Chapter XVI - Blossom

5 1 0
                                    

Pagkadating ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Wala pa si Mama nag overtime nanaman 'yun sa office buti na lang kasi ayoko din sabihin 'yung nangyare sa araw ko kasi hindi maganda. 

I took a quick shower to refreshen. Given naman na 'yung galit siya sa akin, sa amin ni Jio kasi nawala kami ng parang bula pero sana kausapin niya naman ako to hear out the story. Mahirap ba 'yun. I sighed.

Siguro nga sobra 'yung galit niya kasi nasampal nanaman niya ako. Everytime na lang ata na makikita niya ako kailangan may bungad siya na sampal eh. Paano maayos ang isang bagay kung hindi pag-uusapan. Dagdag naman  kasi sa isipin 'to si Therisita. Tulungan mo naman ako Jio naiirita na talaga ako sa girlfriend mo. 

Ever since hindi talaga magaan loob ko kay Therisita pero bakit kaya mabigat 'yung feeling ko kapag nakikita ko siya na nasasaktan or kapag naiiyak. I shrugged the thought. Naaawa lang siguro ako sa kaniya kasi syempre nawala si Jio ng hindi niya man lang alam at hindi niya naman na dapat malaman din 'yun.

After taking a bath plano ko na sana matulog agad kaso nakita ko 'yung phone na binigay sa akin kaninang umaga. I turned on the phone and waited until the iphone intro was done. 

Wait, this is the phone of Jio

I typed his password luckily na open ko siya. Well, iisa lang naman kasi password ng phone namin dahil hindi naman kami nag lilihim sa isa’t isa. 

Nang ma-open ko na nakita ko ang dami ng missed calls and messages niya from his friends and unregistered numbers pero mas tinuon ko ng pansin ang messages at missed call ni Therisita sa kaniya.

Alam ko hindi ko dapat binabasa 'to pero curious lang ako kasi last year everyday siyang nag memessage kay Jio. First week nung nawala kami 'yung mga messages niya puno ng pag-alala at ramdam ko sa mga mensahe niya kung gaano niya kamahal ‘yung kakambal ko. Ang daming short and long messages.

“Start na ang klase, mate. Nauna na kami pumasok ni Jessica hindi nanamin kayo nahintay sa parking. sorry”

"Mate, please mag reply ka na. Hindi ako galit promise gusto ko lang malaman kung ok kayo ni Jia"

"Mate, ano ba nangyare? please sana ok naman kayo. Message mo ko agad kung available ka na"

"Nagaalala na ko sa inyo ni Jia kahit sila Chen hindi alam kung nasaan na kayo. Nag memessage kami sa kakambal mo pati din siya hindi nag rerespond. Sana naman ok lang kayo hindi nanamin alam kung ano gagawin"

"Mate, I love you. It's been a week wala ka pa din paramdam. Hindi ko na alam kung nasaan ka. Kung ok ka lang ba. Kung kailan ka babalik. Naghihintay pa din ako sa pagbabalik mo kahit na sinasabi nila na iniwan mo na daw ako. Ang daming tanong na nasa isip ko ngayon na alam ko na ikaw lang ang makakasagot. Miss na miss na kita sobra. Naiiyak ako kasi hindi na alam kung ano pa 'yung idadahilan at palusot na sasabihin ko kila Mama sa tuwing hinahanap ka nila. Sana bumalik ka na mate. I love you so much and miss you."

As time goes by 'yung mga messages niya  para bang kinakausap niya lang si Jio at nagkikwento sa nangyari sa araw niya na parang diary lang.

"Good morning, mate. I miss you. Kumain na ako ng breakfast sana ikaw din nakakain na"

"Lunch break na mate namimiss ko 'yung kulitan niyo ng kambal mo. Namimiss nanamin kayo"

Naalala kita bigla kasi andito kami ngayon ni Jessica sa fast food restaurant kung saan tayo lagi kumakain.”

"Mate, namimiss ko na 'yung mga ngiti mo. Nalulungkot nanaman ako ngayon sana nandito ka.

“Miss ko na ‘yung boses mo sa tuwing kinakanta mo sa akin ‘yung  favorite nating kanta na I will be here ni Steven Chapman."

I Am You (BoyxBoy) (BoyxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon