Chapter 16
Mag mula nang mag bago ang aking katawan, mas napansin ko ang madaming pagbabago hindi lang sa sarili ko ngunit pati na rin sa pakikitungo ng mga tao sa'kin.
Sa kada oras na nakikita ko ang aking sarili sa salimin, tanging naiisip ko ay ang itago ito.
Sa bawat pagkakataon na nakikita ko ang aking sarili sa salamin, ang tanging naiisip ko ay ang pagtago.
Bata pa lang ako, mahilig na akong magsuot ng mga damit na gusto ko, ngunit pinagbawalan ako ni Mama dahil ang aking dibdib ay masyadong kitang-kita. Kung sakaling magsusuot ako, dapat mataas ang neckline o kaya ay takpan ng jacket o cardigan. Noong ako'y bata pa, hindi ito naging problema.
When my family and I would leave, Mama would examine my clothes. Ang mga dating damit na pwede kong suotin ay hindi na pwede ngayon. At sa oras na makakita kami ng kakilala, they would gush at me and say, "Dalaga ka na talaga, Jaja!". Maybe they mean well, but I always felt uncomfortable every time they would.
Hindi ko rin gusto na hindi na ako kumportable umupo sa balkonahe ng aming bahay para magbasa o magburda. Tuwing may dumadaang lalaki, sila'y napapalingon at tila ba nagmamasid sa akin na para bang ako'y isang hayop sa zoo. Hindi ko na nararamdaman ang kaligtasan sa aking sariling tahanan.
Kaya siguro mas gusto ni Ate Ela na manatili sa loob ng bahay, sapagkat katulad ko, ganito rin ang kanyang pangangatawan. Si Ate Rose naman ay hindi lumalabas ng bahay nang nakashorts mula noong magsimulang magdalaga. Akala ko dati ay dahil gusto niyang magsuot ng pajama buong araw. Ngunit ngayong nagbago na ang aking katawan, naintindihan ko na ang dahilan.
Mas lalong hindi ko gusto ang mga biro ng ginagawa ng mga kaklase kong lalaki sa tuwing tumatakbo ako. Dahil dito, iniiwasan ko ang mag laro kasama ang mga kaklase ko sa field o kaya naman pinipili kong hindi sumali sa mga aktibidad sa tuwing may PE. Nakakalungkot na noong nagsisimula kami sa high school, hindi naman sila ganito. They used to be nice to me but after that they would either joke, look at me weirdly, or avoid me.
Simula nang magbago ang aking pisikal na anyo, tila ba nakalimutan na nila na ako ay isang tao at hindi lang isang katawan.
Matagal ko ng hiniling na maging isang tunay na babae. Ngunit ngayon, mas gugustuhin ko na bumalik sa mga panahon na nag lalaro kami. Naalala ko tanging ang pang aasar nila sa'kin ay dahil mabagal ako tumakbo at mabilis ako mapagod. Ngunit sa huling mga oras ng high school, nag iba ito... at akala ko mag babago na ito sa pagtapak ko ng kolehiyo ngunit nagkakamali ako.
Nakasuot ako ngayon ng simpleng puting t-shirt, pantalon, at sneakers habang papasok sa canteen. Haplos-haplos ko ang aking binder na puno ng mga tala na kailangang basahin. Kumuhang muli ako ng panyo mula sa bulsa upang punasan ang pawis na tumatagaktak sa aking noo. Habang nilalakad ko ang mga mata sa paligid ng canteen, biglang napangiti ako nang makita ang tingin ng isang pamilyar na morenang babae. Kumaway siya nang makilala niya ako.
"Yan na si Jaja," sambit ni Weng.
Kumunot ang noo ko at sinundan kung sino ang kausap ni Weng. Mabilis akong naglakad patungo sa direksyon ng upuan niya, ngunit biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang matanto ko na may ibang tao doon.
Malapit na ako sa lamesa kung nasaan siya nang biglang marinig ang baritonong boses mula sa gilid.
"Tingnan mo oh," anito at napasipol.
"Sarap niyan pag nakaibabaw."
Sumunod dito ay ang malakas na tawanan. Hindi ko na tiningnan pa kung saan ito nanggaling. Sa mga sandaling iyon, ramdam ko ang galit sa bawat salita nila. Hindi ko alam kung paano sila dapat harapin o sagutin. Hindi ko magawang harapin sila o tignan ang kanilang mga mata.
YOU ARE READING
Dulce Secretum
RomanceA novel. Jasmine Marie Garcia's life has never been perfect. She grew up in the province of Nueva Ecija and since then, she felt like all life has to offer her are tragedies like the books she read. Amidst her seemingly vicissitude life she stayed a...