02

924 77 14
                                    

Chapter 02

Growing up, I never really knew what peace truly was. All I knew were screams, things flying, the sound of the plates breaking, and eerie sobs.

"Putangina ka, Arvin! Wala kang kwenta! Nagt-trabaho ako lagi dito pero ikaw puro na lang walang kakwentang kwetang bagay ang inaatupag mo!"

Mariin akong napapikit at pilit na pinapakalma ang sarili. Yinakap ko ang aking duck na stuffed toy ngunit agad na napabukas ang aking mata nang marinig ang malakas ng tunog ng pagkakabasag ng isang bagay. At this point, hindi ko na alam kung baso ba 'yon, plato o kung saan 'yon tumama.

Malakas ang kabog ng aking puso. Napatingin ako sa aking kapatid na nakahiga sa kabilang higaan. Hindi siya gumagalaw ngunit alam kong gising siya.

"Wala akong pakealam! 'Wag kang mangingiealam sa kung ano man ang ginagawa ko, Carmina!"

Kasunod ng sigaw ang malakas na hiyaw ni Mama. Namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa takot sa kung ano man ang pwede pang gawin ni Papa kay Mama. Gustuhin ko man na pigilan sila ngunit alam kong hindi ko kaya.

"Mamatay ka na! Sana hindi na lang kita pinakasalan! Hayop ka!"

Tanging ang manipis na kurtina ang mayroon kami imbes na pintuan kaya rinig na rinig ang lahat ng nangyayari mula sa labas. Tahimik kaming tatlong magkakapatid dito sa loob ng kwarto ngunit ramdam ko ang takot ng aking mga kapatid.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Nangininig ang aking kamay nang abutin ko ang isa pang rainbow stuffed toy. Tears streamed down my eyes as I looked through the curtains where I could visibly see my father pulling my mother's hair.

"M-Mama," I called as I stopped myself from crying.

"Shhh," Ate Ela whispered to me. Suddenly, I found myself crying in her arms.

"Titigil na, Jaja. Matatapos na," pang aalo sa'kin ni Ate Ela.

Napahinga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ngunit nang marinig ang malakas na hikbi ni Mama napahagulhol ako. Tinakpan ko ang aking tenga gamit ang dalawa kong kamay, nagbabaka sakali na sana tumigil na ngunit hindi.

"Jaja," tawag ni Ate Ela sa'kin. She cupped my face and made me face her. "Titigil na. Shhh."

Patuloy ang pag buhos ng aking luha. Tinago ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at hinayaan ang sarili na umiyak habang hinahagod ni Ate Ela ang aking likod. Nanginginig ang aking katawan at malakas ang pintig ng puso.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito. Mula nang bumalik si Papa mula Saudi Arabia matapos mawalan ng trabaho naging ganito na ang aming buhay. Napuno ng pait at sigawan.

Hindi ko na maalala ang huling araw kung saan tahimik at mapayapa ang aming pamilya sa tuwing naririto si Papa. Kaya hindi ko mapigilan ang humiling na sana mawala na lang siya. Na sana dumating ang araw na tuluyan na siyang umalis sa aming mga buhay.

"Jaja, ito tatandaan mo." inangat ni Ate Ela ang aking mukha.

I stared back at my sister's brown eyes with dry tears on my cheeks. Pinunas ko ang aking luha at hinintay kung ano man ang kaniyang sasabihin.

"Aalis tayo dito. Iiwan natin si Papa at pupunta tayo—Ikaw, ako, si Rose at si Mama sa isang lugar na malayo kay Papa at magiging masaya tayo. Tandaan mo 'yan."

Dahan dahan akong tumango, ang mga luha ay walang humpay na bumubulos. Bumuntong hininga si Ate Ela at muli akong hinagkan hanggang sa matapos ang away ni Mama at Papa. Sa huli, lumabas na naman ng bahay si Papa upang uminom.

This day was supposed to be joyful because it was my graduation. But because of the event from a while ago, I couldn't enjoy it even one bit. I may have achieved great things academically, but all I truly wanted was for my family to be happy.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now