17

469 35 0
                                    

Chapter 17

It was an unsual cold december. Alas sais nang umaga nang mag simula kami mag lakad ni Mama at Ate Belle mula sa simbahan patungo sa bahay ni Tita Gloria. Ako at si Ate Belle ay naglalakad habang si Mama at Tita Gloria ay nag uusap sa likod.

Huminto na ang ingay ng mundo. Hudyat na paparating na ang bagong taon.

Sa mga oras na ito, namimili kami ni Ate Ela, Ate Rose at Mama ng mga bagong damit at regalo o kaya naman naghahanda para sa selebrasyon ng pasko. Gumagawa kami ng mga dekorasyon gamit ang mga lumang kahon, plastik na bote, at mga magazine na nakuha namin buong taon. Naalala ko nakapaggawa kami ng Christmas tree gamit lang ang mga bote. Sa ibang araw, kasama ko ang mga matalik kong kaibigan; si Julio, Toni, at Rad para pumunta sa kung saan. Sa tuwing umuuwi naman si Anie ay nagsasama kaming tatlo ni Hera sa bahay ni Anie para mag kwentuhan tila bang walang agwat sa pagitan ng huli naming pagkikita.

Napangiti ako nang maisip ang mga alaala na ito. Ngunit iyon na lang 'yon, mga alaala.

Ngayon, iba na ang daloy ng pasko ko. Hindi na kami nakakapaggawa ng mga recycled decoration ni Ate Ela at Ate Rose dahil may trabaho na si Ate Ela sa Maynila at si Ate Rose naman ay abala sa pag aaral lalo na't mas madami na ang pinapagawa sa kanila ngayon.

Ang mga kaibigan ko naman... hindi na sila umuuwi.

Hindi na sila bumalik.

And that pains me. But I'm trying to get used to the fact that everything changes and for me to grow, I must embrace it.

"Embrace it.", "Grow.", sabi nila. Sinusubukan ko naman at may mga araw na madali na 'yon para sa'kin pero may mga araw naman na nakatulala na lang ako dahil sa hindi ko maintindihan na mga emosyon. Tulad sa mga araw na ganito; disyembre kung saan ramdam na ramdam ko na ang buhay ko ay hindi na tulad ng dati.

Siguro ang tanging gusto ko lang sa pagbabago ay sa tuwing wala si Papa. Matagal na mula nang muli ko siyang nakita at mas gugustuhin ko na 'yon.

Minsan napapatanong ako kung nasaan ba siya. Kung bakit kailangan niyang umalis. Kung bakit lagi niya kaming sinasaktan. Ngunit mas pipiliin ko na lang na hindi malaman ang mga sagot sa tanong na ito.

But for the very last time, I have a question... Does he ever miss us? Does he ever look for us when he's somewhere out there?

"Naandito na si Lala Gloria at Lala Cara!"

Napakurap kurap ako sa narinig. Tiningnan ko nang maiigi kung sino ang nasa unahan ko at natanto ko na si Ate Layla, ang anak ng matalik na kaibigan ni Mama habang karga karga ang kanyang anak na si Issa.

Napangiti ako sa nakita. Mabilis akong lumakad patungo sa kinatatayuan niya. I gave her a brief hug before giving my attention to little Issa. Apat na taong gulang na si Issa at nag simula ng mag aral. Si Ate Layla naman ay pinagpapatuloy na ang kanyang pag aaral mula nang mabuntis noong grumaduate sila ng high school ni Ate Ela.

Sa tuwing umuuwi si Ate Ela ay madalas siyang bumisita kay Ate Layla. Masaya ako na kahit hindi sila sabay na mag aral ay nanatili silang matalik na mag kaibigan. Parang kami lang ni Anie.

Napatingin ako kay Tita Gloria at Mama na sabay na pumasok sa loob ng bahay habang nagtatawanan. Isang maliit na ngiti ang kumurba sa labi ko.

Parang si Mama at Tita Gloria.

Sabay na lumaki si Tita Gloria at si Mama dahil malapit lang ang kanilang bahay–ang bahay kung saan kami lumaki nina Ate at ang bahay kung saan lumaki si Ate Layla. Sabay silang pumupunta patungo sa kanilang paaralan hanggang sa pag uwi. Nangyari ito mula sila'y bata pa hanggang sa mag tapos ng pag aaral.

"Lahat, nakita ng Tita Gloria mo. Alam mo ba, niligawan noon ng Ninong Ali mo ang Tita Gloria mo. Ang kaso, inayawan siya ni Gloria dahil ayaw niya ng LDR. Noong mga panahon na nasa high school kasi kami, nag aaral si Ali sa Maynila at umuuwi lang dito tuwing bakasyon," kwento ni Mama sa tuwing napaguusapan namin ang kanyang buhay noong dalaga pa siya.

"Si Ali naman, noong lumaki na kami, madalas siyang bumibisita sa bahay... Hanggang ngayon, ganoon pa rin," patuloy ni Mama.

Ganyan kasimple ang buhay ni Mama at sa tingin ko ganoon rin ang gusto ko. Hindi ko naman hangad ang maging mayaman, gusto ko lang ng mapayapang buhay kasama ang pamilya ko.

Sana magkaroon ako ng anak na babae para habang nagbubuntis ako, magawan ko siya ng mga maliliit na damit na susuotin niya pag naandito na siya sa mundo. Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para maging masaya siya... tulad ni Mama.

I can imagine myself cooking for my family, knitting little blankets for my daughter, awake at night while I prepare my lesson plan, gardening and tending to the gumamelas, and going to school with my daughter inside a tricycle.

Nakikita ko ang sarili ko na nakaupo, sa harap ko ay lamesa na may pagkain at napapalibutan  ng mga kaibigan ko. Matagal na kaming hindi nag kita kung kaya't madami kaming napagkwe-kwentuhan tungkol sa aming buhay.

Si Lori ay kinukwento ang buhay niya bilang guro sa ibang bansa. Matagal niya ng pangarap ang umalis sa Pilipinas at doon manirahan. Si Hera ay isang veterinarian. Her expertise would definitely be on agricultural vetrinary. 'Yon naman kasi ang hilig niya. Naalala ko noong bata pa kami gustong gusto niyang magkaroon na alagang kalabaw. Si Weng naman... Parehas kaming nasa BA-EDUC ngayon ngunit alam kong nasa puso niya talaga ang pagpasok sa abogasiya. Kaya sana pag laki namin ay maging abogada siya.

Pero si Gregory? Sigurado akong pag laki namin ay isa na siyang abogado o kaya naman pumasok sa politiko tulad ng kanyang ama't mga tiyuhin.O kaya naman parehas. His dreams are already ingrained on the path he will walk on, after all. On that path, he will walk with Anie as his girlfriend and soon his wife.

Since we were young girls, Anie and I promised that we would be each other's maid of honor. At sa kasal namin, isa na siyang fashion designer habang ako naman ay guro. Magkakaanak kami at magkikita kami, magkwekwentuhan habang ang mga anak namin ay nag lalaro. Sigurado ako na kung magkaananak man si Anie at Gregory, siguradong madalas at bibong makikipaglaro si Gregory sa mga anak nila. Gregory can be like a child sometimes... he just doesn't admit it.

A warm feeling entered my body as I imagined that in my head; Anie drawing dresses on her sketch pad while her daughter played with Gregory. Bagay na bagay.

And as for Julio... I just know he will graduate from PMA with flying colors and will become a soldier in the Army. 'Yan naman talaga ang pangarap niya mula noon. Madedestino siya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.At sa tuwing may leave siya, uuwi siya sa kanyang pamilya at ako naman...

Napawi ang ngiti sa aking labi.

Naandito sa Cabanatuan.

Aabot ang panahon na magkakaroon kami ng tabaho, mag aasawa, magkakaroon ng anak, at tatanda at ako... naririto pa rin sa Nueva Ecija. Malayo sa mga kaibigan ko.

Malayo kay Julio.

Dadating ang malamig na disyembre at magluluto ako ng sopas. Tatawag si Julio upang mangamusta at kalaunan ay bibisita sa Nueva Ecija. Pag dating ni Julio, ipaparada niya ang kanyang sasakyan, bababa siya at makikipagkamayan sa asawa ko. Tatawagin ako ng asawa ko upang sabihin na naandito na siya.

Dali dali akong pupunta sa sala upang batiin siya. Sasabihin ko, 'Pasensya na. Nagluluto pa ako.' Sasabihin ni Julio, 'Ok lang.', at maya maya'y makikipaglaro sa mga anak ko, at kakamustahin ako. Matatapos ko ang niluluto ko at kakain na kami. Matapos ng ilang oras ng pakikipagkwentuhan, aalis siya at uuwi sa kanyang asawa't mga anak sa Maynila.

I will bid Julio goodbye, close the door, and look at my husband...

My husband who wasn't Julio.

And for some reason, my heart ached at the thought of that.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now