15

534 43 1
                                    

Chapter 15

Alalang alala ko ang unang pagkakataon na sinaktan ako ni Papa. Siyam na taon gulang ako at nangyari ito noong tag-init. Nagpipinta ako sa sala habang si Mama ay naglalaba. Si Ate Rose naman at si Ate Ela ay mayroon na swimming classes kasama si Tita Gloria at ang kaniyang anak. Ito ang mga panahon na may pambayad pa kami para sa mga ganiyan na klase.

Galit si Papa noong bumalik siya galing sa sabungan dahil natalo ang manok niya. Padarag niyang isinara ang pinto at nang makita niya ang watercolor paint na nakalagay sa ibabaw ng lamesa sa sala, binato niya ito sa'kin at tinulak ako papunta sa upuan sabay sigaw, "Anong kalat na naman 'to, Jaja?!"

Ngayon ko lang nakita si Papa na nakadirekta ang galit sa'kin. Bumulos na lang ang aking luha habang humihikbi na pinapanood si Papa na nagwawala.

Dumating si Mama mula sa labas at sinimulang sigawan si Papa. Naalala ko na tumama ang kamay ni Papa sa mukha ni Papa na nagpapikit sa aking mata. Kinuha ko ang throw pillow at yinakap ito habang pilit na sinasabihan si Papa na tumigil.

Mag mula noon, hindi na naalis ang takot ko kay Papa.

Ngunit nang buksan ko ang pintuan ng aming bahay, agad na bumati sa'kin ang mga upuan na kalat kalat at ang mga bote ng alak na nakatilapon kung saan saan. Sa gilid ng estante, naroroon si Papa. Nakahandusay at hawak hawak ang isang bote ng alak. Wala na akong naramdaman. I just felt like this is it, it's hopeless.

Still, I cried. I cried as I knelt beside him, shaking him, and asking him to wake up. Kung hindi lang ako sinabihan ni Julio na dalhin si Papa sa ospital, siguro nanatili ako doon na umiiyak.

At that moment, I realized no matter how much Papa pains me, I will always worry about him, I will always ask where he is, I will always wonder why he always leaves us... I will always love him. I realized then that this it is, I am also hopeless.

I had never felt that way until I was seated outside of the emergency room, shaking, as I stared at the blank wall in front of me.

"Jaja," a baritone voice called beside me. Hindi ko na kinailangan na tingnan pa ito upang makilala kung sino.

"Julio..." I whispered coarsely.

"Gusto mo ba kumain?"

I shook my head.

"Water?

I shook my head again.

"Jaja... Ok ka lang?"

I couldn't even shake my head anymore.

"Nakita ko sila, Julio..." I trailed. "Nakita ko kung paano nila sinubukang buhayin siya muli..."

I closed my eyes tightly, unable to bear the sight of my father lying unconscious in the emergency room. Medical staff surrounded him, their urgent movements a blur as they worked to revive him. My heart raced as I watched, feeling utterly helpless in the face of his struggle for life.

Inilapat ni Julio ang kanyang kamay sa aking balikat at marahang hinagod ito. Sa galaw na iyon, muling sumambulat ang mga luha mula sa aking mga mata. Parang isang malumanay na patak ng ulan, ang kanyang haplos ay nagdulot ng kalakip na ligaya at lungkot na hindi ko mailarawan.

"It'll be okay," he whispered.

Nang buksan ko ang aking mga mata, nakita ko si Julio na nakatitig sa akin nang may pag-aalala. Sa kanyang mga mata, natanto ko na dumating na ang aking kinatatakutan: alam niya na.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now