14

659 44 1
                                    

Chapter 14

Ang alipaap ay nag sisimula ng dumilim. Malamig ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat habang ang tunog ng pag tama ng ulan sa bubong ang naririnig ko. Tapos na ang el niño at dumating na ang la niña. Gaya ng pag alis ng araw, nawala na rin ang aking ama.

"Jaja, pumasok ka na baka magkasipon ka," sabi ni Mama mula sa loob ng bahay.

Hindi ako gumalaw at nanatili sa pwesto ko sa porch ng bahay, ang mga mata ko'y nakatutok sa gate na gawa sa kahoy kung saan huli kong nakita si Papa.

Naalala ko noong bata pa ako, dito ko rin hinihintay si Papa sa tuwing wala siya. Minsan nag pipinta, minsan nag buburda, madalas, nakaupo lang. Sinasabihan ako ni Mama na matagal pa bago bumalik si Papa mula sa ibang bansa ngunit kahit ganoon, hinihintay ko pa rin siya.

"Sa tingin mo, Mama... Babalik pa ba si Papa?" hindi ko mapigilan ang mag tanong.

Hindi nakapagsalita si Mama. Hindi na ako nag tanong muli dahil sa takot na baka hindi ko magustuhan ang sagot niya.

Tumingala ako upang makita ang kadiliman sa kalangitan ngunit kahit na ganoon, may maliliit na tuldok na siyang nagliliwanag; mga bituin. Sa gitna ng dilim, nakakaya pa rin nila lumiwanag.

Tulad ni Julio. Unang taon niya sa Philippine Military Academy. Huli namin pag uusap sinabi niya na nakarating na daw siya sa dorm niya at maya maya'y kukunin na ang kaniyang telepono kung kaya't hindi na siya makakapagtext sa mga kaibigan niya. Sinabi ko na ok lang at naiintindihan ko.

Ngayon, dalawang buwan na ang lumipas simula nang pinadala niya ang mensahe niya. Hindi na kami tulad noon na halos araw araw ay magka-text. Siguro... ganito nga ang buhay. Laging nagbabago. Masakit man, ngunit kailangan ko na lang tanggapin.

This summer may have been the loneliest I have felt. Wala ulit ang magkapatid na Hidalgo dahil nasa US sila. Hindi rin sila makabisita dahil inaasikaso ni Toni ang kaniyang buhay sa Baguio–tulad ni Julio, she will also be studying in PMA. Si Anie naman ay mananatili sa Maynila. Si Gregory naman ay bumibisita paminsan minsan ngunit madalas ay nasa Maynila rin. Tanging si Julio ang kaibigan na naging kasama ko buong Abril at Mayo. Ngunit tulad ng iba, kailangan niya rin umalis.

Napapatanong rin ako kung kumusta na kaya si Julio ngunit pinipigilan ko lagi ang sarili sa pagtitipa ng mensahe. Alam kong may ginagawa siya. Ngunit may mga araw na kahit na alam kong may ginagawa siya, pinapadalhan ko pa rin siya ng mensahe. Nasanay na ako na lagi siyang kausap. Ngunit ngayon, sinasanay ko na ang sarili na hindi siya kausapin.

Madaming bagay ang kailangan kong tutunan na masanay na lang.

Sa bawat araw na lumilipas, tila mas nararamdaman ko ang pag daan ng araw. Life before felt like it was just another day. Sometimes I was happy, sometimes I wasn't. Now, I have other matters to think of other than whether I am happy or not. Hindi tulad noong nakaraang taon.

Natutunan ko na lang na malungkot man ako o hindi, kailangan kong magpatuloy. Kung noon, kinakailangan ko ang yakap ni Mama, ang pag alaga ni Ate Ela, at makitawanan kay Ate Rose para maging ok. Ngayon, kailangan ko ng harapin ang araw nang mag isa. Hindi na ako bata.

Minsan sa tuwing kasama ko ang mga kaklase ko, napapatanong rin ako kung mayroon rin ba silang problema sa bahay tulad ko. Kung nararamdaman rin ba nila na tila ba may kulang sakanila o kung nakakatulog rin ba sila dahil sa pag iyak.

Ngunit, hindi mo mamataan ito sa ibang mga tao dahil sa ngiti sa kanilang mga labi.

Tulad ngayon sa loob ng silid aralan. Tumatawa si Hera ngayon sa harap ko dahil sa sinabi ni Weng. Umupo si Weng sa upuan sa likod ko at ginawa na ang paired task kasama ang partner niya. Ganoon rin kami ni Hera ngunit mas nauna pa ang pagkukwento ni Hera.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now