghap ko ang hangin sa thailand

parang ang ganda ng panahon dito ngayon....tama! magandang panahon para mangidnap ng thai Actor.

baby chimon ko wait for me!

"Hoy!" mahinang sigaw ni abi sa'kin

"tara mangidnap" biglaang sabi ko

"huh?" tanong niya at bakas naman sa mukha nito ang gulat

Memories in SiamWhere stories live. Discover now