05

762 72 5
                                    

Chapter 05

Are you as afraid to lose your friends as they are as afraid of losing you? That's the question ringing in my head the moment I arrived at Anie's mansion.

"Feeling ko talaga may gusto siya sa'kin," ani Alice kung kaya't agad na napahiyaw si Hera at Anie.

Nanatili akong tahimik habang pinapanood silang nagku-kwentuhan tungkol sa crush ni Alice na kaklase ni Hera. Naririto kami sa hardin ni Anie, nakaupo sa loob ng gazebo kung saan may mga pagkain na nakalahad sa harap ngunit masyadong silang lulong sa pakikinig sa kwento ni Alice para mapansin nila ito.

Hindi naman ako maka-relate sa pinaguusapan nila dahil ang usapan tungkol sa lalaki ay hindi nag bibigay ng interes sa'kin kung kaya't pinagtuonan ko na lang ng pansin ang mga katulong ni Anie na nag didilig ng mga bulaklak.

Malaki at magarbo ang bahay ni Anie. Tatlong palapag ito at may malaki pa na veranda sa ikalawa at ikatatlong palapag. Idagdag pa na mayroon silang swimming pool dito sa likod ng kanilang bahay at malaking hardin na alagang alaga.

Normal lamang ang lahat ng ito para kay Anie na anak ng Mayor ng Cabanatuan na si Michelle Vergara. Kilalang pangalan ang 'Vergara' sa siyudad ng Cabanatuan ngunit kahit na ganoon nanatili pa 'rin na nasa sahig ang mga paa ni Anie. Hindi lang halata minsan dahil madalas siyang mamisinterpret ng mga tao bilang isang spoiled brat ngunit kilala ko ang aking kaibigan. I can tell that she's more than what people labels her.

Siguro kung magkakaroon man ako ng bahay, baka ganito 'rin. Pinapangarap ko 'rin ang isang marangyang buhay kung saan wala akong iisipin kundi kung anong ulam ba ang gusto ko, kung anong kulay ba ng damit ang gusto ko o kung kasya pa ba sa aking kwarto ang mga napamili kong damit, ngunit napapaisip 'rin ako kung ito ba ang bukod tanging magpapasaya sa'kin o kung isa lamang itong patsada mula sa hinagpis na pinagdadaanan ko?

"Bakit naman? E, 'di ba you said inaasar siya ng friends niya sa ibang girl?" kuryosong tanong ni Alice.

Binalik ko ang aking atensyon sa mga kaibigan na hindi matapos tapos ang pag uusap. Napatingin ako sa relo kong suot na mula kay Tita Nina at nakitang malapit ng mag alas dos ng hapon. Ibig sabihin halos dalawang oras na akong naririto ngunit tanging ito lang ang aking naririnig.

"Inaasar lang naman," ani Alice sabay kibit balikat. "Atsaka, hindi naman sila nag uusap so bakit siya magkakagusto doon?"

"Sino ba kasi 'yong girl na gusto ni Joshua?"

"Si Jaja," Hera answered.

Napunta sa'kin ang atensyon ng tatlong babae. Napatikhim ako at inabot ang mango fruit shake na nasa ibabaw ng lamesa at sumsim dito.

"So sa'yo may gusto si Joshua?" Anie asked in shock.

Napunta ang aking titig kay Alice. Napansin niya ang aking titig, pinagdikit niya ang kaniyang labi tila ba nanggigil, ang mga mata niya'y matalim na nakatingin sa'kin.

"Wala naman na gusto si Joshua kay Jaja. Sino naman ang magkakagusto kay Jaja?" ani Alice, ang kaniyang boses ay puno ng iritasyon.

I bit my lower lip. Her words dripped with vexation, every drop burning my skin.

"Si Carl, Rey, James, Mark, Johnny—"

"Ang dami! You didn't tell me you had a lot of admirers?" Anie interrupted Hera from her excitement.

I awkwardly smiled, not knowing how to react. Alam kong mayroon na nagkakagusto sa'kin ngunit masyado pa akong bata para pag bigyan 'yon ng pansin.

"'Yong mga umamin pa lang 'yan, ah. Madami pa sila." Hera giggled and turned to Alice. "Dalawa doon sa binaggit ko crush mo noon."

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now