Chapter 7: Jealous

VANESSA'S POV

Nang maihatid kami ni kenzo pabalik sa bahay nina abi ay panay pa rin ang pag-isip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kanina

"vanessa..." bumalik naman ako sa tamang katinuan dahil dun at napatingin ako sa nakabukas na pintuan ng kotse at nakita si kenzo, napansin ko din na nasa may gate na rin si abi

"okay ka lang ba?" tanong nito at tumango naman ako

inilahad naman niya ang kamay niya na agad ko namang tinanggap bago ako lumabas ng sasakyan niya

"goodnight" sabi niya

"goodnight" sabi ko pabalik bago lumapit kay abi at pumasok na sa loob ng bahay

Nang makapasok kami sa bahay ay dumiretso na muna kami sa sofa at dun na muna nagpahinga

napatingin naman ako kay abi na hinihilot ang leeg nito

"may gusto ka sa kaniya?" tanong ko kay abi kaya napahinto ito sa ginagawa

"huh?" tanong niya

"kay kenzo? may gusto ka ba sa kaniya?" tanong ko at umiling naman siya

"bakit hindi?" tanong ko at napakunot naman ako ng noo ng makita ang unti-unting pag-ngiti niya

"kasi-" naputol naman ang sasabihin niya ng may tumawag sa kaniya

"hello cayo" bati niya at napangiti naman ako

"omygo-"

"shh" pagputol ni abi sa tili ko bago ito tumayo at pumunta na muna sa likod bahay

"so dahil kay cayo?" tanong ko sa sarili

sinundan ko naman siya sa likod bahay, at nang makita ko siya ay huminto na lang ako kung nasaan ako dahil sa malapit lang naman siya sa may pintuan at makikita mo pa rin siya dahil isang glass door ang pintuan

"parang hindi naman" sagot ko sa sarili ko nang makita ang itsura ni abi habang kausap si cayo

"dora ka girl? tanong mo sagot mo" sabi ko sa sarili ko dahil sa inasal ko

Iniwan ko naman na si abi at dumiretso na sa kuwarto ko para makapag-shower na

Nang makapsok ako sa loob ng banyo ay agad kong pinaandar ang tubig at sinugurado na katawan ko lang ang mababasa

"imposible namang gusto ni abi si kenzo hindi naman niya type yun eh" mahinang bulong ko sa sarili ko habang sinasabunan ang katawan ko

"ang tipo ni abi eh yung mga matatangkad, mapapanga, moreno o kaya mestiso, malaki yung katawan, at higit sa lahat ay yung mas matanda sa kaniya-"

"pero people change eh" pagputol ko sa sasabihin ko

"vanessa..."  napatigil naman ako dahil dun

"y-yeah, bakit?" tanong ko

"wag kang masyadong magtagal diyan baka magkasakit ka" sabi ni abi sa labas ng banyo

"o-okay" sabi ko at narinig ko naman ang mga yabag niya na naglalakad palayo

"tama people change, ni hindi nga nagsuka si abi kanina eh"

"eh baka naman kasi di alam ni abi ang edad ni kenzo-"

"pero magkakilala sila eh, diba dun sa hospital-"

"de shutangina! punyawa!" sigaw ko dahil sa mga pinag-iiisip ko

"shit!" mahinang singhal ko ng may-isip na naman ako

"hindi...hindi...masyado pang maaga para magustuhan ko si kenzo" bulong ko sa sarili ko

Memories in SiamWhere stories live. Discover now