Chapter 2: Trip to Thailand
VANESSA'S POV
Nang mag-uwian na ay agad kaming sumakay sa kotse nina abi papunta sa bahay nila, balak kasi naming mag-sleep over dun. bonding na din matapos ang isang nakakapagod na araw na to at para na rin mag review para sa upcoming na second semestrial test.
"na tatae na ako" sabi ni abi habang di mapakali sa kinauupuan
"yan inom ka pa kape ah" sabi ni jairah at sinamaan naman siya ng tingin ni abi
"sweetheart, manahimik ka na muna kasi na tatae na din ako" sabi ni anisha
"kuya tar, pakibilisan" utos ni abi sa driver nila
Agad naman siyang sinunod ng driver nila, mabilis pero maingat itong nagmaneho at hindi kalaunan ay narating na din ang bahay nina abi
Nag-unahan naman sa pag-labas sa kotse si anisha at Abi
"Hi daddy..." mabilis na bati ni abi sa kaniyang ama na naka-upo sa sofa na nanonood ng basketball
"dun ka na sa baba!" sigaw ni abi kay anisha bago mabilis na umakyat sa second floor nila
"Hi tito" bati ni anisha bago dumiretso sa kusina nina abi kung saan may banyo din
"Hi tito" bati ni jairah kay tito Ayden bago umupo sa sofa nina abi
"hi tito" sunod na bati ko
"anong nangyayari sa dalawang yun?" tanong nito
"lamon po kasi kami nang lamon eh, kaya ayun nagbawas lang sila" sagot ko
"eh kayo, hindi ba kayo magbabawas?" tanong nito
"nakapag-bawas na ako" sagot ko
"hindi ako natatae" sagot ni jairah
"ano success?" tanong ni tito ayden sa anak at nakita naman namin si abi na bumababa na sa hagdan
"gago! ang sakit ng tiyan ko" sagot ni abi sa ama
"pasalamat ka at wala ang mommy mo dito, baka napalo ka" sabi ni tito ayden dahil sa sinagot ng anak at mukhang wala namang pakialam si abi at basta na lang umupo sa sofa sa tabi ng daddy niya
"oh siya sige" sabi ni tito bago tumayo at binigay ang remote ng tv kay jairah
"mauna na ako"
"bakit? saan ka pupunta?" tanong ni abi sa ama
"pupunta akong greece, kailangan ako sa hospital" sagot nito sa anak at inutusan naman nito ang mga katulong na kunin ang gamit nito
"sama ako" sabi ni abi at napatingin naman ako sa kaniya. nakanguso ito habang nakasaklop ang kamay nila ng daddy niya
"sama ako" sabi nito
"nandito ang mga kaibigan mo" sabi ni tito
"edi mag-stay ka na lang, kailangan din naman kita eh" sabi ni abi
"ang kailangan mo ay yung credit card ko at hindi ako, wag mo akong niloloko ah" sabi ni tito ayden at natawa naman kami ni jairah
Daddy's girl talaga si abi. kahit na sabihin mo na nasa senior high na kami ay gusto pa rin nitong bini-baby siya ng daddy niya
"daddy!" sigaw ni abi na animo'y nagmamakaawa binitawan naman nito ang kamay ng ama bago sumandal sa sofa
"di tayo bati" sabi ni abi at naghalukipkip
"ganito na lang, sumunod ka sa'kin after ng exams niyo" suhestiyon ni tito Ayden
"ano, okay na ba ang proposal ko?" tanong nito
YOU ARE READING
Memories in Siam
RomanceBest friend series #1 "It's funny how those memories lingers, and how I keep chasing them just to have glimpse of the past I once had with you" PUBLISHED DATE: 2-24-21 END DATE: 3-31-21